Lumipas ang ilang linggo, natapos ang internship ng lahat ng third year students. Finally, our last year in the undergraduate was about to start. In between the very short vacation, Hiro and I went out of the town. Siya din ang nagplano noon. Lahat ng pinuntahan namin close to my interests, like gallery, historical landmarks, vintage souvenir shops, and affordable but scrumptious restaurant.
We enjoyed going around. There was a lot of things I discovered by travelling a little bit far and out of ordinary with him. Madali pala siyang mahilo sa byahe kaya mas gusto niyang matulog. I gave up the seat next to the window but he refused kaya naman pagewang-gewang ang ulo niya. At times like this, madali lang mag-take advantage and to succumb on your desire to be intimate with someone you like but never did he tried.
Naiinis ba ako? May part. Pero, natutuwa rin ako that he respects my space.
Hindi rin pala siya marunong mag-bike. Magri-rent dapat kami ng tig-isang bike palibot sa isang park pero nahihiya niyang inamin na never siyang natuto. Totoo pala iyon, akala ko joke lang. Sa mga k-drama kasi madalas ang babae ang nakiki-angkas. Nag-suggest yung nagpapa-rent ng mga bike na mag-tandem bike na lang daw kami, 'yon bang double-seated. Kaso, hindi ko kinaya na hatakin si Hiro. Halos hindi kami nakalayo ng limang metro.
Mukha man akong mas malaman ang katawan, napunta naman ang lahat ng weight niya sa katangkaran kaya mas mabigat pa siya sa akin.
Ang favorite niya namang flavor ng ice cream ay pandan. He giggled like a kid noong bumili kami after our supposed biking adventure. For the first time, he let me pay since bente pesos lang. Ofcourse, he was always so attentive of me. Kapag kumakain, tinitignan niya if kailangan ko ng tissue na pamunas ng kamay, tubig na maiinom, o kaya sawsawan ng ulam.
That day was dreamy. I felt so enchanted.
The only problem... which I did not thought much about back then, is that he kept zoning out. Kung tatanungin ko naman siya kung may problema, may masakit sa kaniya, o inaantok pa ba siya... he would say it's nothing.
Noong araw na iyon, hindi niya lang alam... pero kamuntik ko na siyang sagutin.
I hesitated, not because of how he was pero dahil hindi ko makuha ang tamang timing. Pakiramdam ko din may gusto muna akong marinig bago iyon gawin. But, I am ever so willing to compromise. Hindi naman mahalaga noon kung ano ang kulang kundi kung ano ang nandiyan.
At, minsan din... we found ourselves liking a person but not wanting to be together or have a relationship with them. Because maybe, our lifestyle does not align. Pwede ring they are way out of our league. Maraming valid na dahilan para hindi lang magmadali na pumasok sa isang relasyon.
Hindi man ako sigurado sa dulo, ang gusto ko sigurado kami sa isa't-isa.
We went home the very day. Gabi na ako nakarating ng bahay at hinatid niya pa ako kahit mas matatagalan din siya makauwi. For the nth time, I asked, "Sure ka oks ka lang? Walang problema?"
"Lahat naman ng tao may problema eh... wala lang ito..." He smiled. "...and nag-enjoy ako sa gala natin, walang makakasira ng araw ko."
He waved a goodbye with his usual beaming warm smile. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling pagkakataon na makikita kong ngumiti siya nang ganoon sa akin, siguro kinunan ko iyon ng litrato. Para naitabi ko... at paulit-ulit kong nabibisita pagkatapos noon. Dahil dumating ang mga sumunod na araw at linggo na halos parang hindi kailanman kami nagka-usap o nagkrus ng landas.
Talagang madalang naman kami kung mag-chat noon pa kaya wala akong kung ano mang na-sense na parang may mali. Nagpasukan na and I assumed that it's still quite hectic since first few weeks nagsi-settle pa kami ng schedules and professors. Unang beses na makita ko siya ulit, ngingiti dapat ako pero feeling ko hindi niya ako nakita.
At other times, hindi ko naman siya matawag dahil wala naman akong importanteng sasabihin. Ayaw ko ring umeksena sa kanila ng mga kaklase niya.
Nagtataka na rin noon sina Jazel at Aya. Minsan sila na nangti-trip na tawagin si Hiro pero lilingon lang ito at sesenyas na 'ako ba tinatawag niyo?' o 'di kaya 'sensya na busy ako'
"Tigilan niyo na beh." Nagkikiskisan na ang ngipin ko sa pagpigil kina Aya at Jazel na kunin ang pansin ni Hiro. Hinatak ko ang kamay ni Aya noong kakalabitin niya sana si Hiro sa gitna ng flag ceremony.
Nang matapos ang flag ceremony, isa-isa ang pagpasok sa building dahil kailangan pang mag-scan ng QR Code for health monitoring. Pinapapila ang mga estudyante ayon sa section.
Kinurot ang tagiliran ko ni Aya mula sa likod.
"Ano ba?!" Reklamo ko.
"Ang arte mo kasi!" Sabi niya. "Ang buhay ay isang malaking Quiapo! Maraming snatchers, maaagawan ka."
"Eh bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko?" Pangtapat ko naman sa pa-movie lines niya.
"Kasi dapat magtanong ka. You deserve an explanation! You deserve an acceptable reason!" Diin ni Aya sa tainga ko.
"Anyare na sa 'our-love-may-be-quiet-and-boring,-but-it's-sure' Iza Calzado peg?" Pagsingit ni Jazel.
"Ayun... ito na 'yun. Quiet kami ngayon." Sabi ko.
"Hay naku! Ka-stress!!!" Sigaw ni Aya.
"What's nakaka-stress, Miss?" Biglang turo sa amin ng isang mukhang mataray na professor. "Anong section niyo?"
Napatago ako ng mukha dahil nagtinginan sa amin ang ibang estudyante sa pila. Nakita ko ring napatingin si Hiro. We had a short eye-contact but he did not show any expression. Binaling din niya agad ang tingin sa unahan.
Those days were so tormenting... I have no idea what is going on.
How could a person change in a short amount of time?
I was again in a dilemma. Kakausapin ko ba siya about this to not cause anymore confusions o hihintayin ko na siya ang kumausap sa akin?
Whether it is me or it is him that is causing us to feel distant when we're supposed to be nearing the next step closer, I felt... entirely broken that time.
_______
august
by Taylor Swift
Please proceed to the next part!
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...