<guys!!! vote kayo!....
pasado kami sa S.A.D. namin so 'eto na!!! this is it! nag-upload ako. =)
salamat sa mga bagong reader, supporters at silent readers ng SIAP!!!!!
namiss ko talaga kayo.
so 'eto na! basahin niyo na! VOTE + COMMENT = VOMMENT kayo!
-------------------
Escape Plan #32
<Tor's POV>
Tor: "Becca! Bumalik ka dito! Mag-usap tayo please!"
Dire-diretso siya sa paglalakad. Galit nga siya sa akin. Hindi man
lang niya ako nilingon. Hay naku. Sa lahat naman ng makakakita
bakit siya pa 'yung nakakita. At sa lahat naman ng taong
makakaaway ko eh 'yung taong malapit sa puso niya.
Ngayon nandito ako sa may tapat ng main gate ng school. Unting
hakbang na lang e papalabas na ako. At siya...
Malayo na...
Hahabulin ko sana siya pero...
*beep* *beep*
???: "nasaan ka?"
Ano ba 'yan wrong timing naman 'tong si Migs kung tumawag! Ano na
naman bang kailangan niya?
Tor: "o bakit?!"
Medyo may halong pagka-irita na 'yung tono ng pananalita ko. Pa'no
ba naman kasi!
Migz: "nasaan si Becca?"
Si Becca?! Anong kailangan niya kay Becca?! Biglaan naman at 'yung
pagtawag niya ngayon. Hindi ko alam pero parang may hindi
magandang mangyayari.
Hindi na ako nagdalawang-isip na habulin siya. Tumakbo ako at
sinundan siya. Kausap ko pa rin si Migz.
Migz: "hoy Tor nasaan si Becca?"
Oo nga pala tinatanong niya kung nasaan si Becca. Saglit lang...
May communicator naman si Becca bakit sa akin pa niya tinatanong?!
Saka may tracking device 'yun e.
Tor: "ba't sa akin mo tinatanong?"
Migz: "sagutin mo na lang p'wede?"
Tor: "nasaan si Migz?!"
Alam kong hindi siya si Migz.
Migz: "Sira ka ba?"
YOU ARE READING
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Teen FictionI'm Rebecca Alexie Sarmiento, you can call me Becca. I'm a student, a rocker chic, an aspiring photographer and guess what, sooner or later I will be trained to be a SECRET AGENT (just because someone is following me and I don't know why)!