~Memories~
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Lucas,, nabasag lamang iyon ng pumalakpak na si Beatrice."Ang galing, kung hindi ko kayo kilala paniguradong mapagkakamalan ko kayong mag-jowa." Lumapit ito sa amin at saka ibinigay ang camera kay Lucas.
"Kalokohan mo, Bea. Gutom lang iyan, malapit na naman tayo matapos. Makaka-kain na rin iyang dragon mo sa tiyan." Tumatawang ani ni Lucas.
As usual biro lang ang lahat ng sinabi niya, bakit ba ang hirap kapag hindi ka rin gusto ng gusto mo. Tapos assuming ka pa. Jusq po.
Tuluyan ng huminto ang ferris wheel at papunta na kami sa bilihan ng footlong ng bigla kong maramdaman na nagwawala na ang pantog ko.
"Bea, punta muna akong comfort room. Hindi ka ba sasama?" Tanong ko rito.
Umiling lamang ito, "Nagwawala na ang dragon sa tiyan ko, Lori. Hintayin ka na lang namin banda ruon." Turo nito sa isang stall na nagbe-benta ng footlong.
"Samahan na kita," boluntaryong sabi ni Lucas ngunit ka-agad akong umiling.
"Hintayin ni'yo na lamang ako ruon, mabilis lang ako."
Matagal pa bago ito sumagot, "Sige, bilhan na rin kita." Tumango ako at saka lakad takbo nang tinungo ang C.R, ihing-ihi na ako.
Pagkapasok ko sa palikuran ay wala namang ibang naruon kung hindi ako lang kaya wala ng pagdadalawang-isip na pumasok sa isang cubicle ruon.
Habang nilalabas ang dapat ilabas ay narinig kong bumukas ang pinto, ang C.R kasi na ito ay may isang main door kung saan pinto sa labas papasok, at iba pa ang mga pintuan ng sari-sariling cubicle.
Ayon sa mabibigat nitong mga yabag ay paniguradong hindi ito galing sa mga babae, mali ba ako ng napasukang palikuran? Ngunit sigurado akong pambabae ito, bakit may mga lalaking pumasok?
Saglit akong nahinto sa pag-iisip ng may magsalita sa malalim na boses, "Nawala sa paningin ko iyong babae p're, kailangan na natin siyang idispatsya. Akalain mo iyon, nabuhay pa." Hindi ko man makita ang mismong mukha nila ay alam kong mga nakangisi ito.
Kahit tapos na ako umihi ay hindi ko magawang pindutin ang flash dahil natatakot ako na baka malaman nilang may nakakarinig sa usapan nila.
"Malakas ata kay san pedro, mas lalo atang gumanda ang hubog ng katawan. Naaalala ko pa nuong nahawakan natin ang balat nuon, nakakasabik pa rin."
Napangiwi ako, mga rapist ata iyong nasa labas. Mas kailangan kong mag-ingat.
"May mensaheng pinadala ang isang tauhan ng mga Mercado, pinapamadali na ang misyon natin." Seryosong sabi nuong isa.
Mercado? Hindi ba't apilyido iyon nila Jacob?
"Kidnapin natin ulit, paniguradong nasa paligid lang iyon. Mas mabuti nga at humiwalay siya sa dalawa niyang kaibigan, mas mapapadali ang ating trabaho."
Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang salitang kidnap, umiikot ang paningin ko at parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.
Anong nangyayari?
"May umungol pare, may tao dito." Narinig kong sabi nuong isa.
Kahit na halos himatayin na ako sa sobrang sakit ng ulo ko ay pilit ko pa ring hindi gumawa ng ingay, delikado ang buhay ko kung sakali. Mukhang mga rapist ang nasa labas ng cubicle na kinaroroonan ko.
"Sino 'yan?!"
Narinig kong isa-isa na nilang binubuksan ang mga cubicle, abot tahip ang kaba ko dahil nasa pinaka-dulo ako.
"Pare dispatsyahin na rin natin, paniguradong magsusumbong iyan sa pulis." Diretsahang sabi pa ng isa.
Napapikit na lang ako, may babae akong nakikita, tumatakbo sa gitna ng gubat. Ano ito?
