Chapter 6

48 1 0
                                    

~Kasal~

Kasalukuyan naming tinatahak ang kalsada papunta sa bahay nila Jacob, hindi ko alam kung anong nangyari kanina ngunit kusang bumigay ang puso ko at pumayag na sumama sa kaniya.

Wala akong ideya kung ano at bakit ni'ya naisipan na ipakilala ako sa papa nila ni Venice, hindi ako maniniwala sa sinabi ni'yang rason na nahulog siya sa 'kin. I know, there's a reason behind that.

Nang makarating kami sa bahay nila ay nagtaka si Venice kung bakit naanduon ako, "Oh Lori, napadalaw ka? Dapat sinabi mo manlang para nakapag-ayos ako, mukha akong shokla oh." Tinignan pa nito ang kaniyang damit at saka ngumuso.

Napatingin siya sa kuya ni'ya at saka nagtaas nang kilay, "Ah ganuon Kuya? Kapag si Lori, hinahatid mo? Ako ngang kapatid mo ayaw mo na sumakay sa kotse mo eh!" Ani nito habang tinitignan pabalik sa Kuya niya at saka sa 'kin.

"She's going to be my wife soon, don't be jealous."

Sabay na nalaglag ang panga naming dalawa ni Venice dahil sa sinabi ni Jacob, wife?!

"What the heck? Tell me you're joking." Umiiling-iling na ani ko.

Seryoso lang siyang tumingin sa 'kin at saka hinila na ako papasok, ni hindi ni'ya nga sinagot iyong tanong ko.

Abot tahip ng kaba ang dibdib ko ng makita ko na si Mr. Mercado sa sala kasama si Tita Cherry, tumayo ang mga ito at saka binati ako ni Tita.

"Hija, dapat nagsabi ka na bibisita ka para naghanda ako ng pagkain." Nakangiting ani nito.

Halos hindi ako makangiti nang maayos dahil iniisip ko pa din iyong sinabi ni Jacob kanina.

"Magandang Gabi po, Tita...Tito." kinakabahang ani ko.

Pumasok si Venice at saka tumabi kay Tita, bakas pa din ang pagka-shock sa mata nito.

Kahit naman ako ay ganuon din, ano na naman kayang kalokohan nitong kapatid ni'ya.

Hinawakan ni Jacob ang kamay ko at saka diretsong tumingin sa kaniyany Ama, "Dad, huwag ni'yo na po akong i-arrange marriage sa business partner ni'yo kasi po ay si Lorraine po ang tinitibok ng puso ko." Nanlaki ang mata ni Tita Cherry at napahawak pa ito sa kaniyang bibig.

Kahit si Venice ay ganuon din ang ginawa, nagtatanong ang mata nito kung ano o paano iyon nangyari.

"But she's your student, Jacob. Anong kalokohan ito?" Seryosong sabi ng papa ni'ya.

Hindi ako makapag-salita, hindi ko alam ngunit wala akong makapa na sasabihin. Humigpit ang pagkakahawak ni'ya sa kamay ko at saka ako tinignan sa aking mga mata.

"We can keep it as a secret, until she graduates. Siya po ang gusto kong pakasalan."

Napapikit ako at iprina-process pa ang mga sinasabi ni'ya, nauntog ba siya o ano?

"Kung ginagawa mo lang ito at idinadamay mo pa ang anak ni Tita Belinda mo ay baka mapa-aga ang pagpanaw ko, Jacob." Seryoso paring sabi nito at saka tumingin sa 'kin.

Napalunok ako, hindi ko alam kung paano de-depensahan ang sarili na hindi totoo iyon, na ang lahat ng sinasabi ni Jacob ay walang katotohanan. Ngunit paano?

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon