Chapter 15

35 1 0
                                    

Warning:

This chapter may be upsetting to some readers! This contains, sexual abuse, abuse that may not suitable for very young readers. If you see this warning and don't want this type of scene, you can skip it. Read at your own risk.
__________________________________________________

~Nightmare~

Nasa school na ako at kanina pa ako lutang sa bawat subject na nagdaan, gusto ko ng umuwi dahil hindi naging maganda ang pakiramdam ko pagkatapos ko basahin iyong letter.

"Lori, ayos ka lang ba? Namumutla ka ah, tara na sa clinic." Nag-aalalang wika ni Lucas at saka hinawakan pa ang nuo ko bilang paninigurado kung may sakit ba ako.

Umiling lang ako at saka kinuha ang envelope na nasa loob ng bag ko, pinakita ko ito kay Lucas at saka pinabasa.

Nangunot ang nuo niya at saka tumingin sa akin, "Nakita mo ba kung sino ito galing? Angas nito ah, nangbabanta pa." Iritang sabi niya at saka binalik sa akin ang sobre.

Muli akong umiling, "Iniwan lang iyan sa labas ng pinto at saktong nauna akong lumabas kaya ako ang nakakuha niyan, halata naman na para sa akin iyan."

Huminga siya ng malalim at saka hinawakan ang kamay ko, "Huwag ka ng mag-alala, Lori. Duwag ang mga gumagawa nito, uso pa ba ang ganitong sistema? Kung prank man ito o hindi ay dapat kang mag-ingat," mahinang ani niya at saka tinignan ako nito ng diretso sa aking mata.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag may hindi magandang nangyari sa iyo, kung puwede lang kitang ibulsa ay ginawa ko na."

Ngumiti naman ako, "Ang suwerte ko naman sa aking best friend, I love you Lucas." Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko dahil nanginginig iyon.

"K-Kahit na sino ay gagawin iyon sa 'yo," nauutal na ani nito at saka binawi ang kaniyang kamay.

"Pero nagpapasalamat pa din ako sa 'yo, sa inyo ni Beatrice. Maliban kay Mama kayo ang nagbibigay-kulay sa mundo ko, sana ay hanggang sa huli ay ganito pa din tayo." Nakangiting sabi ko at saka hinampas siya sa braso.

Nilingon naman ako nito, "Ang drama mo naman parang iyon lang eh, umayos ka nga Lori mukha kang mawawala ng sampung taon." Umirap ito na ikinatawa ko.

At least I'm not alone kahit nasa ibang bansa si Mama, may mga kaibigan ako na nag-aalala sa akin. Hindi ko lang alam kung ang taong dahilan kung sakali man na may mangyari sa aking masama ay mag-alala.

Napatayo kaming lahat ng pumasok si Jacob, bumati ito at saka sinet-up ang kaniyang laptop sa projector.

Napatigil lang siya sa kaniyang ginagawa ng tawagin siya ni Abigail, "Sir, narinig ni'yo na po ang humor na umiikot sa buong campus?"

Kumunot naman ang nuo ni Jacob, "Hindi, what is it?"

Nagtaka naman ako ng lumingon sa akin si Abigail kaya napalingon din sa akin si Jacob, ngumisi siya at saka muling tumingin sa guro.

"There's a rumor po kasi na one of the students here in our school na ikinasal sa teacher, is it true Sir?" Nakangisi pa din na ani niya at saka muling tumingin sa akin.

Did she knew our secret? Pero impossible 'yon.

Pekeng umubo si Jacob at saka tumingin ng diretso kay Abigail.

"Hindi iyon totoo at kung totoo nga iyon, hindi ka dapat nangengielam sa buhay ng iba. That was gossiping, maaaring maging isa ka sa mga nage-spread ng false information and it leads to bullying." Seryosong sabi nito at saka isinaksak na ang kaniyang USB sa laptop.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon