Chapter 4

56 5 0
                                    

~Teacher's Pet~

Dalawang araw na ang nakakalipas, at sa dalawang araw din na 'yon ay iniiwasan ko si Jacob. Ayaw ko na makasira nang relasyon, at ayaw ko siyang makita, may part sa 'kin na naghuhumerentado kapag nakikita siya.

Is it love? Come back to your senses, Lori. The word love doesn't exist in your dictionary.

"Bestie, Lori!" Narinig ko ang sigaw galing sa aking likuran kaya lumingon ako.

"Sabay tayo mag lunch later kapag break time. Gosh anlayo pala ng Multimedia Arts building sa Engineering, feeling ko malalagutan ako ng hininga." Hinihingal na sabi ni Beatrice habang hawak-hawak pa ang dibdib ni'ya.

First day kasi ng school, since magkaiba kami ng course ay magka-layo din ang building namin. Parehas kami ni Lucas ng kinuha na course kaya medyo hindi ako kinakabahan, wala namang magiging problema kay Beatrice dahil approachable ito.

Tumango ako, "Sige, hintayin mo na lang kami sa field tapos sabay-sabay na tayo."

"Sige. Oh siya, baka ma-late pa ako. Una na ako ha, see you later!" Napa-iling na lang ako at natawa, mukha kasing shunga sa pagtakbo si Beatrice.

Pumasok na ako sa MMA building at saka umakyat  na sa hagdan para makarating na agad sa room. As usual ay panghapon ako, 2A ang aking section, of course a higher section.

Chinat ako ni Venice kanina at kinamusta, sinabi ko naman na ayos lang ako. Hindi ni'ya binanggit ang kuya ni'ya pero ba't naman ni'ya babanggitin 'diba, sana lang ay hindi siya isa sa mga professor ko.

Pagkarating ko duon sa hallway papuntang room ay nakita ko na ka-agad ang nakasandal na si Lucas malapit sa pinto ng room, lumingon ito sa 'kin at saka malawak na ngumiti.

"Loritot!" Sigaw nito na ikinalingon nang lahat sa direksyon namin.

Pinandilatan ko naman ito at saka mabilis na lumapit kung nasaan siya, "Nakakahiya ka Lucas, umayos ka nga at baka sampalin ko iyang atay mo." iritang sabi ko dito na tinawanan lang ni'ya.

"Lori babe, huwag high blood hane? First day na first day, sasampalin mo na agad atay ko. Hindi ka ba na-aawa sa future husband mo?" Nakangising ani nito.

Umirap ako sa ka-kornihan ni'ya at saka iniwan siya duon na nakangiting parang tanga, sumunod naman siya at patuloy pa din akong bini-bwisit.

Sa dulong upuan ako umupo katabi ng bintana, malamig kasi dito kaysa sa gitna at unahan na halos pati under garments mo ay mababasa. Polluted masyado dahil sa madadaldal na mga babae sa harapan.

"Lori babe, tabi tayo huh at baka halayin ako nuong mga babae sa harap." Paawang ani nito na ikinangiwi ko dahil sa huling sinabi ni'ya.

"Tumahimik ka na lang Lucas at baka maitapon kita sa bintana."

Tumawa lang ito at saka pumangalumbaba at saka ako tinitigan, "Ang ganda mo ngayon, Lori babe. Puwedeng pa-kiss?"

Ini-amba ko iyong kamao ko, "Eto gusto mo matikman?"

Pero si Jacob puwede kumiss, napailing na lang ako sa naisip. Forget him, Lori ano ba!

Ka-agad namang umiling si Lucas at saka nag-peace sign, nasanay na lang ako sa kapilyuhan ni'ya dahil five years ago ng magkakilala kami ay ganyan na siya.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon