Aaminin kong hindi ako kumportable noon dahil iniisip ko kung sino ba ang nagpahiram.... at bakit kailangang parang palihim niya ibigay? Binuksan pa ang bag ko nang walang paalam!
Inisip ko na lang na mabuti naman ang intensyon. Sinubukan kong obserbahan lahat ng nasa paligid ko kung mayroon bang nakatingin sa akin noong inilalabas ko iyon sa bag o mayroong walang suot na jacket dahil kaniya ito. Pero yung ilang wala ay parang hindi naman sila.
Sasabihin ko na sana sa isa kong blockmate dahil nawi-weirduhan ako sa nangyayari pero nagdalawang-isp ako... baka asarin pa nila ako. Baka sabihin pa nila meron akong secret admirer tapos maging awkward pa doon sa may-ari ng jacket kasi hindi naman.
Inakala na lang din nila na akin iyong suot kong cardigan at niloloko ko lang sila noong umaga.
Noong uuwi na, nahirapan akong iwan lang sa desk iyong cardigan dahil mapapansin ng ibang tao. It's either isasauli sa akin o bibitbitin nila para sa akin. Kaya nagdahilan akong iiwan ko na lang yung cardigan kasi ila-lock naman yung room para walang mawala. Nang sa gan'on, hindi ko na kunwari kailangang bitbitin 'yon ulit bukas dahil hassle lang. Nakita kong i-lock yung room pero wala ni-isa akong nakitang kumuha ng cardigan.
Sa mga sumunod na araw, nagdala na ako ng sarili kong jacket. Dinahilan kong masyadong puti yung cardigan na natatakot akong mamantsahan pag nagpipintura kami o hindi kaya kakain. Sinubukan ko munang itago kunwari iyon sa bag hanggang sa mag-uwian ulit. Natyempuhan kong lumabas agad ang mga blockmates ko at nasa iba ang mga focus nila kaya naiwan ko na finally sa desk ang cardigan.
Kaya lang, maya-maya kinalabit ako ng isa naming kasama sa prod paglabas ko. "Ate, hindi ba sa'yo yung cardigan na puti? Naiwan mo sa loob."
Napanganga ako. Para sa kanila ang gulat ko ay dahil nakaligtaan ko yung cardigan. Pero para sa akin, ganoon ang reaksyon ko dahil ayaw ko na bumalik para kunin pa iyon.
Nagkunwari akong babalik at kukunin yung cardigan kaya pumunta ako ulit sa room habang naghihintay ang mga kasabay ko malapit na sa hagdan. Balak kong itago sa mga kurtina yung cardigan kung sakali. Pero papasok na ako ng room noong napatigil ako sa paghakbang. Na-glue ang paa ko sa kinatatayuan ko.
Nakita ko ang isa mga kasama namin sa prod na ipinapasok sa bag niya ang cardigan. Nagtama ang mata namin at hindi ko alam ang sasabihin. Mukhang siya nga ang may-ari noon dahil naka-poker face lang siya.
"May kailangan pa kayo?" Tanong niya.
"Ah- pinapabalikan kasi iyang cardigan sa akin. Kasi akala nila akin... I-iyo... pala iyan. S-salamat." Nahihiya ako at naiilang. Ang daming natakbo sa isip ko.
"Ah- Nahiya lang din ako i-offer ito... kasi baka lagyan nila ng malisya. Alam mo na... Hindi naman sa pag-aano." Aniya.
"Gets... gets ko naman. Salamat ulit. Una na ko. Sige..." Sabi ko habang pilit na ngumingiti kahit nau-awkward ako. Tumalikod na ako agad at lumakad palabas.
Wala naman akong narinig na sinabi niya pagkatapos.
Naiintindihan ko ang dahilan niya. Kaya hindi ko masyadong inisip ang nangyari. Ayaw ko naman isipin din niya kinilig ako dahil lang pinahiram niya ako ng cardigan. Kahit ilang linggo na kaming magkasama sa prod at nakasama ko rin siya noon sa unang prod, ni-hindi ko nga alam kung ano yung pangalan niya dahil isa siya sa naka-stay lang sa iisang gilid. Parang wala ngang nangyari pagkatapos. Lahat kami pagod, ngalay, at antok araw-araw.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...