Sa saglit na pag-uusap na iyon nabanggit rin nila Jazel yung tungkol sa kuwento ng crush umano ni Hiro noong elementary. Paliwanag naman niya na hindi daw iyon totoo at scripted lang. Kaya lalo naman akong napa-wow dahil ang natural lang ng delivery nila noon.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon at pagkain ng ilang stick ng kwek-kwek, nagkasabay pa kaming pumunta sa sakayan ng tricycle.
Dahil apat lang ang pu-pwede sa isang tricycle, nagkatinginan kaming lima. Hanggang sa may dumating na isa pa sa pila. Imbes na mauna kaming magkakaibigan kasama noong bagong dating, naging suggestion ni Junville na sina ni Aya, Jazel, at ng bagong dating ang magsabay-sabay.
Mabilis ang mga pangyayari. Ang tanging nasambit ko lang ay ano, hala, bakit, anong trip niyo. Naguguluhan din sina Aya at Jazel pero pinapasok na sila sa loob ng tricycle ni Junville. Sumigaw ang dalawa na hihintayin ako sa labasan.
Napatingin ako kay Hiro nang puno ng suspetya. Pilitin ko mang huwag magfeeling pero ano ba iyong nangyayari? Ni-hindi ko siya narinig na magprotesta o sawayin ang kaibigan niya.
Ang ending dahil isang senior citizen tapos anak niya yung sumunod na sa amin, sa backride kaming dalawa. Pinauna niya ako kung saan ko man gustong umupo. Doon ako sa likod ng driver dahil masakit sa puwetan yung sa dulo. Nakahawak din ako sa kapitan ng kamay dahil maraming parte na malubak sa daan.
"Dean's lister ka 'di ba, last sem?" Biglang tanong ni Hiro.
Napalingon ako sa kaniya. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kami kalapit sa isa't-isa. Yung mukha niya sobrang lapit na hindi ko matignan. Naiilang ako nang sobra.
"Ah- oo." Sagot ko. "Ikaw din, 'di ba?"
"First and last ko na ata 'yun dahil hindi na ako masyado nakaka-keep up sa mga gawain. Working student kasi ako." Aniya.
"Ah... Kaya pa 'yan!" Sabi ko.
"Okay lang naman sakin na hindi, basta wala lang ako bagsak. Okay na sakin kahit nasa dos." Paliwanag niya. "Eh ikaw ba? Goal mo ba talaga makapasok sa latin honors?"
"Hindi naman..." Maagap kong sagot. "Ano lang... uhm... kung kakayanin, gan'on?"
"Pero malulungkot ka kapag hindi?" Tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot. "Syempre, may part sa akin na sayang naman... Pero, actually pag tapos din naman ng lahat... parang okay..? Pansamantalang happiness lang din dala ng honors. May ano nga lang... certain fulfillment. Parang na-validate yung efforts mo, ga'non."
"Kaya naman pala stressed ka eh. But... Don't get me wrong. Nag-aaral din ako nang mabuti and masaya ako kung makakapasok ako sa honors... pero hindi ako masyado nage-expect sa buhay." Aniya. "Sabi nga nila si Lord pa din ang masusunod. So, kahit anong plano ko at hiling... kung hindi naman para sa akin, hindi para sa akin."
"Hmm... Tama ka naman. Tina-try ko rin naman na ganiyan maging mindset. Minsan lang talaga nadadala ng disappointments." Tumawa ako na medyo awkward. Feeling ko noon nasa counselling ako. "Alam mo yung... parang meme sa facebook?"
"Hmm?" Pinaglapat niya ang mga labi niya sa pagtatanong. Tumalon ang puso ko. Nararamdaman ko nang naa-attract ako sa kaniya. Ang cute ng ngiti niya.
"Ah- 'yung ano..." Napakamot ako ng ulo. Sobrang na-distract ako.
Nang biglang dumaan sa lubak ang tricycle kaya muntik na akong malaglag dahil hindi ako nakakapit. Hinarang ni Hiro ang kanang braso niya at doon ako napakapit. Ang puso ko!!!
Hindi naman kasalanan ng driver. Talagang may parte lang kasi sa daan na ma-lupa at bato. Napasabi rin yung driver na kumapit daw kami nang mabuti.
Binalik ko agad ang kapit ko sa hawakan ng kamay sa tricycle. Hindi ko alam kung yung paghinga ko nang malalim ay dahil natakot ako na mahulog o dahil nati-tense ako kay Hiro.
Noong medyo nakalagpas na kami roon, nagtanong ulit si Hiro kung ano daw yung sasabihin ko dapat kanina.
"Ah-- yung ano... a-ano nga 'yun ulit." Nakalimutan ko talaga. "Ah! Yung meme na... Lord, kung hindi man siya para sa akin, pilitin natin..." Sinabi ko pa with feelings.
"Gusto mo bang... pilitin natin?" Aniya gamit ang malamlam na boses.
Napalingon ako nang nakakunot ang noo. "Huh?... Ha-Hahahaha..."
Umiwas ako agad nang tingin. Naiilang ako na nag-eye contact nanaman kami. Baka mahalata niyang hindi mapakali ang kalooban ko kapag matagal niyang natignan ang mata ko.
______
Invisible String
by Taylor Swift
Please proceed to the next part!
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...