Maulan at puro putik ang kaniyang mga paa, ako ba iyon?
Napapitlag ako ng may kumatok, "Ms. lumabas ka na riyan at baka pagbigyan ka pa naming mabuhay. Alam namin na narinig mo lahat ng pinag-uusapan namin, buksan mo ang pinto."
Napalunok ako habang pilit naghahanap ng gagawing sandata or panlaban man lang, ngunit nanlumo ako ng wala akong makita.
"Buksan mo ang pinto o kami pa mismo ang magbubukas nito?" Banta pa nito.
Hinalungkat ko ang dala kong bag at tanging perfume, liptint, earphone at mga hindi naman magagamit para mapaglaban ko ang sarili ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang sakit ng ulo ko at may mga masasamang tao pa sa labas ng pinto kung nasaan ang kinaroroonan ko.
Mahigpit kong hinawakan ang perfume ko na de-spray, puwede na siguro ito. Hindi man sila mapupuruhan at least makakapag-buy ito ng kahit isang minuto para maka-alis.
Mabilis kong binuksan ang pinto, mas lalong sumakit ang ulo ko ng makita ko ang mukha nila.
Pamilyar, pamilyar ang mga ito.
"Tignan mo nga naman, suwerte talaga tayo p're. Ang hinahanap natin ay nasa harapan na natin." Nakangising ani nito na siyang mas nakadagdag ng kaba ko.
Hindi ko maintindihan, ako ba ang tinutukoy nila sa pag-uusap nila kanina?
Akmang hahawan na nila ako ng inispray ko sa mata nuong isa ang perfume ko, ka-agad naman itong napakusot ng kaniyang mata at bahagyang napasuksok sa sulok.
Iyong isa naman ay hinawakan nang mahigpit ang braso ko na ikinangiwi ko, delikado ako.
Nararamdaman kong magiging katapusan ko na kapag naging mahina ako.
Ang malas naman ng araw ko.
Kinagat ko ang kamay nito upang mabitawan ako, hindi naman ako nagkakamali dahil nabitawan ang braso ko nito.
Ka-agad akong tumakbo papunta sa main door ngunit bago pa ako makarating ruon ay may humila na nang buhok ko.
"Aba, palaban ka na ah. Ganyan ang gusto ko, palaban." Sinikmuraan ako nito at saka muli akong hinawakan sa braso.
Gusto ko nang lumupasay sa sobrang sakit, sumabay pa ang matinding sakit ng ulo ko.
Hindi ako puwede sumuko, hindi puwede.
"P're ansakit sa mata!" Sigaw nuong isang ini-sprayan ko ng pabango.
Lumingon naman itong may hawak sa akin, "Bobo ka ba? Maghilamos ka para matanggal!"
Pagkakataon ko na ito, ganitong-ganito ang senaryo sa mga libro. Self defense. Hindi dapat umaasa na may prince charming na laging dadating para iligtas ang princess, wala tayo sa fairy tale.
Buong puwersa kong sinipa ang kinabukasan nito, nabitawan ako nito. Wala na akong sinayang na minuto, ka-agad na akong lumabas duon.
Umiikot ang paligid at feeling ko ay ano mang oras ay mahihimatay na ako. Andaming sceneries na bumabalik sa isip ko, madaming nagple-play na hindi ko alam kung saan galing.
Naaaninag ko na sila Lucas pero hinang-hina na ako, isa pang hakbang, isa pa...kaya mo iyan, Lori. Hakbang pa, malapit na...malapit na.
Lumingon sa direksyon ko si Lucas at kitang-kita ko ang pag-aaalala sa mga mata nito, nakita ko pa siyang tumatakbo papunta sa direksyon ko ngunit wala na talaga akong lakas.
Naramdaman ko na lang ang malamig na mga damo na siyang kinabagsakan ko, gusto ko pang dumilat ngunit tuluyan ng nanlabo ang paningin ko.
Kasabay ng pag-pikit ko ay ang pag-pasok ng aking mga nawalang ala-ala.
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceLorraine Walter's life is typical, although her ideas about love are only dominated by novels, but her realm undergoes major upheaval when a man tries to control her and turns her into a pet, a teacher's pet. What happens when she let this man take...