Chapter 21

37 2 0
                                    

Her


Madilim, nasa isang lugar ako na madilim. Iyong tipong wala ka talagang makikita kahit anong liwanag. Hindi ko alam kung nasaan ako, ang huling natatandaan ko ay nawalan ako ng malay.

Kusang gumalaw ang aking mga paa patungo sa kung saan ngunit hindi ko alam kung saan ako hihinto.

May naaninag akong pinto sa dulo, may liwanag na nang-gagaling mula roon. Dali-dali ko itong nilapitan at saka binuksan.

Saglit na nasilaw pa ako sa liwanag na nanggagaling mula sa silid na iyon bago ko pa makita ang isang senaryong pamilyar at hindi ko makakalimutan.

Nakita ko ang sarili ko na animo'y nasa isang aktress sa isang palabas.

"Sinong matandang Mercado?" Tanong ko sa lalaking naruon.

Kitang-kita ko ang pag-ngisi nito, "Bawal sabihin pero kung naka-schedule na naman ang kamatayan mo ay siguro puwede mo naman malaman. Ang Lola ng pinakamamahal mo, bakit kasi hindi ka nakikinig sa payo ng matatanda. Kapag sinabing lumayo dapat ay lumayo ka na, pero okay na din dahil kakaibang ligaya naman ang mararanasan mo bago mamatay."

Pare-parehas kaming napalingon nuong bumukas ang pinto at pumasok ang napakaraming lalaki, kitang-kita ko sa aking sarili ang matinding takot pagkakita pa lamang sa mga malalaking lalaki na pumasok.

Duon naalala kong ito ang part na gusto ko na umiyak o magsi-sigaw dahil sa takot na mamamatay ako sa kamay ng mga ito.

"Gising na pala siya Rolando, ni-ready mo na ba iyan? Malaki-laki ang kargada ko." Nakangising ani nito na siyang ikina-init ng ulo ko.

Mga manyakis!

Naramdaman ko ang pag-landas ng luha ko sa aking pisngi dahil naaawa ako sa sarili ko.

Ang Lorraine na nasa harap ko ay hopeless, isang babaeng mahina at masyadong fragile.

Nakaka-awa.

"Huwag! Tulong! Tulungan ni'yo ako!"

Gusto ko humiyaw at mag-wala dahil awang-awa ako sa sarili ko nuong nagsipag-tawanan ang mga demonyong lalaki na iyon.

"Miss, walang makakarinig sa iyo. I-save mo na lang iyang boses mo para sa mga ungol mo mamaya kapag ipinasok ko na ang malaki kong kargada sa masikip mong lagusan."

Kahit hindi nila ako makita ay prenteng nakatuon ang aking masamang titig sa mga demonyong mga lalaki na ito.

"Huwag please, parang awa ni'yo na po! Tulong!"

Patuloy pa rin ako sa pag-hingi ng tulong ngunit walang saysay ito.

Napatingin ako sa cellphone kong tumu-tunog, tumatawag si Jacob. Naalala ko na may date kami dapat nuong araw na iyon, ngunit anong nangyari?

"I-off mo iyan, Enteng. Istorbo."

Ang mga walang hiya tuwang-tuwa habang ginagawa ang kababuyan sa akin.

Pumikit na lang ako hanggang sa matapos na sila sa kademonyohan nila, sisiguraduhin ko na mabubulok ang mga ito sa kulungan once na magising ako.

Nakita ko na ang sarili kong tumalon mula sa bintana kaya sumunod din ako at saka tumalon rin.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon