Part 15: All Too Well

11 0 0
                                    


Somehow what's troubling me became obvious with my actions. Sa tuwing maririnig kong mag-beep ang cellphone ko, kinakabahan ako. Excited ako na baka si Hiro na 'yon - maybe he's finally reaching out. Kahit wala ng explanations. Kahit wala ng sorry for the past three weeks of subtly ignoring me. But, there was none.


On a sunday afternoon, I decided to took a time off my phone. Nakita ko noon si mama na nasa garahe. Inaayos ang mga halaman niya. Umupo lang ako doon habang pinapanood siya. Maya-maya kinuha niya yung bigay na Marigold ni Hiro. Namumulaklak na ito. Ang sabi ni mama pwede nang punlaan para paramihin dahil nanganganak na daw. May nabisita rin laging mga paru-paro sa mga halaman niya.


"Kailan ba punta ulit dito si Hiro?" Tanong niya. "Bigyan ko nga din ng miki noodles, pang-lomi. Sarap niyan ngayong maulan."


"Ambot." Sagot ko na ang ibig sabihin ay ewan.


"Bakit? Nag-away kayo?" Tinignan ako ni mama na parang ako ang may kasalanan.


"Yun nga ang hindi ko alam eh. Kung magkaaway ba kami o ano." Napakamot ako ng noo.


"Aba'y edi mag-usap kayo!" Aniya na parang ganoon lang kadali.


"Nag--- hays..." Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko masabi na hindi naman ako pinapansin ni Hiro. Ayaw ko siyang ma-bad-shot kina mama.


"Nak, hindi importante sino may mali basta parehas kayo may gusto na magkaayos." Aniya. "Walang talo sa maunang magpakumbaba o magpatawad. Ang talo... ay taong kakahintay wala nang mahihingan ng tawad."


My mom's words may be delivered lightly but I know I needed that 'go' signal as an excuse to finally take the first move. I said fuck whatever other people would say! I need a peace of mind.

And I... just... definitely... miss talking to him. I... miss him.


Noong una kong attempt to talk to him, masyado akong kinabahan. Umurong ang dila ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naglalakad na ako papalapit sa kaniya pero bigla akong napaliko sa banyo. Naiinis rin ako noon dahil hindi niya man lang din ako tinawag para kausapin o mag-'hi' man lang din kahit nakita niya ako.

All of a sudden... it was me who was asking for his time. It was me who was craving for his attention.

I hate the way it seemed, but I tried to ignore my pride.


Sinubukan kong magtanong muna kay Junville pero ang sabi lang nito ayaw niyang magsalita for Hiro. Hindi niya rin daw kasi alam ang buong konteksto. Pero ang payo niya rin ay mag-usap raw kami para maayos namin kung ano man iyon.


Kinailangan ko pa ng kaunti pang push galing kanila Aya at Jazel. Kaya noong matyempuhan namin siya isang beses na mag-uuwian na, sina Aya mismo ang tumawag sa kaniya para magka-usap na kami.

Pumayag naman siya.

We were facing each other - about one meter close pero the distance between us felt like it was farther than that - na para bang mahirap na takbuhin. Parang ang layo na niya at hindi niya gustong tumigil na umalis o hintayin pa ako.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon