CHAPTER 12

2 0 0
                                    

Nagising ako ng may kung anung gumagapang saaking paa, isa iyung kamay at bumungad saaking harapan ang isang lalaking nakangisi, madilaw at may itim na ngipin , may balbas din sya.

"Mukhang nagising yata kita magandang dilag" patawa tawa pa nitong sabi.

Parang tangang tumatawa wala namang nakakatawa.

"Woy Baldo tigil tigilan mo nga yan mamaya nyan makita ka ni boss papatayin ka nun" sigaw ng isang armadong lalaking nakabantay sa labas

Doon ko lang napagtantong nakaupo ako sa silya at nakagapos ang dalawa kong kamay sa likod ganun din ang dalawa kong paa.

"Anung kaylangan nyo saakin! hindi ako mayaman wala kayong mapapala sa akin" mahinahong sabi ko sa kanila pero mukhang wala silang nadirig na hindi manlang ako nila tinapunan ng tingin maliban sa tangang lalaking kanina pa tumatawa sa harapan ko

Aliw na aliw sa nakikita ehy?

" Lumayo ka nga ng kunti, na alibadbaran ako sa pagmumukha mo!" galit na sigaw ko sa hindi mapuknat puknat ang ngisi .

Nalipasan yata to ng gutum kaya parang iwan.

"Woy ikaw! pinapagutuman nyo ba to? mukhang mangangain na eh" pagbibiro ko kay kuyang may takip ang bunganga at nakabonet ng gray, naka cargo pants din ito at naka long-sleeved at may hawak na mahabang baril.

Napakamut naman si kuyang naka cargo pants at padaskul na hinaklit si Baldo daw sa harapan ko.

"Adik lang talaga tong gagong to sa mga babae miss " sabi naman nya at kinaladkad palayo saakin si Baldo.

Mukha ngang adik ang isang yun, naalala ko naman tuloy ang tatlong tababoy na bumastos saakin noon sa looban, siguro ay ganun parin ang kanilang ginagawa sa ngayon.

Anu ba kasing ginagawa ko dito at nakagapos ako? Kung pera ang kailangan nila suss wala silang mapapala saakin ni pisong duling wala ako non .

Inilibut ko ang aking paningin,  nasa isang kwarto ako ng maraming kahoy giba giba na din ang dingding ng kwarto ganun din ang nagsisilbing bintana nito.

Bawat posibleng madaanan ko kung sakali mang tatakas ako ay may mga lalaking may baril na nakabantay, mayroon ding dalawang lalaking nakatayo lang sa bawat gilid ko . Bantay sarado talaga ako.

Nangangalay na ang kamay ko at masakit na din ang pwetan ko.

Oh God anu nanaman ba tong pinasok ko.

"Magandang gabi boss" napatuwid ako ng tingin sa may pintuan ng kinalalagyan ko ng magsalita ang isang tagabantay doon. Hindi na nakabalik si kuyang naka cargo pants at ang adik daw na si Baldo.

Naging alisto naman ang dalawang nasa gilid ko.

Maya maya ay may pumasok na isang lalaki, naka formal attire pa ito sa tindig palang ay kilalang kilala ko na ang isang to.

"What is the meaning of this Mr. Lacksamana?" gigil na tanung ko dito.

Anu naman kaya ang kaylangan ng isang to!
Ipagpipilitan nya parin bang sya ang boyfriend ko for almost 2 years? Eh di sana na trigger ang utak ko at naalala na sya pero wala!

Sumasakit ang ulo ko at may mga imahe akong nakikita pero hindi sya! alam kong hindi sya !

"Hey chillax parang wala tayong nakaraan ah"

"Wala talaga dahil hindi kita kilala!"

"Kay bilis mo namang makalimut mahal ko" mahinang usal nito at bigla na lamang syang dumukwang saakin mabuti nalang at hindi kami nagkiss.

"Lumayo ka nga saakin! " sigaw ko dito at nagpupumiglas pero ngumisi lang ito at mas lalong idinikit ang mukha saakin

"Ok fine! hindi mo talaga ako kilala? I will tell you then " tumayo ito ng tuwid at pinagsiklop ang dalawa nyang kamay at pabalik balik na naglakad sa unahan ko

RUNNING FROM MY MAFIA HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon