Chapter 27

62 2 0
                                    

"Can we talk?"

I looked away and took a deep breath. "We have nothing to talk about, Liam"

"I'm sorry about what happened the other day"

I didn't answer him. I just stared at his face. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya dito ngayon. Wala naman silang naka schedule na meeting ni Kuya Leon. Kapag nalaman ni Ciella na nandito na naman siya, may mangyayari na naman na hindi maganda.

Hindi ako natatakot sa kanya. Ayoko lang na maging laman ako ng usapan na isa akong kabit, tulad ng iniisip nila kay mommy.

"Alam mo? Ngayon ko lang narealize na ang kapal din naman ng mukha mo, Liam. How can you kiss me that night when you knew that someone was waiting for you? Malapit ka ng ikasal, Liam. Huwag mo naman hayaan na masira iyon"

Ayoko na sana siyang kausapin, pero pakiramdam ko ay kailangan ko lahat sabihin sa kanya at pagkatapos nito ay hinding hindi ko na siya kakausapin ulit.

Huminga ito ng malalim at sinubukang hawakan ang aking kamay, ngunit ako ay lumayo.

"Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit mo ako iniiwasan, kung bakit parang galit ka sa akin when in fact I almost died because of you. Andami kong pinagdaanan, Liam simula ng mapalapit ako sayo. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagsisi. Sana hindi na lang kita nakilala"

I walked out. Masama na kung masama, pero ito ang tama. Sa paulit ulit na nangyayari mas lalo lang akong masaksaktan.





"Galing daw dito si Mr. Jadelania?" Tanong saakin ni Kuya Creed pagpasok niya ng office.

"Yes sir" pabirong sagot ko. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ko syang "sir"

"Silly. Umuwi na ba siya?"

I nod my head. Pagbalik ko kanina sa office wala na si Liam. Hindi ko siya pinalayas. Umalis siyang mag isa.

"Ililipat kana ni daddy sa ibang department, alam mo ba?"

Tumango ako. Gusto ni daddy na lumipat ako sa company na minamanage ni Kuya Hezekiah. Pumayag naman ako para na din maiwasan ko na si Liam.

"Masaya ka ba dito?" Tanong nito na nag pa tahimik sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung masaya ba ako ngayon.

"I am" I smiled.

"I heard Mr. Jadelania is getting married?"

Si Liam na naman. Ayoko ng marinig ang pangalan niya.

"I think so"

"Aren't you sad? You're first love is getting married"

My eyes widened. "How did you know about it kuya?"

Ngumisi ito at pinaglaruan ang ballpen na nasa kanyang kamay. "I know you, Brielle. If you think na hindi ka namin pinagmamasdan. You're wrong, lahat ng kilos mo ay alam na lahat namin."

I pout my lips. Unlike before, hindi na ako nahihiya kausapin silang dalawa ni Kuya Hezekiah. After that accident mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa.

"I know. Para kayong si daddy"

"It's okay, Brielle. Not because your first love was a failure doesn't mean wala ka ng makikilala na iba"

"And I heard nagkakamabutihan na kayo ni Alexander. The guy you met in a blind date, 3 years ago"

They really know a lot about me. Siguro kahit bilang ng paghinga ko ay alam nila.

He who she lovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon