Part 13: Change

7 0 0
                                    


While everything seemed to go on perfectly... a time came when we failed to be honest even with our own selves.


"Kumusta internship niyo?" Tanong ko kay Hiro.


Nagkita kami sa isang arcade ng mall para maglaro lang sana pero pakiramdam ko pagod din siya dahil pinagsasabay niya ang internship at pagpasok niya sa trabaho kaya hindi ko na siya niyaya kung saan-saan pagkatapos. Kumain na lang muna kami sa isang fast food chain.


"Medyo... ano..." Napahilamos siya ng mukha. "Ayos naman."


"Ah..." Tumango-tango ako. "Kasama mo si Junville doon sa station 'di ba?"


"Mmm-mmm. Buti na nga lang din para sabay kami nauwi." Sabi niya habang kinukumos ang mata.


"Gusto mo ba uwi tayo nang maaga? Para makapagpahinga ka din agad." Sabi ko dahil nag-aalala ako sa kaniya. Alam kong hindi magandang inaabuso ang katawan at ang kalusugan. 


"May pupuntahan ka ba pagkatapos?" Tanong niya.


"Uhmm... actually... may pupuntahan akong birthday party. Sa kaklase ko dati noong highschool. Mga 5pm pa naman 'yun." Sabi ko.


"Ah sige... Alas tres na rin naman. Para maaga ka din makapunta doon. Ba-byahe ka pa." Ngumiti siya at tumayo sa kinauupuan. Kinuha na niya ang dala niyang bag.


Tapos na rin naman kami kumain pero dahil nakatayo na siya, hindi ko na naayos ang pinagkainan namin. Gawain ko kasi iyon o ng mga kaibigan ko. Para kasi samin ang pangit tignan na nakabuhaghag lang sa table yung mga kinainan at yung mga plato o basura.

It won't cost much to arrange them neatly para kukunin na lang ng crew.


Pero naiintindihan ko naman na masakit na rin siguro ang ulo ni Hiro kasi kanina pa siya nakahawak sa batok o noo niya.

We called it a day and separate ways noong sumakay ako ng jeep diretso na sa bahay ng kaklase ko noon. However, for some reason, it did not felt right na hindi ako nakapagsabi ng bye. So, I messaged him instantly.


SHINE: Ingat ka ha. Pahinga ka rin pag-uwi! Salamat sa treat! :)))



Two days after, I found out na hindi pala siya umuwi noong araw na iyon. Pumunta siya sa inuman nilang magkakaklase at doon na siya nakitulog dahil hindi na niya kayang makauwi. Ang sabi rin ni Junville, dahil sobra ang hangover ni Hiro, hindi daw ito nakapasok sa trabaho.


"Tama naman siguro ako para hindi makialam, ano? Dahil hindi pa naman kami." Tanong ko kay Aya.


"Hindi ka naman mangingialam... magpapayo ka lang." Sagot niya.


"Eh what if sabihin ng tao umaasta akong jowa, hindi naman." Napatitig ako sa kaniya.


"Edi sagutin mo na para wala ng problema!" Pagsingit ni Jazel na kakadating lang sa classroom.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon