Part 20: The Way I Loved You

6 0 0
                                    


Pinilit ako ni Aya to give it a chance na makapag-usap kami ni Hiro for the last time. Kinausap din daw ni Gabriel si Hiro tungkol dito ayon sa suggestion ni Aya sa kaniya.

I did not like the idea.

Ayaw ko nang makigulo. Paulit-ulit kong sinasabi kay Aya na wala namang magbabago kahit mag-usap kami... But she snapped me back to the most valid reason I could ever give myself - which is to heal.

So, we could both heal from what happened.


Aya accompanied me to the place where Hiro and I also mostly spend time together before. It was a park beside a mall.

She made sure na hindi ko palalampasin yung chance. But since, Gabriel told Aya na busy si Hiro para magtagal, we decided to just exchange letters.

Mabuti na nga siguro iyon, at least makakapag-isip ako ng tama habang nagsusulat. I could also write down the words that I could say myself. Baka mawalan lang ako ng kakayahang magsalita sa harap niya.


Simple lang ang sinuot ko. My usual casaul attire combination: pants and a yellow shirt. Iniiwasan kong magmukhang pinaghandaan ko ang araw na ito.

Sino bang naging handa sa aming dalawa?


Aya and I arrived ten minutes earlier sa oras na napag-usapan. We were sitting down on one bench. Sobrang kinakabahan ako na parang may nagkakagulo sa loob ng tiyan ko. 


Hanggang sa dumating na siya.


Aya left us to give us some privacy.

As he was approaching, nakita ko how his eyes subtly wander around to find the spot where I was sitting. Nang magtama ang mata namin in that distance, there were only cold moments of stares.

Hindi ko makakalimutan kung paanong bumagal ang mundo habang naglalakad siyang papalapit. I can vividly recall how he looked like that day. Wala siyang dala na kahit ano. Nakasuot siya ng light green short sleeves polo at puting slocks. Nagpalit na rin siya ng ayos ng buhok. Siguro dahil malapit na siyang ikasal... he had a clean cut.


Kalmado lang siyang lumapit at bumati ng, "Good afternoon." Umupo siya sa kaharap kong upuan. He cleared his throat before speaking. "Kanina pa kayo dito?"


I shook my head a little. "Hindi... kakadating lang din."


"Pasensya ka na, aalis din ako agad... Medyo dami kasi inaasikaso." Nahihiya niyang paalam.


"No. It's okay." Pinilit kong ngumiti. "Congrats pala... Sincerely."


He smiled back and said, "Salamat..." with a meaningful nod. 


Lumakas ata ang ihip ng hangin dahil nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko rin maramdaman ang mga binti ko.

I think by his gratitude he was trying to say that he is thankful... that I am doing well... and that my sincerity reached him. And, this only means... the end of it.


Matapos ang kaunti at matipid na kumustahan, naging abala si Hiro sa pagsagot ng tawag at mga message sa kaniya. Narinig ko ring sinabi niya sa isa niyang kausap na papunta na siya. Inasahan ko na ang susunod na mangyayari... hinugot niya ang isang nakatuping papel mula sa bulsa ng pantalon niya.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon