Chapter 25

46 2 0
                                    

Forgive or Forget

Mugto pa ang mata ko ng gumising ako kaninang umaga dahil sa magdamag kong pag-iyak, kahit pa sabihin kong matapang ako, na okay lang na i-let go ko na ang feelings para kay Jacob, hindi magiging madali iyon. At alam kong hindi talaga pero sana ay kayanin hindi para sa ibang tao kung hindi para sa sarili ko.

Okay na mahirapan sa process ng pagmo-move on kaysa naman hahayaan mong tuluyang masira ang buhay mo ng dahil lang nagmamahal ka.

Abot tahip ang kaba ko ng makababa ako sa mismong tapat ng bahay nila Tita Cherry, kita ko sa gilid ang kotse ni Jacob at ang isa pang mamahaling sasakyan na hindi ko alam kung kanino.

Kahit kinakabahan ay nag-door bell ako, ilang minuto pa ang lumipas ng pagbuksan ako ni Venice. Bahagya pa itong nagulat pero dumaan ang lungkot sa mga mata nito habang tuluyang binubuksan ang pinto.

"Good morning, Lori. P-Pasok ka." Nakayukong ani nito at saka gumilid para bigyan ako ng daan papasok.

Kahit gusto ko siyang kamustahin or yakapin ay hindi ko na ginawa, iniwan ko siya duon dahil hindi pagkakamustahan ang ipinunta ko dito.

Huminga ako ng malalim at saka binuksan ang malaking pinto, pagkabukas ko ay unang nakita ko ay ang matandang Mercado. Hindi maipinta ang mukha nito at matalim ang tingin sa akin na kulang na lang ay patayin na ako.

"Lorraine, Hija." Napagawi ang paningin ko ng tawagin ako ni Tita Cherry.

Malungkot rin itong ngumiti at saka inanyayahan akong umupo.

Nadaanan ko pa ang nakayukong si Jacob habang ang kaniyang mga kamay ay nakakuyom.

Pagka-upo ko ay ka-agad na nagsalita ang papa ni Jacob.

"Hija, I'm so sorry. We, we ruined your life. My family does, we're sorry. Jacob told us everything about your contract with him and about the cause of your trauma."

I remained silent, silence is the key to avoid unnecessary words that will come out on your mouth.

"We're very sorry, alam namin na hindi sapat iyon para sa gulong ginawa namin sa buhay mo. You can bring that in korte, we will accept your decision."

The heavy aura around us is suffocating me, pero kung mananatili akong tahimik they will never know kung anong nais kong sabihin.

I should speak to give them my answer that they want to know.


"Hindi ko na po papaabutin sa korte but I have my conditions...una ay dapat all of those guys na involved, put them in jail. Mamili kayo, ang matandang iyan o ang mga walang kuwentang lalaki na 'yon?"

Kitang-kita sa mga mukha nila ang sari-saring emosyon, gusto ko lang naman makuha ang hustisya na dapat matagal ko ng nakuha.

"Bakit kailangan pang mamili, Hija. Mom will also face the consequences not only those men who raped you." Determinadong sambit ni Tita Cherry.

"Cherry?! You shouldn't say that! If that's her decision and it is!" Galit nitong turan at saka tumayo.

"Ma! Dapat nga ay nagpapatiluhod ka at humihingi ng tawad kay Lorraine, hindi iyong mas galit ka pa!"

Kahit ako ay nagulat ng pasigaw itong sinabi ni Tita Cherry, dahan-dahang napaupo ang matanda at natuon ang kanyang paningin sa sahig.

Natahimik kaming lahat hanggang sa makarinig kami ng hikbi, una ay mahina lang ito hanggang sa lumakas. Nanggagaling ito sa Lola ni Jacob.

"P-Pasensya na Hija, mali ang nagawa ko...maling-mali. Sana'y mapatawad mo ako," tumingin ito ng diretso sa akin at saka muling nag-salita "hayaan mo at makukulong ang mga taong binayaran ko. Gagawa rin ako ng paraan upang tuluyan mo akong mapatawad." Dire-diretsong ani nito habang patuloy na pinupunasan ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi.

Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla siyang humingi ng tawad, dala siguro ito ng mga nangyari sa akin kaya hirap na ako maniwala agad. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit ganito ang naging epekto, it takes time talaga siguro bago mag-heal ang mga sugat.

"Apology accepted po, hahayaan ko po kayong patunayan ang sarili niyo na ang paghingi niyo po ng kapatawaran ngayon ay totoo at hindi masasayang ang ibinigay kong pagkakataon." Ayon lang ang lumabas sa bibig ko at saka tumayo na upang lisanin ang lugar na iyon.

