Ngayon ngang tapos na ang production, I assumed na hindi na kami ulit magkakaroon ng iba pang interaction bukod na siguro kung magkakasalubong kami sa hallway coincidentally.
Pero bago matapos ang semester nagyaya ang mga tao sa loob ng production na magkaroon daw ng simpleng get-together na gaganapin sa isang araw ng semestral break. Natutuwa naman ako sa kanila dahil mababait sila at maayos ang pakikitungo sa lahat... kaso Introvert ako.
Kaya nga gusto ko ang pagsusulat o paggawa ng film. Masaya na para sa akin ang nasa likod ng camera. Malayo sa atensyon at pagpuna ng mga tao.
Kung sa mga regular na palakaibigan at mahilig makipag-socialize may mga araw din na nauubusan sila ng social battery, mas lalo naman sa aming mahiyain. Ayaw ko rin namang isipin nila na KJ (kill-joy) ako dahil halos lahat nag-confirm, kasama na si Hiro.
Noong una ang plano lang nila ay kakain sa labas, magsasamgyup tapos karaoke. Uuwi na agad. Kaso bigla nilang binago at ginawang swimming.
Napaka-conflicting para sa akin na hindi na nga magaling makipag-socialize, hindi pa marunong lumangoy. What if nilunod ko na lang ang sarili ko? Joke!
Mabuti na lang naroon si Ate Chin. Isa sa mga head ng productions at nakatoka ngayon sa swimming bilang taga-ihaw naman ng barbeque. Siya yung isa sa mga nag-aaproach sa akin dahil tahimik lang ako sa gilid o hindi kaya nakikipag-chikahan lang sa mga blockmates ko kung hindi sila busy sa paglangoy sa pool. Buti na lang rin natiyempuhan namin na kami lang ang nag-rent ng resort dahil weekdays iyon at bandang January.
Kumuha rin sila ng karaoke at iyong iba ay nag-inuman. Hindi naman sila namilit na uminom iyong mga ayaw uminom tulad ko. Noong tanghali na, nagyaya na sila Ate Chin na sabay-sabay kumain. Dahil nandoon lang ako at nakikipaypay sa iniihaw, mas madali akong nakakuha agad ng pagkain. Nakikinita ko na noon na magkakaubusan kahit pa anong sabihin nilang maging fair sa pagkuha ng kanin at ulam. Nakakatakam pa naman yung adobong paa ng manok kapag nasa swimming. Kaso lang pati tubig naubos rin agad at iyon ang hindi ko naisip na kumuha agad.
May tindahan naman sa loob ng resort kaya bumili na lang ako kasama ng isa ko pang blockmate. Nakita ko noon yung isa ko pang blockmate na nauuhaw at naanghangan dahil nakakain ng sili doon sa paa ng manok. Isa sa mga umagap na bigyan siya ng tubig ay si Hiro. Ang sabi niya okay lang ubusin ng blockmate ko dahil bibili na lang siya ng bago. Biniro pa siya ng isa niyang kaklase na alak lang daw ang katapat ng uhaw nito.
Napaisip ako noon. Pinipigilan ko rin ang sarili ko na mag-over think. Tinatanong ko yung sarili ko bakit para akong biglang nakakaramdam ng insecurity.
May part sa akin na inisip kong baka nga mabait lang talaga siya. O hindi kaya iba ang gender preference niya... sa panahon kasi ngayon ang gwapo ay naghahanap na din ng gwapo. How would I really be sure?
But, what if he likes her?
Afterall, their interaction was more candid. Natural lang na nangyari. Yung sa akin, kailangan pang itago. Bakit? Dahil ayaw niyang maisip ng tao na may something? Kasi hindi naman ako iyong tao na gugustuhin ninuman na ma-link or maasar sa kanila.
Am I not enough? Pangit ba ko? Kapalit-palit ba ako? Line 'yan ni Liza Soberano.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...