CHAPTER 21

0 0 0
                                    

   KAY BILIS lumipas ng panahon at ngayon nga ay Sunday na.

Nandito na kaming lahat sa church maaga palang kasi sadya talaga naming maabutan ang mass.

Daddy, Mommy, Kuya Erecho, Kuya Eric and his daughter Ela na dalagang dalaga na tingnan sa edad na 9. Well Kuya Eric was a single dad. Nandito na din ang fiancé ni kuya Erecho si Laurice at si Marissa kasama si Shara.

Nandito nadin ang iba pang ninongs and ninangs ni Xeff and obcourse nagkalat din sa paligid ang mga bodyguards na tauhan ni Daddy.

Exactly 9:00 am ay natapos din ang mass at isinunod na kaagad ang pagbibinyag kay Xeff, mabilis din naman itong natapos at nagsiuwian na.

Pero bago kami lumisan sa church ay may nagbigay naman saakin ng black box, medyo may kabigatan iyun kaya pinadala ko nalang sa isang bodyguards at inilagay naman yun sa compartment ng kotse na sasakyan namin pauwi.

Nauna sila Mommy kasama na si Xeff na nakatulog na dahil iyak ng iyak kanina habang pinapaliguan ni Father ng langis, samatalang nahuli naman ako dahil may isang pulubi na napakapit sa may laylayan ng dress na suot ko.

Nagulat pa nga ako ng bigla ako nitong dinambahan matapos kong maibigay yung box sa bodyguard.

"Ineng, huwag kang sasakay dyan " pag pigil ng ginang saakin.

Lumapit naman ang dalawang bodyguards at pilit pinahihiwalay ang ginang sa pagkukuyapit sa laylayan ng dress ko.

"Maniwala ka sa akin ineng, may bomba sa sasakyang iyan" hirap nitong sambit.

Kinain naman ako ng kaba kung kayat napatulala ako.

"Check the car!" mariing utos ko sa mga bodyguards na kasama ko ng mahimasmasan ako.

Limang kalalakihan ang nagcheck non, tatlo ang nasa silid ng sasakyan at hinalughog nila ang laman non, tapos dalawa sa ilalim nito.

Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla itong sumabog dahilan upang tumilapon ako. Hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkasalampak ko sa sahig ng may humila saakin at tinakpan ng panyo ang ilong ko dahilan upang mas lalo akong mahilo, pero bago ako panawan ng ulirat ay nakita ko ang ngiting tagumpay ng pulubi kanina.

Shuta! Nalinlang ako!

      "SHIT DEVELA!" galit na sigaw ko dito, matapos nyang sabihin saakin nasa kapahamakan si Fate.

Dinaig ko pa si Flash sa subrang bilis ng kilos ko basta namalayan ko nalang na nasa unahan na ako ng simbahan at nakikipagpalitan ng bala sa mga di kilalang kalalakihan.

F*cking morons! walang pinipiling lugar!
Sa sagradong lugar pa talaga!

The question is 'anong ginagawa ni Fate sa simbahan?'

Don't tell me, nagpaplano na sa kasal itong si Fate!
In her dreams!

"Boss, Fate is in the black van " imporma saakin ni Hudson

"Xyto, cover me, lalapit ako sa van" utos ko naman dito at sumang-ayun naman kaagad ito.

Dahan dahan akong lumapit sa itim na van, medyo may kalayuan iyon at talagang nagkalat sa paligid ang mga kalaban.

Mayroon ding naka itim ng suit at nakikipagpalitan din ng bala sa mga kalalakihan na syang nagpadadagdag nanaman saakin ng isipin.

Pero pinagsawalang bahala ko na muna, sa ngayon focus  na muna tayo sa goal kahit mahirap.

Lahat ng nasusumpungan o nakikita kong tinututukan ako ng baril ay walang awa kong pinagbabaril hanggang sa makarating ako sa likurang bahagi ng van.

Walang ibang tao sa loob ng van kundi ang walang malay na si Fate at isang malaking lalaki pero matangkad naman ako dito.

RUNNING FROM MY MAFIA HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon