Part 8: Sparks Fly

5 0 0
                                    


That same day, Hiro sent me a friend request in Facebook. Hindi ko agad in-accept dahil kinakabahan ako pero habang tinititigan ko ang sulat na nakadikit kanina sa pillows... I was convincing myself na baka that was my answered prayer. Ang pahinga na hinahanap ko. Ang payapang kanlungan na masasandalan ko. Ang tao kung saan ako maaaring tumahan.


Nag-chat si Hiro pagkatapos kaming maging friends sa Facebook. He thanked me for accepting his request. Sabi niya rin hindi joke time ang nangyari. Masyado lang daw siyang kinabahan noong nasa tricycle kami kaya hindi niya nasabi nang mas maayos.


Isa sa mga nagustuhan ko kay Hiro ay ang paraan niyang makipag-usap. Palagi siyang magalang kahit walang po o opo. Hindi siya magamit ng mga emoticon sa chat. Buo siyang magtitik. Maayos ang paggamit ng mga bantas. Paminsan-minsan iniiklian niya ang salitang 'you' ng 'u'. Nagsi-send din siya ng stickers o GIF kung sakaling may aakma sa naging reaksyon niya.


That neatness made my mind clearer when I talk to him in chats kahit hindi kami lagi nag-uusap online. Gaya nga ng sabi niya, isa siyang working student. Kaya nga natanong ko siya noon kung paano niya pang naisipang manligaw sa sobrang busy niya sa buhay.

Kaso mali ako. Namali ako ng ginamit na salita. Eh hindi pa naman kasi siya nanliligaw noon.


Biniro niya ako na kung ganoon nga nag-uumpisa na pala siyang manligaw. Pero ang sabi niya huwag din daw ako ma-pressure noong nagkausap kami nang personal sa school. Sinabi niya lang na may gusto siya sa akin dahil pakiramdam niya may nagkakagusto sa aking iba.


"Napaka-imposible naman ng sinasabi mo." Lumukot ang mukha ko.


"Pakiramdam ko lang iyon. Pero... syempre kahit naman mauna mong malaman na may iba pang may gusto sa iyo... sa'yo pa din ang desisyon kung gusto mo iyong tao o hindi." Aniya. "Ako... hindi ako nagmamadali. Puwede mo akong kilalanin nang matagal..."


"Ako ba enough na rin ang alam mo tungkol sa akin para-" Hindi niya ako pinatapos dahil nakikinita niya sigurong dina-down ko nanaman ang sarili ko.


"Basta sigurado akong mabuti kang tao." Sabi niya na puno nang sinsiredad. Nakakatunaw ang ngiti niya. Mapapalingon ka talaga sa ibang direksyon para iligtas ang sarili mo.


"Paano mo naman nasabi? Dahil hindi ako mahilig magmura? Hahaha." Pagtawa ko.


"Ang alam ko lang... hindi ka magbibigay ng tissue sa hindi mo naman ka-close kahit alam mong pu-pwedeng hindi na makabalik sa iyo." Sagot niya. Napaisip ako, at naalalang inabot ko noon ang tissue pads ko sa production dahil madaming nag-aayos noon ng make up. "Hindi rin lahat ng tao ganiyan ka-attentive na maglalaan ng upuan o lilingon ng lilingon sa likod habang naglalakad para tignan ang mga kasama."


"Nako, maliliit lang na bagay 'yon. Kung iba naman gagawin din 'yun." Seryoso ako sa pagmi-minmize sa mga papuri ni Hiro.


"Hindi rin lahat ng tao nagpapaalam nang maayos sa magulang kapag gagabihin. Yung iba binababaan pa ng cellphone yung tawag." Dagdag niya pa.


Medyo nagulat naman ako sa parteng iyon. "Eh... kasi... yung iba naman strict talaga parents tapos mahirap pakiusapan kaya hindi na lang sinasagot para walang away."


"Sabagay... ganoon din ako dati noong highschool." Tumawa siya. "Pero ang cute noong pag-uusap niyo ng mama mo noong pauwi tayo galing prod."


Tinutukoy niya noong preparation period at medyo lumalalim na ang gabi. Naglalakad kami papalabas ng University noong tumawag si mama para tangungin kung pauwi na ba ako dahil nagpunta pala sila ng mall. Naka-loud speaker ako noon kasi maingay yung mga sasakyan.

Ang malapit lang naman sa akin ay yung mga blockmates ko kaya akala ko sila lang ang nakakarinig. Kung makakasunod daw ako sa mall bago mag alas-syete, doon daw kami kakain sa Mang Inasal. Pero kung hindi, dumiretso na daw ako na umuwi dahil uuwi na lang sila kasi may pagkain din naman sa bahay. Napareklamo ako noon nang pabiro kay mama dahil 6:30 na at pauwi pa lang ako nang magsabi siya. Ang normal naman na reaksyon ni mama ay asarin din ako na kasalanan ko na daw iyon dahil parang mas bahay ko pa ang school.


"Ah-" Nag-init ang pisngi ko. "Haha... Narinig niyo pala iyon?"


"Sabi nga nila sana all daw close sa nanay eh." Sagot ni Hiro.


"Boang... Dati din hindi kami magkasundo ni mama. Ngayon lang medyo nagbibigayan na lang din kami... na malaki na nga rin ako... alam ko na ginagawa ko. Tapos si mama rin, alam ko naman gusto niya lang din yung nakakabuti sa akin." Paliwanag ko.


"Pero... never mong tinanggap ng buo iyong mga sinabi ko ano? Pansin mo?" Biro niya.


Na-speechless ako at natawa. "Sensya na... Hindi lang din siguro ako magaling tumanggap ng compliment."


"What you do not practice will always feel new to you... sabi nga nila." Sagot ni Hiro.


Tumango-tango naman ako sa pagsang-ayon. Tama siya. I always doubt myself and thinks too little of my efforts or achievements.


"Gusto mo ba tulungan kita na mapractice ang mga compliment simula ngayong araw?" He asked it so sweetly and kindly.


"Hngg??" Napangiti lang ako.


"For today... tell yourself... you are a good person." Aniya.


Nahihiya man ako, ginawa ko na lang para hindi na rin humaba pa ang usapan tungkol sa mga compliments.

"I am a good person." I said while smiling so he he'll be convinced and would not ask me to repeat it again.


"Bukas..." Nakatitig siya sa akin. "...puwede mong sabihin paggising..." napapakurap ako ng mata dahil hindi ko kayang makipagpalitan ng tingin sa kaniya nang matagal. Pero nakatingin pa din ako habang hinihintay ang buong sasabihin niya. "...na ang ganda... ng mga ngiti mo."



_______

Sparks Fly

by Taylor Swift


Please proceed to the next part!

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon