Dumating ang araw ng pagbisita ni Hiro nang mag-isa. Nagtataka ako kung ano yung dala niya tapos nakita kong dalawang halaman ng laman ng paper bag. Binigay niya iyon kay mama. Napansin niya pala na isang plantita ang nanay ko. Hindi lang iyon nang dahil sa pandemya kundi simula pa noong bata ako, mahilig na talaga si mama sa mga halaman.
"Flowering plants po ang mga ito..." Aniya kay Mama. "Itong isa ay Hydrangea tapos yung isa naman po Marigold."
"Ay salamat, Hiro! Nako, wala nga ako masyadong namumulaklak na halaman dito..." Natuwa si Mama sa thoughtfulness ni Hiro.
Nakasabay naming kumain ng hapunan si Hiro kasama ang mga kapatid ko. Habang nasa hapag-kainan nagku-kwentuhan din sila. Nabanggit ni Hiro kanila mama at papa na working student siya dahil matanda na ang parents niya. Bunso man siya pero yung mga kapatid niya ay pamilyado na kaya paminsan-minsan lang din kung may maiaabot sa mga magulang nila.
May dala din noon na pagkain si Hiro galing sa food stall kung saan siya naka-assign. Gustong-gusto iyon ng mga kapatid ko dahil mahilig sila sa fries, mojos, at ako naman sa peach mango pie.
Bago pa dumating nang araw na iyon, tinanong na ako ni mama kung ano daw ba kami. Ang sabi ko naman 'tao'. Syempre, kinurot niya ako sa singit. Huwag daw akong pilosopo. Nagbibiro lang din ako... pero ang totoo hindi naman ako naguguluhan kung nasaang phase kami ni Hiro. Getting to know each other. Pero paano ba iyon hindi cringe na sabihin sa nanay ko?
Kaya sabi ko basta sinabi ni Hiro may gusto siya sa akin.
Pero dahil kilala ako ni mama, alam niyang hindi ko rin bibigyan ng panahon na papuntahin sa bahay si Hiro para makilala nila kung wala siyang pag-asa sa akin. Isa pa, alam din nila na ang hilig ko ngang sabihin noon so mga Tito ko na alaskador na hindi ko naman kailangan ng jowa dahil sakit lang sa ulo.
Eh hindi ganoon si Hiro. Payapa ang kalooban ko kapag nakikita ko siya. Yung kilig na mapangkalinga ng kaluluwa. Ganoon yung pakiramdam ko sa kaniya.
Gayon na nga at pagtapos kumain naiwan si Hiro sa harap ng TV kasama sina Mama at Papa habang naghuhugas ako ng plato.
Naririnig ko lang nang kaunti ang boses nila habang nag-uusap. Hanggang sa madinig ko ang tanong na nakakapanghina ng tuhod.
"Tita... Tito... Alam ko po nasi-sense niyo na... p-pero... gusto ko pong pormal na sabihin na may gusto po ako kay Shine..." Nanginginig na boses niya.
"Hay nako, ngayon ka pa nagsalita kung kailan last quarter na! Sino ngayon titignan ko?" Sabi ni Papa dahil nanonood siya ng basketball. "Manila Clasico pa naman."
"Ah-- sorry po..." Saad ni Hiro.
"Eh bakit mo ba nagustuhan 'yan si Shine?" Tanong ni mama.
"Uhmm... noong una po... natutuwa lang po ako sa kaniya kasi ang bright po ng personality niya. Nakakatawa rin po minsan sila ng mga blockmates niya na at the same time tahimik lang din sila. Alam ko hong masipag siya... kasi palagi siyang hands on sa mga pinapagawa. Tapos, ang bait niya rin ho..." Paliwanag ni Hiro. "...pero yung... dahilan bakit naramdaman ko sa sarili ko na gusto ko pa siyang makilala... ay dahil kapag tinitignan ko yung mga tao sa paligid niya, parang ang swerte-swerte nila na kaibigan nila siya o kaklase nila siya."
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...