Part 9: Mean

3 0 0
                                    


Bolero. Iyan ang tawag sa mga lalaking matatamis magsalita. But at some point, it did not seemed that way whenever Hiro speaks his mind. He won't beat around the bush. He would tell me more of what I need to hear and not what I would just want for people to say.

Everyday, indeed, kung hindi man kami magkita sa school dahil sa magkaibang schedule... he would send me an image of a note of his sincere compliments or what should be my self-affirmation.

I liked all of them because they weren't false positivity or mere white lies. It made me more self-aware rather than self-conscious. It let me reevaluate my sense of reality.

Walang kaguluhan. Puno ng kasiguraduhan. Dahil palagi niyang pinaparamdam na nandiyan lang siya na parang kaibigan.



SHINE: A-attend ka ba ng awards night sa may city complex?

HIRO: Yes. Nominated sa Best Cinematography yung short film namin. 

HIRO: Why?

SHINE: Wala lang hehehe. Natanong ko lang.

HIRO: Ah oki. See you!

HIRO: Congrats din pala sa nomination mo for Best Director!

SHINE: Thank youuu!

SHINE: Sa inyo rin! Congrats!



Ang totoo kaya ako napatanong kay Hiro nang gabing iyon dahil kinakabahan akong makita siya at makita niya ako. It's a formal event tapos kailang naka-formal attire. Mas kinakabahan pa ako noon sa magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako kaysa sa announcement ng mga mananalo.


Hindi ako palaayos na tao kaya naiilang din ako kapag nagsusuot ng mga hindi pangkaraniwan kong sinusuot. Wala akong choice kundi mag-dress dahil hindi bagay sa akin mag-slocks for my height.


I also had to change clothes sa mismong venue na dahil kung sa bahay pa lang ay naka-dress at heels na ako, baka pag dating ko sa event mukha na agad akong pauwi. Naglagay lang ako ng onti ding make-up na pinaayos ko nina Aya at Jazel.

Ka-stress din dahil ang layo ng CR mula sa mismong complex. Kailangan pa maglakad papunta sa hallway.


Bago ang event, nagkaroon muna ng red carpet pictorial. May banner doon na nakalagay sa backdrop na parang awards night talaga sa mga prestigious film and television gatherings. Mayroon ding pa-live streaming. Ang theme na napili noon sa mga susuotin at venue ay red, gold, white, and black.

Naka-red ako na fitted dress. Si Jazel naman naka-combination ng red top and balloon black skirt. Habang si Aya ay nakablack dress and white blazer.

Magkakasama kaming nagpapicture sa red carpet. Mayroon din palang photobooth na triny namin pagkatapos kaming interviewhin ng onti sa live stream sa Facebook.


"Kinakabahan lang po konti. Pero whatever happens, masaya po kami kasi satisfied kami sa naging outcome ng film namin." Huling sabi ni Aya.


Magkagrupo kami kaya ang sabi ko lang ay "Same." Joke!


Kidding aside, it was such a splendid night. Even though I did not won, or even Hiro's team, all I can remember that night were butterflies. Hiro approached our table to ask if I have time to take a picture. Basically, pinagtulukan ako nina Aya at Jazel wala pa man din akong naisasagot. That was also the time when our other blockmates knew there is something going on between us.


Habang naglalakad kami papunta sa backdrop ng red carpet, medyo mabagal ang mga hakbang ko dahil sa heels at suot ko. Nilahad ni Hiro ang kamay niya. "If I may?"

Napahawak na lang din ako sa kaniya. Bigla kaming nakarinig ng mga tili mula sa likod. Pasimuno sina Aya at Jazel. Nagsi-tinginan din tuloy pati mga proffessors at ibang mga students na nandodoon. Nag-init nanaman ang mga pisngi ko.


Nagpapicture kami sa DSLR camera ni ate Chin at pati sa phone ni Hiro. Itong si Aya naman tumakbo na parang paparazzi para kumuha ng litrato.

Amidst those quirky attention we are receiving, Hiro looked at me dearly once again. I heard him whisper in my ear, "You look beautiful tonight..."


Nagwala nanaman ang mga cells sa katawan ko. Parang nagkaroon ng world war sa tiyan ko. And... actually, I wanted to tell him that time that he also looked so good in his suit. Kaso natatameme ako kapag nagiging sweet siya sa akin. Hindi ko mapantayan ang mga ginagawa niya para sa akin.


Nagbihis din kami nina Aya at Jazel bago umuwi. Alas otso na natapos ang event kaya medyo kabado na rin ako kung may masasakyan pa ba ako lalo na't sabado noon. Tinanong ako ni Hiro kung wala ba daw magsusundo sa akin. Unfortunately, wala dahil may trabaho ang mga magulang ko. For sure, kakauwi lang din ng mga iyon.

Nag-chat na ako kay mama na pauwi na ako at naghihintay na lang ng jeep.

Nakasabay ko sila Hiro sa jeep dahil madadaanan ang sa kanila. Kasama ko rin ang pagod at hikaos na si Aya. Palibhasa tawa ng tawa at ang taas ng energy maghapon. Akala mo nakainom.

Medyo inaantok na din ako kakahikab ni Aya sa tabi ko kaya nagdantayan kami sa balikat at ulo. Hanggang sa mamalayan ko na lang na malapit na ako sa babaan ng unang jeep pero hindi na si Aya ang nasa tabi ko.


"Hmm?" Napatingin ako kay Hiro na naka-idlip din. Nagising ito nang maramdaman na gising na ako. "Nasaan si Aya?"


"Ah... Bumaba na. Hindi ka na pinagising..." Sagot niya.


"Eh ikaw?" Laking tanong ko.


"Sasakay na lang ako ulit pabalik pagkasakay mo sa palengke." Aniya. Sinabi pala din sa kaniya ni Aya kung saan ako madalas nag-aabang ng pangalawang jeepney.


Buti na lang may dumating agad na jeep pagkababa namin doon. "Uy, thank you ah!" nagmamadali kong sabi bago sumakay ulit.


"Ingat ka!" Sigaw naman niya pabalik.


We waved each other goodbye. Nagising ang diwa ko dahil doon.

Habang nasa biyahe din kami parehas pauwi, nag-usap kami ng random topics sa chat. Isa na doon ay pagkumusta ko sa trabaho niya as a food stall crew na business ng Tito niya. Mahirap raw dahil minsan dagsa ang tao, minsan naman wala masyado nabili. Kaso bawat araw may quota sila na dapat ma-meet kaya kailangan din ng sales talk. May mga times daw na nag-iikot pa sila sa paligid ng lugar para mag-offer ng mga combos ng fries, drinks, burgers, and other foods.

Na-share niya din na minsan nakakababa ng self-confidence kapag tinitignan lang sila ng ina-approach nila. Minsan yung binibigay na flyers tinatapon sa harap pa nila. Hindi rin maiiwasan na merong mga rude customers for even the slightest mistake or inconvenience.


SHINE: Mahirap man ngayon, it'll eventually fall into place and benefit you in the future. That's for sure!

HIRO: Salamat, Shine. :)))


________

Mean

by Taylor Swift


Please proceed to the next part!

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon