If I remembered it right, namumugto ang mata ko na umuwi. People were looking at me as if I was abandoned and had lost home. Nagulat si mama sa hitsura ko nang dumating ako sa bahay. Basang-basa ng ulan. Matipid ang mga salita. Walang ganang kumain.
Ayaw kong makita nila akong ganoon. Yuon din ata ang unang beses nila akong nakitang umiyak simula nang nagdalaga na ako... kaya medyo hindi rin nila alam ang gagawin to comfort me. But, I know they had the hunch and chose not to ask me.
I cried the whole night in my bed after what I saw. Naaawa ako sa sarili ko.
I felt so undeserving of love. I questioned my whole being.
Siguro nakita pa ni Hiro na suot ko yung bracelet na binigay niya noong birthday ko kung tumingin man lang siya sa akin nang saglit habang nag-aabot ako ng bayad sa jeep. And... that's what made me feel more pathetic.
Iyak lang ako nang iyak. Hoping the bucket of tears I wasted would sum up all the pain I have been feeling. Sana nailabas ko na nga lahat. Sana naibuhos ko na katulad ng walang humpay noong pagbuhos ng ulan... kasi pagod na rin ako.
Pagod na akong magpabasa at hayaan ang lungkot na tangayin ako.
Things were still imperfect even in my healing. I had to keep picking up my broken pieces to rebuild my confidence in myself again. Yet, the hardest thing to take back was 'trust'... that if someone comes to my life, would I be able to trust them that they would not shred my peace again?
Natakot na ako. When Hiro came, he was so kind and gentle... but even if he was the kindest, sweetest, and had left the greatest impression to me... he still chose to broke my heart.
Sa araw ng thesis defense namin, sobra ang kaba na nararamdaman ko.
It is one of our final and most important task before we could graduate. Naranasan ko na mag-research defense noon, okay naman ang experience... pero mas nakakakaba ngayon dahil mas madaming panelists at nanggaling pa yung iba sa mga top state universities ng bansa.
Kaya noong nalusutan namin lahat ng tanong at natapos kami sa isang oras na pakikipag-utakan... talagang nag-iyakan at sigawan din kami sa labas ng room. Hindi na kami napigilan ng professors namin dahil naiintindihan naman nila ang kasiyahan namin.
Napili naming mag-celebrate as a whole block section. Nag-ambagan kami pambili ng dedication cake na ang nakalagay ay 'ILANG TULOG NA LANG'. Mayroon ding pansit bihon, puto, at coke.
Habang kumakain, maya-maya ay may tumatakbong dumating sa classroom namin.
"Shine! Shine!" Pinagsisigaw ang pangalan ko. Gulat akong lumingon sa pinto at nakita ang isa sa mga ka-blockmate ko.
"Bakit?" Tanong ko. "Nakakanerbyos ka naman!"
"Yung Hiro..." Aniya. "...Nahulog sa hagdanan!"
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...