Part 1: Cardigan

15 0 0
                                    

July 19, 2027



Dear  DJ and avid listeners,



Itago niyo na lang po ako sa pangalang "Sunshine". Tatlong taon na noong grumaduate ako sa kursong Bachelor of Arts in Communication sa isang local university. Sa umpisa, ayaw ko talagang mag-aral doon dahil mas gusto ko sa Maynila. Since kindergarten ako, palaging malapit lang ang school ko sa bahay. Yung tipong pu-pwede lang lakarin kung sakaling short sa budget o nakalimutan akong sunduin ng magulang ko noong bata pa ako. Sa tingin ko noon,  iyon ang dahilan kung bakit nasanay ako na madali lang magawa ang gusto kong gawin. Kaya gusto kong lumabas sa aking comfort zone. Iniisip ko magiging mas independent ako dahil magsasarili akong commute, budget ng baon o kaya pang-dorm, at mas malawak ang magiging mundo ko.


Mas napalayo nga ang school ko sa amin. Pero... hindi tulad ng inaasahan ko.

Marami akong nabuong plano sa utak ko na mga gusto ko sanang gawin pero hindi sila natuloy dahil nga hindi ako nakapasa sa university na gusto ko. Unti-unti inubos noon ang kumpiyansa ko sa sarili. Pakiramdam ko ay nililimitahan ako ng mundo o hindi kaya'y hanggang doon lamang talaga ako. Baka iyon lang ang kaya ko.


Sa loob ng halos dalawang taon, dahil sa pandemya, hindi lang ako nakulong sa apat na sulok ng bahay namin kundi pati rin sa mga takot, pagdududa, at lungkot. Pakiramdam ko noon ay wala akong patutunguhan. Paulit-ulit lang ang bawat araw, paiba-iba lang ng kailangang tapusing gawain sa school.


Kain. Sagot ng module. Facebook. Instagram. YouTube. Kain. Gawa ng activity. Kain. Hugas ng plato. Tulog. Repeat.


Siguro nga masyado din akong nakatutok sa social media kaya ako nagkaganoon. Pero ayawan ko man ang pagbababad online, kailangan. Dahil doon ako nakakakuha ng update mula sa school, mga balitang kailangan para sa student publication na sinalihan ko, at sa mga personalidad din na sinusundan ko. Doon ko lang rin nakakausap ang mga kaibigan ko dahil madalang na kaming magkita-kita sa dami ng responsibilidad na kailangan din namin gawin. Sa tingin ko ay dumagdag din na natatanong ko ang sarili ko kung bakit ang iba kong kakilala ay mayroon ng sariling business o kaya nagtatrabaho. Mayroon na silang sense of responsibility. Nahaharap na nila ang reyalidad ng mundo. Samantalang... ito ako. Hirap na hirap umusad sa isang pagkakataon ng kabiguan.

Pakiramdam ko nahuhuli ako... Bata pa rin ako. Isang paslit na tatawag-tawagin sina mama.


Kaya hindi ko namalayang para magmukhang kaya ko na at malaki na ako, napipigilan ko na ang sarili kong maging totoo sa nararamdaman ko.

Hanggang naipon lahat ng emosyon at hindi ko na kayang bitbitin ito nang mag-isa. Umabot sa puntong kailangan ko ng mag-resign bilang isang student-journalist dahil hindi ko na nababalanse ng tama ang pag-aaral at pahinga. Para sa akin noon, kung hindi ko papagurin ang sarili ko, hindi ko ramdam na binigay ko ang best ko. At, kung hindi ko nabigay ang best ko, walang silbi ang ginagawa ko. Walang silbi ang buhay ko.


Umiyak ako nang umiyak noong araw na magpaalam akong aalis na sa organization. Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon... na halos natanong ko rin ang sarili ko, Ano bang klaseng sakit ang iniipon mo para humikbi ka nang ganito?"

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon