For some reason, I started to loosen up around Hiro from that day. Feeling ko friendly lang din talaga siya at mabuting tao. Towards the end ng swimming kami-kami din yung nagku-kwentuhan imbes na lumalangoy.
Marami din kaming group pictures. Nagpapicture kaming blockmates sa may signage ng resort at si Hiro ang may hawak ng DSLR camera. Katulad ho ng sabi ko, hindi ako confident with how I look kaya kapag magsi-selfie ako ay mas preferred ko ang left side ng mukha ko ang mas kita. Pero nilagay ako ng mga blockmates ko sa kanan.
Napabulong ako sa sarili ko na medyo rinig din ng ibang tao, "Ah ang panget ko diyan."
"Oh, iba namang arrangement. Try niyo po nakaupo naman." Sabi ni Hiro at that right timing na sinunod naman namin. Dahil rin doon nakalipat ako sa kaliwa.
Noong nag-check naman kami ng shots, okay din naman pala yung nasa kanan ako dahil maganda pagkakuha ni Hiro. Hindi ako nagmukhang mataba. I was happy about it.
Naghiwa-hiwalay na kaming mag-commute pauwi. Wala nanaman akong kasabay sa destinasyon ko dahil lahat sila doon lang nakatira within the city. Alam ko ring dahil sa pagod ay baka makatulog ako sa byahe kaya hinanda ko na ang cellphone ko na buti na lang may load para makapag-YouTube ako.
At that time, I received a chat from Hiro, himself. It didn't end up in my message requests because we're on two group chats from the production. Na-seen ko tuloy agad dahil sa gulat.
HIRO: Hello :) Sabi ni Chin sa iyo daw ito.
Nagsend siya ng picture ng payong ko na nasa upuan ng cottage. Napatingin nga ako sa bag at wala nga doon ang payong ko. Akala ko naibalik ko iyon nung inayos ko yung bag ko pagkatapos maligo.
SHINE: Ay oo, thank you! Nasa iyo ba?
SHINE: Kunin ko ulit sa pasukan.
HIRO: Hindi eh.
SHINE: Ay naiwan?
HIRO: Hindi, nakay Chin po.
SHINE: Ah sige. Kay Ate Chin ko na lang kunin. Salamat! :)))
HIRO: Okay daw po.
Sineen ko na lang iyon kasi wala na akong sasabihin sa kaniya. Si Ate Chin na lang ang chinat ko pagkauwi. Nanghingi ako ng pasensya sa abala. Makakalimutin ako noon dahil ang daming natakbo sa isip ko.
Kaya noong nagpasukan ulit at nagsimula na ang second semester, nakuha ko na ulit yung payong ko. Ang sabi naman ni Ate Chin si Hiro daw ang nakakita noon at tinanong sa kaniya kung kanino yung payong pero dahil hindi niya mauuwi yung payong kasi baka pakialaman daw sa bahay nila kaya si Ate Chin na lang kumuha.
Mula noon naging magaan na ang pakikitungo ko kay Hiro. Hindi man sa level na nagbabatian kami kung magkakasalubong pero less awkward. Nakakapag-usap kami tungkol sa mga pinapagawa ng proffessors na parehas kami if magkakataon. Para lang akong may kakilala mula sa ibang block na pwede kong pakiusapang pasagutin ng survey questionaire sa thesis.
Aware ako na nakakapagod ang third year. Hinanda ko na rin ang sarili ko na baka mahirapan ako at umiyak. Pero hindi ko akalaing ganoon kahirap to the point na ku-kwestiyunin ko na kung para ba sa akin ang daan na tinatahak ko.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
ContoShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...