Nagpa-alam na ako kila Tita Cherry, ipinilit pa nitong ipahatid ako kay Jacob kahit sa huling pagkakataon. Kita ko ang pagsusumamo sa mukha ng ginang kaya naman ay pinag-bigyan ko na.

Sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili na nakatanaw sa bawat punong nadadaanan ng sasakyan ni Jacob. Nanatiling ang musika na galing sa stereo ng sasakyan ang siyang tunog na naririnig.

Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako, nagising na lang ako sa mahinang pagyugyog sa aking balikat ng kung sino. Pagkadilat ko ay nakita ko ang namumungay na pares ng mga mata, mula sa kanyang natural na magulong buhok, sa matangos na ilong na animo'y pinagtuunan talaga ng isang artist upang mahulma at ang kanyang mapupulang mga labi, nalaman ko na nasa kotse pa rin ako ni Jacob.

Peke siyang umubo at saka bumalik sa kanyag kinauupuan, tumingin ako sa paligid at ang tanging nakita ko lang ay ang city lights na nasa ibaba ng bundok na kinalalagyan namin.

"Nasaan tayo? Akala ko ba ay ihahatid mo lang ako?" Tumingin ako sa kanya at saka tumingin muli sa mga ilaw na nagmumula sa kabahayan sa bayan.

"Gusto kita maka-usap, patungkol sa atin." Katulad ko ay nakatuon rin ang kanyang mga mata sa mga ilaw ng kabahayan.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Jacob. Kung ano ang sinabi ko sa 'yo ay ayon na talaga 'yon, pinag-mukha mo akong tanga sa tingin mo ba ay ganuon kadaling mawala ang sakit?" Lumabas ako ng sasakyan at duon pinakawalan ang naipon kong hangin sa loob ng sasakyan.

Tumingala ako sa nagki-kislapang mga bituin upang maiwasang bumagsak ang luha ko ngunit bigo ako ng sa gilid ng aking mata ito lumandas, walang takas sa totoong nararamdaman ng puso ko.

Narinig kong bumukas at sumara rin ang pinto ng sasakyan palatandaan na lumabas na rin ng kotse si Jacob, naramdaman ko na malapit lang ang kanyang presensya ngunit hindi siya tuluyang lumapit. Nanatili lang siyang nakatayo ilang dipa malapit sa 'kin, binaba ko ang aking tingin ng muli siyang mag-salita.

"My deepest apology, I didn't mean to hide it to you the whole time. May plano ako aminin sa 'yo pero it's your trauma baby, ayoko namang biglain ka. I want you to rest..." He lean to his car and crossed his arm.

"Trauma na nga! Tapos ano? Bibigyan mo pa ng another trauma? Bibigyan mo pa ng dahilan para magkaroon ako ng trust issues?" Naramdaman ko na lang na tuluyan ng lumandas ang kanina ko pang pinipigilan na luha.

"Hindi sa ganuon, Lori. Argh, paano ko ba ipapaliwanag." Tumingala ito sa langit habang sinasabunutan ang kanyang sariling buhok.

"Our story had already ended, Jacob. No more dramas and no more explanations, so please, leave me alone." Dahan-dahan nitong ibinaba ang kanyang paningin hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Kasing dilim ng paligid ang makikita mo sa kanyang mata, hindi dahil may bahid ng galit ngunit punong-puno ng kalungkutan. Suminghap 'to at saka pinunasan ang luhang lumandas sa kanyang pisngi, tuluyan naring namula ang kanyang matangos na ilong at kasabay nuon ay ang pag-hakbang niya.

"Ganuon na lang kadali 'yon? Ayaw kitang mawala sa akin, Lori...please give me a second chance. Promise..." Nagulat ako ng lumuhod ito at saka yumuko, kitang-kita pa rin ang pagtaas baba ng kanyang balikat, sumisimbolo na siya ay patuloy pa rin na umiiyak.

Nanatili ang mata ko sa kanyang magulong buhok, habang patuloy na rumaragasa ang luha sa aking magkabilang pisngi.

Gusto ko siya yakapin at sabihin na mahal na mahal ko siya, pero hindi ganuon kadaling mawala iyong sakit eh. Sa sobrang lalim ng sugat na ginawa niya, hindi ko alam kung gagaling pa ito.

"Please, Lori...I'll be better. Kahit hindi mo ako patawarin agad-agad, just give me a chance para mapatunayan ko ang sarili ko. Mahal na mahal kita."

Mahal na mahal rin kita.

There are just two options. The first one is to forgive him and give him a second chance or forget and live a new life.

What option will be best to choose?

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon