Part 5: Willow

5 0 0
                                    


Sa sumunod na linggo na-meet ulit namin ang proffessor namin sa Radio Broadcasting. Bago siya mag-lesson he told us about how he was proud of our work as a whole section. He also indirectly mentioned about what happened to us-- that even though there are flaws with the presentations, it still showed the reality of live broadcasting. At least when we face the same complexities next time, we will be more ready to face it.

Pinaalala niya sa amin na mataas ang expectation niya dahil in that way we would try our best bilang training sa mas malawak pa at competitive na professional field kapag nag-graduate kami.


Alam kong baka may nagsabi kay Sir o na-sense niya lang na umiyak nga ako nang araw na iyon kaya tina-try niyang i-comfort din kami in his own way.

Kung kaya ko lang ibalik yung araw na iyon, sana nga mas naging kalmado ako o kaya.... higit sa iba... tinapik ko ang sarili kong balikat.


Huling block section na magpi-perform ang kanila Hiro. May oras kami para makinood kahit napakaliit lang ng radio room. Pinayagan kami dahil kaunti lang kami na nakiosyoso. Yung iba naming kaklase kumain muna. Kasama ko rin sila Aya at Jazel.


Sa totoo lang parang sinasaksak ko ang sarili ko sa panunuod ko sa ibang presentations. Ang galing nila. Nakukumpara ko yung sa amin.

On the other side, I can treat this as a learning experience. I took note of what I or we can do better next time. Kung meron pa.


Nang grupo na nina Hiro, pumasok na sila sa radio room. Isa siya sa mga anchor at paminsan-minsan natingin din siya sa labas ng booth. Pu-pwede kami noon pumili kung may entertainment, radio drama, advertisement, radio jingle, o ano pa man ang ilalagay namin sa program. Basta ang main segment ay news.


Naglagay ang grupo nila Hiro ng love consulatation bilang last segment at entertainment part. Kunwari daw mayroong sumulat na listener na nanghihingi ng advice.


"From our letter sender na nagngangalang Pau Boom." Sabi ng babaeng anchor na partner ni Hiro. "Tinatanong niya kung ano daw ba ang gagawin kung may gusto ka sa kaklase mo pero ayaw mong maging awkward kayo at asarin?"


"For me partner, alamin niya muna kung gusto siya if takot siyang magtake-risk na malaman ng ibang tao..." Sagot ni Hiro.


"Hmm... Possible nga 'yan since ayaw mo kantyawan kayo eh. Pero for me lang ha... hindi natin sure ang gender ng ating letter sender... but if you're sincere about liking a person, you would go for it no matter what the result is." Komento ng babaeng anchor. "Tsaka mas open na ngayon ang mundo. Mapa-babae, lalaki, or our friends in the LGBTQIA+ community... there's no limit sa kung sino ang pwedeng magfirst move."


"Tama ka diyan partner. I also believe so.... At pu-pwede naman ding humanap na lang siya ng timing na let's say doon niya lang sa taong gusto niya directly sabihin. Choice na lang iyon noong tao if ipagkakalat niya na si ganito may gusto sa akin. You can set an objective din naman na... you're just confessing because you want the person to know that you appreciate him or her." Hiro replied.


"Eh ikaw ba partner, have you ever liked someone from your own classroom?" Tanong ng isa pang anchor. "...o baka baliktad... ikaw ang nagustuhan ng kaklase mo?"

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon