Chapter 11

36 2 0
                                    

~Lies~

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ang unknown number na tumatawag, nagtaka naman ako kung sino iyon dahil lahat ng kakilala ko lang naman ang may alam ng number ko at lahat din sila ay may pangalan na naka-indicate.

Nasa apartment ako ni Beatrice, pumunta ako dito pagkatapos kong mag-walk out kanina. Ang puso ko at utak ngayon ay parehong drained at wala akong ibang pagsasabihan nuon kung hindi si Beatrice, siya ang tanging babae na pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng secrets ko.

Pasado alas dose na ng gabi at nambulabog pa ako sa kaniya, ngayon ay mahimbing na siyang natutulog. Pinagpalit ni'ya lang ako ng kaniyang damit at inalok kumain ngunit tumanggi ako. Hindi siya nagtanong kung ano ang nangyari sa akin dahil paniguradong alam niya na hindi ko iyon maishe-share sa kaniya sa ganitong sitwasyon.

Namatay ang tawag kaya naisip ko na wrong call lang kaya inilagay ko na muna iyon sa bedside table, pumikit ako na dapat pala ay hindi ko ginawa dahil bumalik lang ang pinaka-masakit na salitang narinig ko kanina.

"Ayaw ko sa lahat ay ang mga brat na katulad mo, anim na taon pa tayong magsasama kay ayusin mo iyan!"

Brat, ganuon ba ang tingin niya sa 'kin since then? Hindi niya pa nga ako nakakasama ng matagal.

I can't accept that fact, yes nakikita ko din na sometimes ay bratty ang ugali ko but hindi ko pa nga ipinakita sa kaniya iyon.

But his reason is not valid, he see me as an employer at pinagmukha niya akong mukhang pera.

"Dahil kilala ka na nila Mom, magkakaroon ka naman ng pera kada taon kaya huwag ka na magreklamo at gawin mo ng maayos ang trabaho mo!"


Napatingin ako sa labas ng bintana, iyong ulan ay hindi pa humuhupa at mas maigi na iyon para hindi magising si Beatrice sa nililikhang ingay nang hikbi ko.

Gawin nang maayos ang trabaho ko kasi may matatanggap naman ako na pera every year? Nakaka-insulto, hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa taong bulok ang pag-iisip.

Napalingon ako sa cellphone ko na nasa bedside table ng marinig ko na may tumatawag ulit, inabot ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Same unknown number, tumayo ako at saka lumabas ng kuwarto para sagutin ang tawag.

"Hello?" Sagot ko habang pinupunasan ang sipon ko. Pinanatili kong diretso ang boses ko upang hindi mapansin ng kung sinoman ang nasa kabilang linya ang pagka-garalgal ng boses ko.

"Lori." Malamig at nakakapaninig balahibo na sabi ni Jacob.

Kumabog nang mabilis ang puso ko pagkarinig ko pa lang ng boses ni'ya, fuck this feeling, traydor.

"Listen, sorry sa mga nasabi ko kanina. I'm just...I'm just tired." Tired? Tired makipagharutan kay Hannah?

Did I sound a jealous wife? But hell yeah, I am.

"Saan mo nakuha ang number ko?" Pag-i-iba ko ng topic, I don't need his sorry.

What's done is done, sorry can't heal my wounded heart.

I heard him sigh, "Nakuha ko sa cellphone ni Venice."

Sa cellphone pa ni Venice? Edi umuwi siya kila Tita just to get my number? Dream on Lori, nagkataon lang na baka iche-check niya ang kaniyang kapatid tapos naisip niya na kuhain ang number ko.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon