"Laura was expelled yesterday" I heard someone saying.
Kahit saan ko tignan kasalanan naman talaga ni Laura kung bakit nangyari sa kanya iyon. Liam saw her taking pictures sa mga answer sheet sa exam. He didn't do anything, hinayaan nya lang si Laura na kunin ang mga sagot at nahuli syang nandadaya.
It wasn't his fault.
But of course, may kasalanan pa din si Liam.
"Kawawa si Laura, na pressure na lang siguro siya dahil ayaw niyang bumagsak" Bulong ni Ansella.
Kung sinabi ko ba ang totoo, may mag iiba ba? Ma e-expelled pa din si Laura at mag i-istay sa university si Liam dahil lolo niya ang may ari ng school.
"Hindi pa din tama ang mandaya" sagot ko.
"Yeah right. I feel bad about her but it was her fault."
I sigh. I didn't imagine I'll end up getting tangled up with this mess. Kapag nalaman ni daddy ang lahat ng ito, hindi ko alam kung ano ang magagawa niya sa akin.
He'll get mad for sure.
"Brielle!" Sabay kaming napalingon ni Ansella when we heard someone screaming my name.
"Alexander"
"Nag lunch na ba kayo? Let's eat"
At alam niyo ba? Simula ng maka sama namin sila kumain sa isang mesa, sa tuwing makikita nila kami sa hallway ay nginingitian nila kami.
Naiilang pa din ako sa kanila hanggang ngayon. Hindi ako sanay na makipag salamuha sa ibang tao lalo na kung mga lalaki, but they look nice.
"Hindi pa" sagot ni Ansella.
"Want to come with us? We'll eat outside."
Pareho kaming may vacant hours ni Ansella, kaya sumama na kami sa kanila. Hindi na ako nagulat ng makita ko na may kanya kanya silang sasakyan.
Nandito lahat silang apat, tanging si Liam nalang ang wala.
"Ang tagal ni Sebastian" reklamo ni Darrion.
Nasa isang tabi lang kami ni Ansella, buti na lang ay walang tao sa parking lot kaya walang makakakita saamin na kasama namin sila.
Ayoko na ng gulo, masakit sa ulo at sobrang nakakahiya.
"Here comes the king" Phoenix whisper, kaya napalingon lahat kami kay Liam.
I think about it all night, hindi ko pa kilala si Liam kahit halos apat na taon ko na itong pinagmamasdan mula sa malayo. Hindi ko akalain na magagawa niya ang ganong bagay.
"Where are we going to eat?" Tanong nito.
"I'm craving some seafood" Sagot ni Alexander sa kanya.
Tinignan kami ni Liam at tinaasan ng kilay. "What are you doing here?" Tanong nito.
"Niyaya ko sila" Alexander answered.
I looked down. Parang ayaw naman niya na kasama kami.
"Okay lang ba na kasama kami?" Tanong sa kanila ni Ansella.
Darrion smiled and nodded his head. "Why not."
"Let's go. We'll use Liam and Phoenix car"
Akalain mo iyon, who would have thought na magiging close kami ng mga lalaking ito. Na pantasya halos ng mga babae dito.
"Sakay nalang kayo kay Asher, Brielle." Tipid akong tumango kay Darrion.
Isang kulay itim na ASTON MARTIN V12 VANTAGE S ang sasakyan ni Liam. Yayamanin talaga. May mga sports car din si Kuya Leon, ang aking panganay na kapatid. Kaya alam ko ang mga klase ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
He who she loves
RomanceBrielle Taleigha Mondragon a simple yet super clumsy girl who gets tangled up with Liam Sebastian Jadelania because she heard something she wasn't supposed to hear. "I know you heard everything, Mondragon. If I ever heard anyone talking about what...