Chapter 19

32 2 0
                                    

~Star~


"Tell me nga, Lori, ano ba iyong eksaktong nakita mo sa kuwarto ni Sir Jacob?" Kuryosong tanong ni Beatrice habang mataman akong tinignan.

Kasalukuyan kaming nasa condo ni Lucas, dito kami dumiretso kanina at tinawagan naman si Beatrice para sa friendly talk daw.

I'm still devastated, feeling ko ginugupit ng nail cutter ang puso ko dahil paunti-unti itong sumasakit na sa tingin ko ay aabot sa point na hindi ko na kakayanin pa.

Is this love?

Umiling na lang ako, "I saw them, they're almost naked. You two also know what relationship I have with Jacob right? Pero bakit ganuon? I felt like I'm the mistress and she's the legal one."

"Dahil iyon ang pinaparamdam sa 'yo ni Jacob, Lori. All of the thing in the past was all lie, he lied, Lori." Lucas said while crossing his arms and lean on the wall.

Mariin kong hinawakan ang panyong hawak ko, at saka mariing napapikit. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naguguluhan kung alam ko naman ang solusyon sa lahat ng ito, at ang solusyon na iyon ay hiwalayan ang lalaking may mahal na iba.

Even though I can't remember him, my heart still hoping that what I saw earlier was just my imagination.

"Don't jump on conclusions, Lucas. Tukmol ka ba? They're married, may karapatan si Lori na ipaglaban si Sir Jacob."

Do I really have the right to fight back? Even...even I'm not the original lover, even I'm just an intruder?

"I'm going to break our set up, the marriage was not valid anyway until I graduate. I'll explain all of it on his family and mine, I will face whatever consequences I'll encounter." I said without blinking.

As expected, they're both shocked.

"Lori? Why so sudden? Huwag kang padalos-dalos dahil lang sa nakita mo kanina, make Sir Jacob explain about it muna."

Sinundan ko ng tingin si Beatrice ng tumayo siya at saka nagsalin ng tubig sa baso. Lucas just shook his head and stared at me.

"Bea, that punk don't need to explain. Lori saw what she needs to see after all, his love before was just for a show." Lucas said.

Marahas namang tumingin sa kaniya si Beatrice, "Watch your words Lucas, he's still our teacher."

"Eh totoo naman kasi." Determinadong sabi ni Lucas at saka humalukipkip muli sa pader.

"Huwag na kayong magtalo about my own issues, at saka wala naman akong nararamdaman para kay Jacob. If meron man nuon that was belong to my past, I can't risk my future to this nonsense set up." I said.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay hindi na muli itong napag-usapan pa, we continue the shoot pero kasama na namin si Beatrice para maging cameraman.

"Last shoot ni'yo sa feris wheel 'diba? Ginawa ni'yo pa akong third wheel huh, pakainin ni'yo ako sa mcdi pagkatapos nito." Nakangiting reklamo ni Bea habang inaayos ang camera na nakasabit sa leeg niya.

"Mukha ka talagang pagkain Beatrice kaya ang taba-taba mo eh." Nang-aasar na wika ni Lucas at saka lumayo ng kaunti dahil paniguradong kapag nakalapit si Bea sa kaniya tiyak na may batok siyang matatanggap.

"Makalapit ka lang dito may konyat ka sa 'kin," iritang sabi ni Bea habang iniamba pa ang kaniyang kamao kau Lucas.

Hindi naman natinag ang loko at saka tinawanan lang ang banta ni Bea, body conscious kasi si Bea. Kulang na nga lang ay sa gym na siya tumira dahil gusto niya maging hour glass ang kaniyang katawan, kamusta naman ang aking katawan hindi ba? Sinubukan ko naman once a week before kaso naisip ko na mas masarap humilata kaya 'yon walang nagawa ang exercise sa tamad na katulad ko.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon