Chapter 14

36 2 0
                                    

~Letter~

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng party kahapon, ang dapat na masaya at masiglang salo-salo ay nauwi sa awkward na atmosphere.

Dahil duon ay nagpasya na si Jacob na iuwi na ako at nagdahilan na may pasok pa kinabukasan kaya pinakawalan na kami ni Tita Cherry, tahimik lang kami pag-uwi sa condo niya hanggang sa makatulog na lang ako ay wala siyang salitang binitawan.

Paalis na sana ako papuntang school ng bigla na lang akong tawagin ni Jacob sa kusina, "Lori."

Dahan-dahan naman akong pumunta duon at nakita ko siyang naka-upo at kaharap ang iba't-ibang putahe na nasa lamesa. Muntik na ngang tumulo ang laway ko dahil sa takam, hindi ako familiar sa mga nakahain pero feeling ko masarap.

"Papasok ka na? Eleven pa lang ah?" Tanong nito habang nilalagyan nang gabundok na kanin ang isang plato na para sa akin.

Tumango naman ako at saka umupo duon sa tapat ng may plato na nalagyan ng kanin, "Mag-uusap kami ni Lucas about sa gagawin naming project sa AMF production, mamaya din kapag pag-uwi baka dito na lang din kami mag-shoot." Sabi ko habang binabawasan ang kanin at inililipat sa plato niya.

Hindi niya napansin dahil nasa akin ang paningin niya habang nakakunot ang nuo nito, hobby niya na siguro ang pagkunot ng nuo.

"May project agad? At bakit iyong Lucas ang kasama mo sa project na iyon?" Tumaas ang kilay nito at saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Nagsimula na akong sumubo ng kanin para mabilis na matapos dahil baka maihagis ako ni Lucas papuntang kapag hindi ako dumating sa sinet kong oras.

"Eh kasi siya lang naman ang kaibigan ko duon sa room, mas maganda at ang theme ng gagawin naming mv ay love at least hindi ako maiilang kapag iba ang partner ko." Rason ko at saka tinikman ang isang putahe.

"At bakit naman tungkol sa love ang theme? Hindi ba puwedeng pumili nang ibang genre?" Nakita kong lumabi ito at saka nagsandok nang isang ulam.

"Hindi, fix na iyon. Puwede bang ikaw ang mag-video sa amin mamaya? Magaling ka naman kumuha ng litrato at gumamit ng kamera, nakita ko duon sa mga dating post mo." Sagot ko at saka muling sinubo ang huling kutsara ng kanin.

Matagal niya akong pinagkatitigan hanggang sa ma-realize ko kung ano iyong sinabi ko.

"Ini-stalk mo ako?" Kung kanina ay nakangunot ang nuo nito ngayon naman ay sumilay na ang nakakalokong ngiti nito sa kaniyang mapupulang labi.

Dahan-dahan akong lumunok at saka inabot ang baso ng tubig, muntik pa matapos iyon dahil sa kaba.

"Nadaanan ko lang nuong nagi-scroll ako sa Facebook, hindi ko nga alam na may account ka pala e." Palusot ko at saka uminom ng tubig.

Mas lalong lumaki ang ngisi sa kaniyang bibig kaya napaiwas na ako ng tingin, nuong nakaraan kasi ay ala una na ako natulog dahil hinanap ko pa kung may account siya sa Facebook. Halos kalahating oras na ata akong naghahanap, nahihilo na nga ako dahil ang mga lumalabas sa pangalan niya ay mga arabo o hindi naman kaya mga mukhang tatay na. Mabuti na lang ay may isang tag post ako na nakita, iyong Matthew Aicel ang nag-tag kay Jacob. Picture ni Jacob habang prenteng naka upo sa isang upuan habang nagbabasa ng libro, siyempre sinave ko tapos ini-stalk na din siya sa mismong account niya.

Gusto ko pa sana ipa-tarpaulin pero baka sabihin obsessed naman ako, pina-develop ko na lang at nilagay sa aking paboritong libro. Bookmark ang peg ng lolo ni'yo.

"Ahh, nadaanan lang. Alam mo ba na iyong mga photography ko na iyon ay last 8 years ago na? Pero sabi mo nga nadaanan lang, okay." Tumango-tango ito at saka ipinagpatuloy ang pagkain ng may nanunuyang ngiti.

Imbis na magalit ako dahil nanunuya siya ay mas nahiya pa ako, tinatablan pala ako ng kahihiyan.

Uminom na lang ako muli ng tubig at saka tumayo, pumunta na lang ako sa lababo at saka hinugasan ang mga hugasan duon para hindi makita ni Jacob ang pamumula ng mukha ko.

Ilang saglit pa ay may matitigas na brasong pumulupot sa waist ko, alam kong si Jacob iyon pero hindi parin naging handa ang sarili ko kaya nabitawan ko ang kutsilyo sa sink.

"I love you." Mahinang sabi niya habang nakasubsob ang mukha sa aking leeg dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko.

Tama ba ako ng narinig? Did he said I love you? Baka nabingi lang ako.

"I said, I love you, Lori. Oh right, alam ko na naguguluhan ka kasi mayroon akong nobya at set up lang ang lahat but I can explain. May envelope duon sa study table, read it. It will explain everything." Malambing ang boses nito na siyang ikinasayaw ng mga laman loob ko.

Now I'm sure na mutual ang aming feelings, dapat na ba akong matuwa?

Nanatili akong tahimik at saka ipinagpatuloy na lang ang paghuhugas kahit na nakayakap pa din siya sa akin galing sa likod, ang kaniyang mainit na hininga ay tumatama sa leeg ko kaya hindi ko alam kung maayos ko ba na nahuhugasan ang mga naanduon.

Natapos na lang ako sa paghuhugas pero hindi pa rin siya humihiwalay sa pagkakayap, "Jacob, aalis na ako. Hindi ka ba nangangalay sa posisyon mo?" Mahinang sabi ko at saka humarap sa kaniya na dapat pala ay hindi ko ginawa.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, ngumisi siya at sa mas inilapit pa ako sa kaniya. Napalunok ako at damang-dama ko ang pag-ikot nang mga baby worms sa tiyan ko, parang may party-party sa loob na animo'y nagdidiwang sa kilig.

"Any position ay hindi ako mangangalay basta kasama ka."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng ma-gets kung ano ang meaning nu'n, mas lalo oa akong namula ng lapatan niya ng mabilis na halik ang labi ko.

"See you later, Baby." Pilyong ani nito at saka patakbong umakyat sa kuwarto niya.

Naiwan naman ako na nakatulala sa kusina, ganito ba ka-worth it ang pagbabago ko ng paniniwala about Love? Na darkside lang pala nito ang lagi kong nakikita?

Worth it ba ang pagiging Teacher's Pet?

Napangiti na lang ako at saka dumiretso sa study table para kuhain ang envelope na sinasabi ni Jacob, napatingin ako duon at alam ko na naanduon ang mga kasagutan na tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Para hindi ma-spoil ang kasiyahan ko ay mamaya ko na ito babasahin at baka umuusok na ang ilong ni Lucas kakahintay sa akin sa Library.

Hindi na ako nagpa-alam pa kay Jacob at diretso ng lumabas sa pinto ng condo niya, nagulat ako ng may bumungad sa akin na isang envelope sa lapag. Napalinga-linga pa ako at baka may naka-hulog lang pero napakunot ang nuo ko ng makita ang pangalan ko duon sa likod.

Habang nasa elevator ako ay napagpasyahan ko itong basahin, "Sino naman kaya ang nagpadala ng sulat sa akin? Si Mama kaya?" Napailing ako dahil kung may sasabihin man si Mama ay puwede naman i-mail o i-chat.

'Layuan at hiwalayan mo si Jacob Austin Mercado kung hindi ay may hindi magandang mangyayari sa 'yo.'

Sino naman ang mananakot sa akin? Baka prank lang ito. Pero kung hindi ay wala naman akong naka-away at iilan lang din ang may alam na kami ni Jacob. Posible kayang si Hannah?

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon