Nasaktan ako. Sobra akong nasaktan na para akong gabi-gabing nakikipagtalo sa mga haka-haka ko at mga pagdili-dili sa kung saan ako nagkamali.
I carry with me for years how emotionally and mentally exhausting it is to try to figure out what happened.
Para sabihin niyang nakakapagod akong intindihin, ipaglaban, at mahalin... what was the part of me that was too much?
Nagalit noon sina Aya at Jazel. They also could not believe Hiro would said that to me even after knowing that I'm struggling with my mental health. My friends saw how I suffered and tried so hard to get back on track so they were also hurt for me.
Simula noon, miraculously, I never crossed path with Hiro as if the divine intervention tells me we were never really meant to be. Until I found out months after, na sila na daw ng isa sa mga kaklase niya.
"Gago ba siya? Wala akong pakialam kung umabot na sa 3-month rule!" Sigaw na sigaw si Jazel habang nagku-kwentuhan kami. Supposed to be magre-review kami para sa thesis pero napunta nanaman ang usapan kay Hiro. "Kung mahal mo ang isang tao walang 3 months-3 months. Ang bilis naman niya mag-move on! Parang kasing bilis ng panliligaw niya. What the heck? Ganoon siya kabilis ma-fall out of love?"
"Alam mo, buti na lang wala sila mama sa bahay. Baka binatukan na kita." Sabi ko sa kaniya.
"Hay nako! Sabihin mo sa mama mo itapon na 'yang mga bulaklak na 'yang bigay ng lalaking 'yon." Gatong pa ni Aya.
"Eh, rumor pa lang naman 'yun 'di ba?" Tanong ko.
"Anong rumor-rumor? Artista siya beh?!" Nanggagalaiting sabi ni Jazel.
"Natanong ko lang kasi sabi niyo bali-balita lang. Di naman confirmed." Katuwiran ko.
"And so? Kung hindi sila, babalikan mo ganoon?" Ani Aya.
Natawa ako. "Excuse me? Ang nagbabalikan mga nagkaroon ng relasyon. Ang meron sa amin puro sama ng loob."
Nagagawa kong idaan lang noon sa biro ang lahat dahil nasa in-denial stage pa ako. Kahit tatlong buwan na ang lumipas. Iniisip ko baka kailangan lang ng oras ni Hiro.
I thought he would at least apologize and plead me not to resent him.
I though it was going to happen.
Akala ko lang pala.
What woke me up and stopped me from hoping we could still fix it... was one rainy night.
Nakalimutan ko ang payong ko sa bahay. Maghapon na ding makulimlim kaya expected ko na na uulan. Mag-isa lang ako noon dahil nakasakay na ng jeep sina Aya at Jazel in the opposite way. Nakatawid na ako sa kabilang side ng kalsada at nakasilong sa saradong tindahan.
Gusto kong mag-take ng risk na sumakay na ng jeep kaysa lalo pa akong gabihin. Tinakbo ko ang ulan para makasakay.
And, I just hope I did not... dahil nagmukha pa akong kaawa-awa. Basa ang uniporme ko, ang buhok ko, pati na ang bag ko. Pero hindi iyon ang ayaw ko sa gabing iyon... kundi ang makatapat ng upuan si Hiro sa jeep... kasama na ang obviously girlfriend niya na dahil magkahawak sila ng kamay.
Sana... nagpalunod na lang ako sa ulan.
Kung kailan kailangang-kailangan ko ang earphones ko at cellphone, saka pa ako low-bat. Iyon na ata ang pinakamahabang labing-limang minuto ng buhay ko.
Nakakawalang-ya lang rin na parehas kami ng bababaan. Ang pinagkaiba lang namin may payong silang sinisilungan... samantalang ito ako... basa at kakaunti na lang... tutulo na ang luha.
_______
Sad Beautiful Tragic
by Taylor Swift
Please proceed to the next part!
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...