Part 19: Exile

4 0 0
                                    


Matapos kong mabasa ang kabuuan ng email. Nanlumo ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto kong sumigaw.

Gusto kong isigaw na bakit-- bakit hindi niya ako tinanong kung totoo ba yung mga narinig niya?

Bakit hindi niya ako hiningan ng explanation?

Bakit hindi niya hiningi yung buong konteksto noong gabing lasing ako?

Bakit hindi na lang siya nag-sorry?

Bakit hindi na lang niya sinabi sa akin kung galit siya o masama ang loob niya?

Bakit hindi niya na lang hinayaan na samahan ko siya sa lungkot?

Bakit kailangang palagi lang kaming masaya?

Hindi ko naman hiniling na maging masaya kami parati... o ang unahin niya ang nararamdaman ko. Pero... bakit parang we can only share the good times but not the bad times?


"Sorry, Shine..." Aya patted my back as I was being emotional. "Hindi ko nasabi sa'yo na na-chat ko na si Hiro noon na sunduin ka. Akala ko kasi hindi rin talaga siya nakarating... Tapos ang pangit pa ng narinig niya..."


I was really drunk that night dahil nagkayayaan kaming magkakaklase na uminom pagkatapos mag-shooting. I am a light drinker dahil hindi ako sanay na umiinom at hindi ko na nakayanan ang hilo ko.

Aya was insisting na tawagan si Hiro kaya nasigaw ko ang bagay na 'yon. However, I am sure I have not meant it that way and hindi iyon ang kabuuan ng sinabi ko. I was telling Aya na huwag na tawagin si Hiro kasi wala na siyang pera dahil gagastos pa siya para puntahan ako at maiistorbo pa sa trabaho. Alam kong sinabi ko kanina Aya na ayaw kong mag-cause ng inconvenience dahil sa sarili ko namang kagagawan.


"Saka di ba? Bumaba ka naman d'on sa motor kasi lalo kang nahihilo. Nag-commute ka na lang." Pag-alala ni Aya.


"Pero... totoong may gusto sa akin noon si Steve." Mahina kong sabi. "He might have sensed... kaya hindi rin ako kumportable around Steve. Pero magkaklase tayo, paano ko naman maiiwasan 'yon?"


"Eh yung sa CR... kung sino man iyang nag-chika kay Hiro, napaka-pakialamera!" Sabi ni Aya. "Bukang-bibig lang talaga natin noon yung hindi ko siya feel dahil kay Ma'am Cuevas eh."


There was a phase in our college years na inuulit-ulit namin ang mga linya sa klase ng mga professors namin. Isa na doon ang ang 'hindi ko siya feel' ni Ma'am Cuevas na instructor namin sa Film Script. Panay kasing comment niya sa mga gawa namin ay hindi niya daw feel pero hindi niya rin pinu-point out ang dapat naming i-improve. Hindi niya ini-explain what strategies we could apply to make our scripts better.

For a moment we loved using that as reference to whatever we are talking about.

Kung nasabi ko man talaga iyon, sigurado akong dinugtungan ko ng 'joke' o hindi kaya 'charot'. I would not lie or speak just those words especially to my friends.

Alam nila Aya at Jazel how I truly felt about Hiro. They know I was taking my time so we could grow more ready in leveling up our relationship.


"May isa palang nabanggit sa akin si Gabriel noong nakita ko ulit siya sa office..." Sabi ni Aya. "...remember that incident na nahulog daw si Hiro sa hagdan?"


Tumingala lang ako to look at her.


"Hiro was kind of hoping you would come..." She revealed hesitantly. "...kasi narinig niya nga yung kaklase natin na isigaw pangalan mo noong nakita siyang nahulog. So ang nasa isip niya daw pupunta ka... pero hindi naman daw. That's also the time when he felt na it's wrong to think of you while may mutual understanding na sila ni Niki. After graduation lang pala naging sila talaga..."


I could not help but have flashbacks.


Halos wala akong masabi after finding out these things. Should I have not known them at all? Would it be better that I did not know?

It turns out that the courage that I have built these past years was a false one. Because I am still hurting... I am still questioning what could have been.



________

exile

by Taylor Swift


Please proceed to the next part!

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon