Chapter 17

37 1 0
                                        

~Hannah~

Jacob left the room when I slapped his face after he kissed me, hindi porket familiar ang katawan ko sa mga touch niya ay hahalikan niya na lang ako bigla. That was rude, kissing someone that they don't know you is illegal.

It's been a two weeks since na-discharge ako, ayaw pa nga sana ako pauwiin ni Mama kasi baka hindi pa daw ako magaling pero I insist since sinabi na din ng doctor na puwede na ako maka-uwi.

Magpro-protesta pa sana ako dahil sa condo daw nuong Jacob ang uuwian ko, like what the heck? Last name nga nuon ay hindi ko alam tapos duon pa ako patitirahin, pero dahil malakas ang power ni Mama ay wala akong nagawa. Seperate naman pala ang room namin, sa unang pagpasok ko pa lang ay nakita ko na ang mga libro ko na nasa book shelves kaya paniguradong akin talaga iyong silid.

Jacob always tries to talk to me but I ignored and distant myself to him, that will be nonsense if I allowed him to talk to me.

I hate sugar coated talks, ang cringe.

Even though wala akong maalala for the past five months ay kailangan ko pa din mag-aral, nagulat nga ako ng sinabi ni Beatrice na Multimedia Arts ang kinuha kong kurso samantalang ay gusto ko  maging Architect, bakit ako napunta sa MMA?

Pagkapasok ko pa lang sa room na sinabi ni Lucas ay nakita kong napatigil ang lahat ng makita ako, saglit na tumahimik hanggang sa may mga parang bubuyog na nagsisibulungan.

"Hindi ba siya iyong nagpa-kasal sa teacher kahit na may girlfriend?" Narinig kong sabi nuong isang babae sa harap.

Tinaasan ko lang sila ng kilay magbubulungan na lang iyong naririnig pa. Napailing na lang ako at saka pumunta sa sinabing upuan ko.

"Ang kapal ng mukhang pumasok at taas nuong humarap sa atin pagkatapos mang-akit ng prof." Iritang sabi nito habang nakatingin pa din sa 'kin.

Halos lahat sila ay nasa akin ang mga mata, ano ba kasing pinupunto nila? Akmang yuyuko na ako sa chair desk ko ng bigla na lang may humila sa buhok ko dahilan para mapatayo ako at samaan ng tingin ang gumawa nuon.

"Go, Abi Girl! Tanggalan mo ng anit 'yan!" Sigaw nuong ibang babae sa classroom.

Ngumisi iyong babaeng may hawak sa akin at saka sinampal ako ng malakas sa kaliwa kong pisngi, mariin akong napakagat aa aking labi dahil sa inis.

"Ano ba ang problema mo? Wala ka bang magawa sa buhay?" Inis na tanong ko dito at saka pilit tinatanggal ang pagkakahawak nito sa buhok ko ngunit sadyang mahigpit ito.

Tumawa lang ito at saka sinampal ako muli sa kanan naman, napapikit na ako dahil kaunti na lang ay sasabog na ako. Wala naman akong natatandaang ginawang masama sa kanila, ano ito pa-welcome nila?

"Ikaw mismo ang problema namin ni Ate Hannah, ikaw na malandi ka." Iritang sabi nito at akmang sasampalin ako muli ng mahuli ko na ang kamay niya.

"Alam mo ba na puyat ako kakabasa ng libro tapos bwi-bwisitin mo ako bigla? May problema ka sa akin hindi ba? Mamatay ka sa problema na iyan dahil walang solusyon kapag ako ang naging problema mo." Matapang na sabi ko at saka marahas na tinggal ang kamay niya sa aking buhok.

Natanggal naman ito ngunit nuong akmang uupo na ako muli ay hinila niya ulit ang aking buhok pero ngayon ay mas argresibo na, umingay ang paligid dahil sa ginawa niya.

Hinila niya ako at saka dinala sa hallway, halos maki-usyoso na ang mga ibang section dahil sa ingay na nanggagaling sa mga kaklase namin.

Habang sinasabunutan niya ako ay panay ang kalmot niya kaya hindi ako makalaban, mukhang hinasa niya pa amg kaniyang kuko para lang dito huh.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon