CHAPTER 15

1 0 0
                                    

          "Here we are na baknet sana mag enjoy ka dito" nakangiting sabi saakin ni Marissa. Ngumiti naman ako dito at tahimik na nanalangin na sana mag enjoy nga ako dito at makalimutan ko manlang ang lalaking iyun.

We riding a trisikel dahil wala naman daw sumundo sa kanyang kamag-anak nya dahil wala daw itong mga alam na uuwi sya, isusuprise nya daw ang mga ito.

Medyo mahaba haba din yung naging byahe namin, ng makarating kami mismo sa lugar kung saan talaga ang bahay nila Marissa ay may nagkakagulo, hindi ko alam kung bakit pero dahil tinatahak namin ang bahay nila Marissa ay tinakbo nalang nya ang pagitan upang makarating agad sa bahay nila dahil doon nang gagaling ang kaguluhan.

"PA! PA ! " rinig kong sigaw ni Marissa, Nag panick din ako kaya nakisiksik din ako sa kumpol ng mga tao at pumasok sa bahay nila Marissa at doon ko nasaksihan ang nanghihina na ngang papa ni Marissa, boto't balat na ito at hinahabol na din ang hininga nito kaya napaluha nalang ako.

"Andito na ako papa please lumaban ka" pakiusap ni Marissa sa ama habang yakap yakap ito at umiiyak.

Ganun din ang iba dito sa loob nag iiyakan na din. Lumapit ako kay Marissa at niyakap sya.

"Sige lang, ilabas mo lang yan, andito lang ako Marissa, andito din ang mga kamag anak mo" pag chechear ko dito.

Nakita ko namang dahan dahang itinataas ng ama ni Marissa ang kamay nito upang maabot ang likod si Marissa, nanginginig ito kaya walang sabi sabing tinulungan ko ito at inalalayan papunta sa likod ni Marissa.

          Tuluyan na ngang namaalam ang ama ni Marissa at pang limang araw na ngayun ng burol ng ama nya. Hindi ngayon makausap ng mahabaan si Marissa at naintindihan ko naman iyun, panganay sya sa pitong magkakapatid at nalaman ko ring silang mag ama ang magkalapit na magkalapit kaya ganun nalang kung umiyak si Marissa.

Dinadamayan ko nalang sya gabi gabi tuwing umiiyak, napansin ko ding hindi sila close na magkakapatid maliban doon sa pitong taong gulang nilang  bunso na palaging nagagawi dito sa kwartong kinalalagyan namin ni Marissa. Gaya ni Marissa magaling din itong maghandle ng nararamdaman .

Sa ika-anim na araw doon na namin hinatid sa huling hantungan ang ama ni Marissa, hindi na sya umiyak at tahimik lamang nagmamasid sa mga nakapaligid sa kanya.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil parang hinahalukay  ang aking tyan kaya dali dali akong tumakbo papuntang banyo at doon ako sumuka ng sumuka.

Pagkatapos non ay nanghihinang lumabas ako ng banyo at bumalik sa pagkakahiga dahil medyo nahihilo ako.

Dahil hindi naman na ako dinalaw pa ng antok ay napagdisisyunan ko na lamang na lumabas ng kwarto , tulog na tulog pa si Marissa kaya iniwan ko na lamang ito.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay dumiretso kaagad ako sa dalampasigan. Napakalinis ng dalampasigan dito at mula sa kinatatayuan ko may natanaw akong isang Beach resort na sa likod nito ay isang napakalaking bahay.

Hindi ko napigilang ma curious kaya inihakbang ko ang aking mga paa patungo doon sa Beach resort ilang metro lamang ang layo mula sa bahay nila Marissa, hindi pa naman din mataas ang araw kaya OK lang na maglalakad lakad ako dito at tsaka na miss ko ding ang mga ganitong lugar, hindi ko nga maalala kong nakarating ba ako sa mga ganitong lugar noon.

Pagkarating ko doon ay walang katao tao maliban doon sa Carr taker yata na naglilinis sa unahan ng mansion , muntikan pa nga itong mapaupo at gulat na gulat na tumingin saakin.

Ako naman iyung nagulat ng makabawi na yung medyo may katandaan ng babae mula sa pagkagulat , dali dali itong pumunta sa gawi ko at inakay ako paupo sa isa sa mga ratan chair.

RUNNING FROM MY MAFIA HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon