Chapter 22

30 2 0
                                    

He knows

"Lola." Narinig kong bulong ni Jacob.

This time abot tahip ang kaba ko dahil sa tinginan pa lang ng lola niya ay halata agad ang disguto nito, pinagkati-tigan ako nito ng matagal bago ngumisi.

Hindi ko alam kung para saan ang ngisi na iyon, pero may bahagi sa akin na nainsulto.

"Magandang araw aking Apo," lumipat ang tingin nito kay Jacob at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis.

Ka-agad na tumayo si Jacob sa kaniyang kinauupuan at saka nagmano sa kaniyang mga kamag-anak, akmang bababa rin ako upang magmano ng itinaas ng lola ni Jacob ang kaniyang kamay.

Isang signal na huwag ko ng ituloy kung ano man ang aking gagawin, wala akong nagawa kung hindi matuptop sa aking kinahihigaan.

Wala pa akong matibay na ebidensya na ang lola ni Jacob ang mastermind, pero once na mahuli at mapaamin iyong mga lalaki na iyon, tiyak na lalabas rin ang katotohanan.

"Ano po ang sadya ni'yo rito, 'La, 'Ta?" Magalang na tanong ni Jacob habang mini-muwestra ang upuan sa kaniyang Lola.

Muling tumingin ito sa akin at saka hilaw na ngumiti, "Nasabi sa akin ng iyong Mommy na may nangyari daw sa iyong asawa, nais ko lang dumalaw at matignan ang lagay niya." binalik nito ang kaniyang tingin kay Jacob at pagkatapos ay nilingunan ang kasama nito na Tita ni Jacob.

"Choleen, i-abot mo na ang mga prutas at bulaklak. Hindi rin kami magtatagal dahil ako ay may aasikasuhin pa."


Malumanay na iniabot ng isang matangkad at magandang babae ang kaniyang dalang basket na naglalaman ng mga iba't-ibang prutas kagaya na lang ng orange at apple.

"By the way, hindi ba't isang estudyante ka pa lang, Hija? Ano at naisipan mong pumatol sa mas matanda sa iyo?" Diretsahang sabi nito ng hindi ibinabaling sa akin ang kaniyang paningin.

"Opo, isa pa lang po akong multimedia art student-" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng bigla niya akong putulin sa pagsasalita.

"An art student? Ano ang magiging ambag niyan sa lipunan? Sa panahon ngayon, kaya ba niyang maka-profit ng thousands? Puwede iyan for sub-work sana." Nahihimigan ko ang sarcasm sa tinig nito habang isina-salita ang mga katagang iyon.

"Huwag ni'yo po sanang minamaliit ang pagiging isang Art student, hindi lang naman po pag-draw-drawing or pagpi-pinta ang aming ginagawa."

Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang dapat na sasabihin, "Oo nga po at puro Art ang tina-tackle namin, ngunit kapag kami ay grumaduate maaaring isa kami sa mga gagawa ng business design, reporters sa iba't-ibang network, at kaya rin namin kumita ng higit o sapat sa mga iba pang propesyon."

"Kung siguro ay sa ibang bansa, possible ang iyong sinasabi Hija. Ngunit sa ating bansa? Mangmang lang ang kukuha ng ganyang kurso lalo't at ang ibang propesyon ang in demand." Nag-dequatro pa ito na animo'y nasa isang thesis defend.

Napaismid si Jacob at saka sumagot sa kaniyang Lola, "La, your way of talking to my wife is not appropriate. You're not just bringing and degrading Lorraine down, that's insulting to all people who love art and those people who has profession in Art."

Kitang-kita ang pag-ikot ng mata ng kaniyang Lola, tila hindi bother sa kung anuman ang sinabi ng kaniyang apo.

"I'm not degrading and bring people down, Apo. I'm just stating the fact, but whatever. I shall take my leave, I have an appointment." Prenteng tumayo ito at saka lumapit kay Jacob upang yumakap.

Kumabog ang dibdib ko ng dahan-dahan rin itong pumunta kung nasaan ako, bumeso ito ngunit nanatili ang kaniyang mukha malapit sa aking tainga.

"Leave or stay away from my grandson or else you will taste the hell again."

Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay matamis siyang ngumiti sa akin at saka nagtaas ng kilay, halos mabato ako sa aking kinau-upuan.

Hindi ako sure nitong mga nakalipas na minuto na siya ang mastermind sa nangyari sa akin ngunit ngayon ay sigurado na ako sa aking hinala na siya ang may kagagawan nuon.

Ngunit paano ko ito masasabi sa iba? Wala pa naman akong hawak na matibay na ebidensya laban sa kaniya, kung sakali ay tiyak na mababaliktad lang ang lahat.

"I shall take my leave na, send my regards to Cherry. I gotta go." She raised her hand, signalling a 'good'bye.

The tension doesn't go away even that Jacob's grandmother leave the room.

Nanatiling naka-kunot ang nuo ni Jacob at tila prinoproseso ang mga nangyari kanina.

"Lori," he finally call my name.

"Jacob?"

Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang aking kamay, "Huwag mo na pansinin kung ano iyong sinabi ni Lola sa 'yo, bibili lang ako ng pagkain."

Kapansin-pansin ang kaniyang pagka-tense na ipinagtaka ko, bakit?

I just nodded and stared on his back when he's leaving the room.

The hours passed but he's not back yet.

Naiihi na rin ako at gusto ko makalanghap ng sariwang hangin.

Luckily wala akong suwero dahil examines lang naman ang ginawa sa akin.

Now I remembered everything para akong nanliliit na ewan, paano ko sasabihin at iku-kuwento ang katotohanan kay Jacob ang lahat ng nangyari kung na-iiyak na ako kapag naaalala ko iyon.

Madi-disappoint ba siya? Mandidiri? Or what?

Bakit ba kasi kailangan sa pag-ibig need lagi may struggles or may kakaharapin na problem? Hindi ba puwedeng happy ending nalang lahat?

"Can you please lower your voice, La? I'm tired! I'm so tired!"

Natigil ako sa tuluyang pag-bukas sa pinto ng rooftop ng hospital nuong narinig ko ang mahinahon ngunit madiing salita ni Jacob.

Akala ko ba bibili siya ng food namin?

Akmang hahakbang na ako ng marinig ko ang sunod na iwinika niya, sinilip ko siya sa kaunting awang at nakita kong hawak niya ang kaniyang cellphone habang nakahawak ang kamay sa kaniyang ulo.

"I know na ikaw ang mastermind sa nangyari kay Lorraine but Lola, bakit kailangan mo pa pumunta rito at insultuhin siya? Sabi ko po na kalimutan na lang iyon hindi ba?"

Alam niya?

"Mahalaga ka sa akin Lola at mahalaga rin si Lorraine sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman niyang alam ko na."

Hindi ko alam kung kanina pa ba mababa ang luha ko or sadyang hindi ko lang matanggap na mukha akong tanga.

"Please Lola, para na lang po sa akin. As long na hindi alam ni Lorraine, all things are in place. Don't make any reckless moves po."

What? Kaya ba una pa lang ay hindi na siya naniniwala?

"Anong hindi ko malalaman, Jacob?"

Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at saka umiiyak na hinarap siya, ang tanga ko.

He knows everything...Jacob knows.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon