~Truth~
"Ma," kinakabahang sabi ko.
Isang beses ko lang nakitang nagalit si Mama, at iyong huli na iyon ang disaster ng buhay ko. One time, inutusan ni'ya akong tawagin iyong isang Tita ko sa bahay ni'ya ang kaso ay sinabi ni Tita na huwag daw sabihin na naanduon siya, siyempre bata sumunod ako. Nagsinungaling ako kay Mama tapos pinuntahan ni'ya iyong bahay ni Tita tapos ayon nakitang naanduon naman, nagalit ng sobra si Mama dahil nag-sinungaling ako. Pinalo ni'ya ako at pinagalitan nang bongga iyong tipong hindi ka na uulit.
"Totoo ba? Ikakasal ka na sa panganay ni Cherry?" Seryosong saad nito kaya mas lalo akong kinabahan.
Nakatingin silang lahat sa 'kin kaya saglit muna akong pumikit, yari ka sa 'kin mamaya Jacob.
"Opo."
Narinig ko na huminga siya nang malalim, "Ano ka ba naman anak, bakit mo naman itinago sa 'kin? Ang panganay naman pala na anak ng Tita mo, dapat sinabi mo na ng mas maaga."
Saglit na nanlaki ang mata ko ng magbago ang tono ng pananalita ni'ya, naging masigla ito.
"Ano po ang ibig sabihin ni'yo, Ma?" Naguguluhang tanong ko.
"Alam mo anak, malaki ka na. Kapag tapos mo ng college ay magtra-trabaho ka na din, pagkatapos nuon ay diyaan din ang tutunguhin mo. Mas mabuti na si Jacob ang mapangasawa mo, mabait na bata iyan." Seryosong ani nito ngunit may bahid ng excitement.
Wala na akong choice kung hindi panindigan ang kasinungalingan na ito.
"Pero Ma, hindi ba dapat ay hintayin ka na muna?" Tanong ko.
"Sa papel pa lang naman 'yan, pagka-uwi ko ay aayusin na agad natin ang church wedding. Paka-usap ako kay Tita Cherry mo para mapag-usapan na ang mga bagay-bagay. I love you, 'nak."
"I love you so much po." Pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinigay ko na kay Tita iyony cellphone.
Muling hinawakan ni Jacob ang kamay ko ngunit inalis ko iyon, kunwari ay kinakamot ko ang aking braso.
"Mare, tutal ay papunta na si Attorney Guilermo siguro ay pagsamahin na natin sila sa isang bahay?" Tanong ni Tita kay Mama.
Hindi na namin narinig pa ang kasunod ngunit nakita namin na tumango-tango si Tita.
"May condo unit naman si Jacob, hindi ko nga alam kung bakit hindi ni'ya iyon ginagamit e. Sige, duon na lang sila. Gusto mo ba na makitang pumirma sila Mamaya?" Tanong ni Tita ulit.
Medyo lumungkot ang mukha nito kaya nahimigan ko na may gagawin pa ata si Mama, hindi ko alam kung ilang minuto o oras na lang ang natitira sa 'kin bago maikasal kay Jacob ngunit isa lang ang masasabi ko, kaya ko bang harapin ang magiging possible outcome nito?
"Sige, Belinda. Kukuhanan ko na lang sila ng litrato." Pagkatapos nuon ay ibinaba na ni tita ang tawag.
"Ayon sa narinig ni'yo, tonight na gaganapin ang kasal ni'yo but of course sa papers muna. Gosh, Lucio excited na ako." Kinikilig na ani ni Tita.
Ngumiti naman si Tito at saka humarap sa 'min, "Habang wala pa si Attorney, bigyan na muna natin ng time ang ating anak at future manugang. Sige na Hijo't Hija," nakangiting sabi nito.
Tumingin ako kay Venice at tumango lang siya, isinenyas ni'ya ang cellphone na animo'y duon kami mag-usap. Tumango din ako.
Nakapunta kami sa kuwarto ni'ya, at habang nila-lock ni'ya ang pinto ay napatingin ako sa kabuohan nito.
Sariwa pa ang naganap sa silid na ito, at iyon ay isang pagkakamali. Isang malaking pagkakamali, ng dahil duon ay nasa ganito akong sitwasyon.
"Sorry, hindi na ako maka-isip nang ibang paraan. Yes, you can call me desperate pero iyon lang ang naisip ko upang makalma si Dad." Panimula nito.
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomantizmLorraine Walter's life is typical, although her ideas about love are only dominated by novels, but her realm undergoes major upheaval when a man tries to control her and turns her into a pet, a teacher's pet. What happens when she let this man take...