Chapter 10

47 2 0
                                    

~Malaya~

Tahimik lang kami habang nakasakay sa kotse niya, hindi ko alam kung bakit hindi niya pa ito pinapaandar gayong nakapasok na naman ako.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag, ng makitang si Lucas iyon ay ka-agad ko itong sinagot. Itatanong ko na din kung naka-uwi na si Venice.

"Lucas." Paunang sabi ko na ikinalingon ni Jacob sa akin.

Nagulat ako ng kinuha ni'ya iyong cellphone at saka ni-loud speaker, kapag tapos ay muli niya ng ibinalik.

Napairap na lang ako ngunit hindi na pinansin ang ginawa ni Jacob, "Lori, naihatid ko na iyong kaibigan mo." Seryosong ani nito.

Panigurado akong nagdra-drive siya siguro pauwi dahil nakakarinig ako ng mga busina, "Mabuti naman, anong sabi ni Tita Cherry sa 'yo?" Kinakabahan ako dahil baka mapagalitan si Lucas dahil sa kalagayan ni Venice pagka-uwi.

Napabuntong hininga siya, "Tol, napagkamalan akong secret boyfriend. Hindi ako nakatanggi at baka mapagalitan iyong kaibigan mo, susunod ay huwag mo ng ipahatid sa akin iyon."

Napatawa naman ako, "Aarte ka pa, ang ganda-ganda kaya ni Venice tapos girlfriend type pa." Sabi ko na parang nage-endorse nang isang product.

Nag tss naman siya kaya mas lalo akong natawa, pikones pa din siya.

"Girlfriend type ka din naman, puwede bang ikaw na lang?" Seryosong ani nito na tinawanan ko lang ngunit iyong katabi ko ay hindi natuwa dahil hinablot niya sa aking kamay iyong cellphone.

Madilim ang mata nito habang inilagay sa tenga ang cellphone, hindi niya na ni-loud speaker kaya hindi ko malaman kung anong ang maaaring isagot ni Lucas.

"Excuse me? Don't try to hook my wife in front of me, shameless boy." Iritang ani nito at saka diretsong tumingin sa harap.

Sandali siyang tumahimik kaya ang tingin ko ay may sinasabi si Lucas, humigpit ang hawak niya sa phone ko kaya nagtataka na ako kung ano ang sinabi ni Lucas.

"You wish." Iyon lang ang sinabi niya at saka ibinaba na ang tawag.

Nagtataka ko naman siyang tinignan, "What was that? Anong sinabi ni Lucas na ikinairita mo?" nakakunot nuong tanong ko.

Hindi siya umimik at ibinalik lang sa akin ang cellphone ko, nag beep ang phone ko hudyat na may nag-message ngunit hindi ko iyon pinansin dahil hinihintay ko iyong sagot ni Jacob.

Nagtaas ako ng kilay at saka muling nagtanong, "Anong sinabi ni Lucas, Jacob?" Ayaw ko sa lahat ay iyong pinapaulit ako sa sinasabi ko.

Diretso lang ang tingin ni'ya sa harap ng sasakyan ngunit hindi siya sumasagot, kitang-kita ko ang pag-galaw ng panga ni'ya. Ini-start ni'ya na ang engine at saka pinaandar ang kotse papalayo sa parking lot ng Gerry's.

Napapikit na ako sa inis dahil wala akong makuhang sagot, nacu-curious ako lalo.

"Ano ba Jacob? Sagutin mo naman ang tanong ko!" Iritang sigaw ko na dito.

Kanina pa ako naiirita dahil parang wala siyang naririnig, hello? Nagsasalita ho ako.

"It's nothing." Seryosong sabi ni'ya at saka mas binilisan pa ang pagpapa-takbo ng kotse.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon