Malapit na kami sa babaan at natatanaw ko na ring naghihintay sina Aya, Jazel, at Junville. Nagkukwentuhan sila at hindi pa kami nakikitang papadating na.
Wala nang ibang sinabi si Hiro hanggang sa makababa na kami.
Pero alam ko lang may kakaiba sa mga tingin at ngiti nila Junville, Aya, at Jazel. Ayaw kong magkaroon ng assumptions dahil ako din ang masasaktan sa dulo. Kahit pa simpleng attraction o admiration lang iyon... it could hurt on different intensities.
Thinking about Hiro's words that day, it makes the feeling new all over again. Kung pu-puwede nga lang na pilitin ang mga bagay, sana ginawa ko...
Sana nga napilit namin.
Kakaiba namang pagpipilit ang ginawa ni Aya at Jazel sa akin nang pilitin nila akong huwag munang tumawid sa pedestrian lane. Palibhasa malalapit lang ang bahay nila at ako ang nasa kabilang mundo.
Dumaan sa likod namin sina Hiro at Junville saka tumigil sa kanan namin.
Noon may inabot na pillows si Hiro sa akin. May nakadikit na yellow paper sa balat nito. Agad ko namang nabasa ang nakasulat kahit hindi pa tinatanggap ng kamay ko.
'I am not good with confessions... but I'm confident about being a good boyfriend.'
Sobrang kabog ng puso ko nang makita iyon. Pero hindi pa rin ako makapaniwala noon at sa totoo lang... medyo naki-cringe ako sa linya. Umaariba naman sa ayieee ang dalawa kong kaibigan.
"Joketime ba 'to?" Tanong ko habang tumatawa.
"H-hindi." Nahihiya niya ding sagot. "A-ano... sabi ko nga... hindi ako magaling sa mga ganitong bagay... Si Junville kasi nakaisip nito."
"Bakit? Cute naman ah!" Katuwiran ni Junville.
Namumula ang mukha niya. Kaya naramdaman kong sincere nga siya.
Ang malaking tanong... bakit ako? Ang dami-daming magaganda sa department namin. Mga marurunong pumorma at mas aesthetic ang lifestyle. I overthinked that maybe I am being pranked.
"Sorry. Corny ba?" I can see the worry in his eyes that he might have screwed up. Niyakap niya tuloy yung pillows para itago.
"Ah..." Hindi ko alam ang isasagot doon.
"Bakit ako kinikilig?!" Tanong ni Junville. Nagtutulukan din sina Aya at Jazel.
"Favorite ko din yang pillows noong bata ako." Nau-awkward kong sinabi.
His eyes widened. He seemed to have seen a glimpse of hope with my ambiguous answer. So, he offered it back, and I accepted it with a smile.
"Sige. Ingat ka, Shine..." Huling sabi ni Hiro bago sila sumakay na ng jeep. "Ingat kayo!"
Kung iniimagine niyo ho ang hitsura ko, nagkakamali kayo para isiping para akong iyong sa mga pelikula o kaya commercial ng Jollibee tuwing Valentines na based on true story short films. Sobrang layo ko sa expectation ninyo. Hindi ko rin masasabing kasama ako sa mga image ng mga nabu-bully din sa mga palabas. Talagang tao lang. Yuon lang. Humihinga lang.
Para talagang abo na hinipan at naging tao.
And, even knowing that I am not really attractive... I am also not my best self at that time--physically and mentally. I had acne breakouts, dark circles under my eyes, plump cheeks, and even crooked and gapped front teeth.
I do not mind them too much but it made me hesitant and self-conscious after Hiro's confession.
Totoo ba talagang sa mukhang ito siya nagkagusto?
Alam kong cute ako... pero hindi palagi.
______
Delicate
by Taylor Swift
Please proceed to the next part!
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Short StoryShine met her greenest green flag in life. But one day, this person changed his treatment towards her. She contemplated for a while if she would share this to her favorite radio drama-anthology. She is not sure if she would send her draft or let the...