SPG ⚠️
"Good morning sir! I'm sorry I'm late" nahihiya kong bati dito .
Papaanong hindi ako malelate?
May pinareview lang naman sya saaking Profiles , doesn't have any idea kung para saan iyun, binigay nya iyun mga 7 ng gabi then he told me na kailangang makabisado lahat yun.
"Ready the conference room" he said with his usual tone of voice.
Tumango nalang ako dito bilang sagot at lumabas ng office, tinahak ko ang malaking conference area, inayus ang chair at ang monitor , I prepared bottle of water.
Exactly 9 in the morning , isa isang nagsidatingan ang mga board members at pinakahuli si Xy , umupo sya sa pinakadulo ng lamesa at nasa bandang gitna sya.
Ako naman ay nasa pinakaunahan , kailangan ko kasi ma sulat lahat ng mga importanteng report.
"Ms. Vanzuela dito ka sa tabi ko maupo" napaiktad pa ako ng umalingaw ngaw ang boses ni Xy sa loob ng conference area.
Ngumiti ako sa katabi kong lalaki , matanda na ito pero hindi ko gusto ang pagtitig nya saakin , mukha syang manyak.
Lumipat naman ako sa malapit ng kinaroroonan ni Xy at nakinig ng mabuti doon sa nag rereport , it's all about the income of the five star hotels at report ng tinatayong mall sa isang private island na pagmamay ari ni Xy.
4hours has passed at gutom na gutom na ako. Nag aalburuto na din ang mga alaga ko sa tyan . Bakit kasi ang haba haba ng meeting na to.
"Let's continue the meeting tomorrow" biglang sabi ni Xy at hinila na lamang ako nito palabas ng conference area.
Diretso kami patungong elevator palabas ng building, naglakad ng kunti at tumigil sa isang Karenderya.
Tiningnan ko kung anung oras na at 12:20 na ng hapon kaya pala gutom na gutom na ako .
Si Xy lahat ang nag order at ako naman ay matamang inilibut ang paningin sa kabuoan ng karenderya, at ang pinili kong pwesto ay yung may electric fan, ang dingding pala nito ay gawa lamang sa kawayan at pawod naman ang bubong.
Maya maya ay dumating na din si Xy at may bitbit itong isang tray ng pagkain. Hindi pamilyar saakin yung inorder nya pero syempre nag order sya ng sinigang na maraming gulay na kangkong.
"Anung klaseng putahe yan?" tanung ko sa tahimik na kumain na si Xy.
"It's bicol express" maikling sagot nito.
Bicol express na pala yun akala ko ginataang karne lang .
Tahimik na ulit akong kumain habang ang kasama ko naman ay panay singhot ng singhot.
"Ok kalang ba? " I ask him then sinipat sipat ang noo at leeg nito kong may sinat ba pero wala naman .
"Maanghang" mahinang sabi nito at tinuro ang bicol express, halos makalahati na nya iyun . Namumula din ang kanyang pisngi at tungki ng ilong , mas naging pula din ang kanyang labi at maluha luha naman ang kanyang mata.
"Sino ba kasing nagsabi sayo na mag order ka ng ganyan tapos di mo naman pala kaya ang anghang ?" nag aalalang tanung ko dito , tumayo na muna ako at nagtungo sa counter.
Bumili ako ng isang coke mismo na malamig at dalawang mineral water at bumalik sa pwesto namin kanina .
Nakasandal na ito sa sa upuan habang nakatingala at nakapikit ang mata at panay buntong hininga.
"Here, drink it para kahit papaano maibsan yang anghang " tawag pansin ko dito. Tumingin naman ito saakin kaagad at para bang nag twinkle ang kanyang mga mata . Don't know kong sa coke mismo ba o saakin, pero napaka assuming ko naman.
BINABASA MO ANG
RUNNING FROM MY MAFIA HUSBAND
RomanceThis is a work of fiction names , places , word meaning characters events and encident are either the product of author imagination . Any resemblances to actual persons living or dead or actual events are purely coincedence.. This is also restricted...