Everything that happened since Hiro's confession is not forced. We just go with the flow and not let it overwhelm the both of us. Kaya masaya lang... because I never once felt like I was being taken for granted for giving him the right amount of attention and appreciation. At some point, it felt like I was looking forward to the days we would spend together.
Nearly four months after his confession, he braved enough to ask if he could visit me in our home. Ang sabi niya mas maganda if nandoon daw sila mama at papa. Sobrang kinabahan ako... pakiramdam ko magpapaalam siya or something.
Pero dahil hindi ako makakuha ng tamang timing, I had to make him wait. I apologized for making excuses na totoo naman talaga. Gabi lang talagang sabay na naroroon sila mama at papa, tapos madalas din maaga sila natutulog kasi pagod at may pasok nanaman sa trabaho kinabukasan. Kung weekends naman, nagdyi-general cleaning kami at naglalaba. Tapos hindi rin pu-pwede si Hiro sa weekends noon kasi full hours naman ang shift niya.
Kaya noong lumapit ang birthday ko, nagparinig ako kay mama at papa.
"Ma, maghahanda ba tayo sa birthday ko?" Tanong ko.
Hindi naman din kasi ako pala-handa sa birthday. Gusto ko kahit simpleng ice cream lang pagkatapos kumain ng hapunan, solve na ako. Hirap din kasi maghanda at mangimbita kapag marami kang malapit na kamag-anak. Parang nagiging reunion, eh short din naman minsan sa budget para madaming maluto.
"Ikaw? Gusto mo ba?" Tanong ni mama pabalik.
"Oks lang... pero kakaunti lang pwede imbitahin 'no? Kasi bawal pa marami bisita, pandemic." Sabi ko.
"Kailan ba birthday mo? Sabado? o Linggo?" Napatingin sa kalendaryo si mama. "Ah, linggo. Pwede na. Basta sabado, maglilinis tayo ng bahay."
"Imbitahin ko lang closest friends ko... mga importante lang..." I muttered.
Sinabi ko iyon kay Hiro at masaya naman siyang nangako na pupunta siya. Medyo kinakabahan din ako sa pagtatagpo nila dahil wala akong heads-up sa magulang ko na may something. Sabay-sabay na pumunta sina Aya, Jazel, at Hiro dahil alam na noong dalawa ang bahay namin. Nandoon din ang iba kong kaibigan noong highschool na hindi ko pa naki-kwentuhan tungkol kay Hiro.
As expected, itong si Aya at Jazel panay ubo, akala mo may dalang virus. "Ehem... ehem... Picture po... picture."
"Oh, picture daw." Sabi naman ni mama habang nilalabas ang cellphone niya. "Punta na kayo d'on!"
"Ay sila lang po, Tita!" Sabi ni Aya habang umaalis sa tabi ko. Para akong inabanduna at nilaglag habang matalim ang mga tingin ng mga kaibigan ko at pamilya na hindi nakakaalam. "Opo, solo shot!"
"Go na 'yan, Hiro!" Tinulak siya ni Jazel. "One, two, three..."
"What is the meaning of this?!" Medyo sarcastic na tanong ng isa sa mga kaibigan ko noong highschool.
Binabasa ko naman ang mukha nina Mama at Papa. Nakikitawa lang sila pero yung mga tinginan nila mayroon ng conclusion sa isip.
Pagkatapos ng magulong picture-taking kumain na kami. Kami-kami lang naman din dahil hindi na namin naimbita ang mga pinsan ko. Pinadalhan na lang sila ng Sharon Cuneta.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...