~Unexpected~
"Lori, anak! Naka-ayos ka na ba?" sigaw ni mama sa kabilang kuwarto.
Tamad naman akong bumangon at saka hinila na ang maleta na inayos namin ni Mama nuong isang araw.
"Ayos na po," sagot ko dito habang pababa na nang hagdan.
Ngayon kasi ang alis ni Mama papuntang Dubai para magtrabaho, ihahatid ni'ya ako sa kaniyang best friend upang duon muna pansamantalang tumira habang nasa ibang bansa siya.
Pagod na naupo ako sa sofa at hinintay saglit si Mama na bumaba, mabuti na lang at naka uwi ako kaninang 2 a.m, halos paliparin na nga ni Lucas ang kaniyang sasakyan maihatid lang kami ni Beatrice pauwi.
Galing kaming BGC sa Manila, birthday ng isa naming friend at sa isang club napagkasunduan mag-inom. My mom probably kill me kapag nalaman niya na I sneaked out sa despidida niya kahapon, halos puro kaibigan niya lang naman kasi ang present. Ano naman gagawin ko dito 'diba?
"Ayan lang suot mo?" Napalingon ako sa hagdan nang marinig ko na nag-salita si Mama.
Tinignan pa nito ang suot ko na para bang may mali sa suot ko, nakasuot ako ng stitch terno na pajama at saka bedroom sleepers lang.
"Ano ka ba naman Ma, hindi naman fashion show ang pupuntahan natin. Pati hindi naman ako ija-judge ni Tita Cherry sa suot ko." Pangangatwiran ko pa.
Umiling-iling lang siya at saka iniabot ang isang card, "Oh ito pala, andito iyong inipon ko na pera para magamit mo sa mga expenses mo sa school. Ayusin mo ang pag-gastos diyaan ha. At tiyaka lagi kang mag-update sa 'kin, huwag kang gagawa nang mga kalokohan at nakakahiya kay Tita Cherry mo." Pinandilatan pa ako nang mata nito bago ini-abot ito.
"Yes, Ma." Tanging sagot ko at saka kinuha ang hawak niya na maleta bagolumabas na para ilagay ito sa sasakyan.
Habang nasa biyahe kami ni Mama ay may sinabi ito sa 'kin, "Lori, anak. Huwag mo dadalhin iyang kamalditahan mo kila Cherry ha, magpakabait ka hanggang sa makabalik ako."
Tumingin naman ako sa bintana bago sumagot, "Oo naman ma, kahit naman ganito ako may respeto pa rin ako sa ibang tao."
Tinawanan naman ako nito, "Alam ko pero baka manibago ka lang dahil wala ako sa tabi mo."
Sinamaan ko naman nang tingin si Mama, "Akala mo naman Ma, mamamatay ka na kung makapag-sabi ka nang ganiyan. Promise Ma, hindi ako gagawa ng ikakagalit mo habang wala ka. I love you, Ma!" Pagkatapos ko iyon sabihin ay hinalikan ko siya sa pisngi, medyo nagkikinimi lang naman ako. Kunwari ay cold person, cold person yarn.
Kahit naman pasaway ako ay mahal ko si Mama, simula nang mangibang bahay si Papa ay labis siyang nasaktan na halos ika-matay niya dahil sa labis na depression. Kaya naman lumayo ang paniniwala ko tungkol sa pag-ibig na iyan, sa pagba-basa ko nang mga libro ay halos pamilyar na ako sa bulok na sistema ng mga lalaki na naandito sa realidad. Like mga linyahan na, kumain ka na ba? Kainin kita. Duh!
Gaya nga ng sabi ni Mama sa 'kin dati, okay lang na gawin kung ano ang gusto pero dapat may limitasyon.
"Mahal na mahal din kita, Anak." Nginitian ako nito bago tumingin muli sa harap upang mag-focus sa pagma-maneho.
Hele nemen keshe se meme, si oa na naman.
Ilang saglit pa ay tuluyan ng napapikit ang aking mga mata dahil sa labis na antok, wala pa atang four hours iyong tulog ko. Nagising na lang ako sa mahinang tapik sa balikat ko at sa boses ni Mama.
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceLorraine Walter's life is typical, although her ideas about love are only dominated by novels, but her realm undergoes major upheaval when a man tries to control her and turns her into a pet, a teacher's pet. What happens when she let this man take...