Umaasa
Gulong-gulo ako at nasa point na hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng apartment ni Lucas, sakto naman na dumating sila Lucas.
Ka-agad itong bumaba sa kaniyang sasakyan at patakbong pinuntahan kung saan ako nakatayo, sumunod na bumaba ay si Bea. Parehas makikitaan ng pag-aalala ang rumerehistro sa kanilang mga mata, hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumagsak ang mga napakaraming luha ng hindi ko inaasahan.
Ka-agad akong niyapos ni Lucas at wala akong ibang ginawa kung hindi mag-sumbong gamit ang pag-hagulgol ko sa kaniyang dibdib, patuloy niyang hinahagod ang kaniyang kamay sa aking buhok at likod. Palipat-lipat lang.
"Shh...it's okay, cry all you want. Naandito lang kami, Lori. We'll never leave you."
Nang marinig ko ang kaniyang boses ay mas lalo lamang lumakas ang paghagulgol ko na animo'y isang bata na nagsu-sumbong sa kaniyang ina.
"What happened, Lori? Hindi ba dapat ay nasa hospital ka?" Narinig ko na sunod-sunod na tanong ni Bea habang tinatapik-tapik ang aking likod.
"Bea..." Hinarap ko siya at saka yumakap.
Niyakap rin naman ako nito pabalik at gaya ng ginawa ni Lucas ay inaalo rin ako nito.
Ilang minuto pa siguro kami sa ganuong posisyon at walang nag-salita isa sa kanila, pero ramdam ko ang kanilang presensya.
Nuong tumahan na ako, inalalayan nila ako papasok sa loob ng apartment ni Lucas.
Ka-agad nila akong pina-inom ng tubig at ng medyo kumalma ay saka ako tinanong ni Bea, "Ano talaga ang nangyari, Lori?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin.
"Si Jacob...itinanggi niya sa akin na hindi niya alam kung sino ang mastermind sa nangyari sa akin. Pero nahuli ko at narinig ko mismo na alam niya na..nakaraan pa." Isa-isa muling bumagsak ang aking mga luha.
"Nakaka-gagi lang kasi, sana sinabi niya sa akin 'diba? Hindi iyong itatago niya at pagmu-mukhain niya akong tanga, siguro ginawa niya iyon upang protektahan ang kaniyang Lola." Pinunasan ko gamit ang aking kamay ang huling luha na lumandas sa aking pisngi.
Kita ang gulat sa kanilang mga mukha sa aking huling sinabi.
"Wait what?! Lola mismo ni Jacob ang puno't dulo ng lahat ng nangyari sa iyo?" Histerikal na sambit ni Bea.
Hindi ko na kaya pang mag-salita dahil paniguradong hahagul-gol lang ulit ako, tumango na lang ako bilang tugon.
Sandaling namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng apartment ni Lucas, binasag lang ito ng tumunog ang aking cellphone. Hudyat na may tumatawag.
Si Lucas ang kumuha ng cellphone ko at ayon sa kaniyang expression paniguradong si Jacob ang tumatawag.
Namatay ang tunog, akala ko ay okay na, hindi na mauulit pero ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay bigla na lang itong tumunog.
Inis na sinagot ito ni Lucas, "Ano pa bang kailangan mo kay Lori?! Hindi pa ba sapat ba ginulo mo ang buhay niya? Nang dahil sa iyo, kung ano-ano na ang nangyayari kay Lori!"
Kita namin na mas kumunot pa ang makapal na kilay ni Lucas, ano kaya ang sinasabi sa kabilang linya ni Jacob...
"Baliw ka na ba? Kakausapin? Sa akin mo sabihin ang sasabihin mo kay Lori--"
Medyo lumayo si Lucas at saka pinagmu-mura si Jacob sa kabilang linya, "Wala ka ng babalikang G*** ka, manahimik ka na lang kasama iyang Lola mo puwede ba?! Kapag nalaman kong lumapit ka pa kay Lori, babasagin ko iyang mukha mo!"
Inis siyang lumapit sa amin at saka padarag na nilagay ang cellphone ko sa lamesa, "Ang panget ng taste mo sa Lalaki Lori kung duon ka nahulog, napaka-g***."
"Umayos ka nga ng pananalita mo Lucas! Stressed na nga si Lori, pagsasalitaan mo pa ng ganyan." Mariing sambit ni Bea at saka pinaupo ang nagpupuyos sa galit na si Lucas.
"Okay lang, Bea. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang susundin ko. Kung ang puso ko ba o ang aking utak.."
Huminga ng malalim si Bea at saka lumapit pa sa akin, "Lori, it's time to chose yourself. Kung alam mong nasasaktan ka na, bumitaw ka na. Hindi masamang mag-let go ng feelings kung alam mong ang kapalit nito ay para sa ikakabuti mo rin."
"Huwag kang magdadalawang isip na hindi piliin kung ano ang mas makakabuti sa iyo, hindi ka niya deserved."
Para akong minartilyo sa ulo at sa ganuong paraan ay para magising ako sa katotohanan.
Alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong hindi ko na siya mahal ngayon, hahayaan ko na lang siguro ang sarili ko na dumaan sa tamang proseso para mawala ang feelings na ito.
Ayaw kong madaliin dahil niloloko ko lang ang sarili ko at mas lalo lang akong masasaktan sa bawat pagdaan ng araw.
"Makaka-move on rin ako pero hindi sa ngayon. Ibabaling ko ang aking atensyon sa kaso na dapat ay mai-resolba na. Kailangan ko makuha ang hustisya at masingil ang dapat na may sala."
"Ganyan ang Lori na kilala namin! Alam kaya ito ng mother-in-law mo? Kung alam nila ay tiyak na magagalit ng husto si Tita." Nag-aalalang wika ni Bea at saka hinawakan ang aking kamay.
"Bukas na bukas ay haharapin ko sila, sasabihin ko na lahat ng mga sikreto simula umpisa. 'Di bale nang hindi nila ako paniwalaan, mahalaga ay nasabi ko na."
Muli kong kinuha ang basong may laman na tubig at saka inubos ang laman nuon, "Hindi ko masasabing hindi na ako isang Teacher's Pet, pero magiging simula ito upang ma-let go ko ang feelings ko kay Jacob."
Nagulat ako ng tumayo si Lucas at saka tumayo sa aking harapan, inilahad nito ang kaniyang kamay kaya naman wala sa sariling inabot ko ito.
Hind ko inaasahan na yayakapin niya ako ng mahigpit muli, ramdam ko ang pagmamahal lalo pa at sumalo pa si Bea.
Suwerte ako na may mga ganito akong kaibigan, hindi ka huhusgahan at iiwanan sa panahon ng drama sa iyong buhay.
Masisisi niyo ba ako kung umaasa pa rin ako na panaginip lang lahat ng ito?

BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomansaLorraine Walter's life is typical, although her ideas about love are only dominated by novels, but her realm undergoes major upheaval when a man tries to control her and turns her into a pet, a teacher's pet. What happens when she let this man take...