Escape Plan #01
Ang ganda naman sa lugar na 'to. Ang daming white roses... ang ganda ganda!!! Pumunta ako sa may table sa may gitna. May nakita akong basket at gunting. Kinuha ko iyon at nagsimula ng kumuha ng mga rosas..
Becca: "ang ganda talaga!"
Halos mapuno ko na 'yung bask-
Becca: "OUCH!"
Natusok ng tinik 'yung daliri ko. Tumulo 'yung dugo ko sa mga rosas...
Becca: "No..."
Kumalat ang dugo sa mga rosas at naging pula... hindi p'wede... lahat ng puting rosas sa garden naging pula... lahat ng rosas sa hardin na 'yun ay nabahiran ng dugo ko... paglingon ko sa may bandang kaliwa ko may nakita akong salamin... lumapit ako sa salamin... hindi maaaring a--
???: "Becca gising na ..."
Bakit gano'n para akong nahuhulog...
Becca: "TULONG!!!"
???: "BECCA GISING NA BINABANGUNGOT NA ATA KAYO!"
Napaupo ako sa takot... minulat ko 'yung mata ko. Hinahabol ko bawat hininga ko.
???: "uminom ka muna ng tubig."
Becca: "salamat yaya Pilar."
Ininom ko 'yung tubig na binigay sa akin ni yaya.
Yaya Pilar: "napanaginipan niyo na naman ba 'yung hardin?"
Becca: "opo..."
Yaya Pilar: "oh s'ya pag-ayos na 'yung pakiramdam mo, mag-ayos ka n. Ngayon 'yung first day mo sa school. Third year high school ka na kaya dapat maganda ang first impression mo sa bago mong school."
Becca: "yes ma'm!" may kasama pang saludo.
Si yaya Pilar ang nagpalaki sa'kin.LITERAL. kasi 'yung magaling kong ina parang iniluwal lang ako tapos "the end" na. ang ibig kong sabihin, workaholic kasi si mama. Pareho sila ni papa. Magsama sila! Si yaya na tumayo at umupong magulang ko. Meron 'ring akong isa pang magulang, si kuya-daddy Alex ko. Mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon. Si yaya Pilar rin ang palaki sa kanya.
Ngayon ang first day ko sa SBCSA (St. Benidict's College of Science and Arts) as a third year high school student. Nagpa-transfer ako kasi...BASTA AYOKO DO'N SA DATI KONG SCHOOL!!! Nilagay ko sa speaker 'yung iPod ko (Take Note: naka-full volume) at nagpunta na ako sa banyo para gawin ang dapat kong gawin. Matapos ang aking mga ritwal nagsuot na ako ng robe at pumunta sa walk-in closet ko. Lahat na ata ng shade ng pink ay nasa akin na, nililinaw ko lang po HINDI AKO KIKAY kalimitan sa mga damit ko ay t-shirts na may mga sarili kong print (ako talaga ang nagdesign) pero kung may makita man kayong damit na "pang matinong-mahihin-girlie-girl-girl na damit" p'wes HINDI AKO ANG MAY GAWA KUNG BA'T AKO MAY GANYAN.
At dahil first day pa lang p'wede akong mag-civilian! Kinuha ko 'yung hot pink na off-shoulder na blouse ko na may may cute princess skull na print sa gilid, tapos sinuot ko 'yung black skinny jeans ko at 'yung pink & black combination na VANS slip-on sneackers ko. Pinatuyo ko na 'yung buhok ko at ligayan ko ng unting wax para mukhang hagard hahaha sana pala hindi na lang ako naligo. Alam ko iniisip niyo na dapat mukha akong disente, mahinhin, at inosente dahil nga sa mga nabanggit na katangian kanina. Ewan ko ba basta hindi ako gano'n.
???: "BECCA BUMABA KA NA D'YAN MALALATE NA TAYO!!!!"
Ayan sumisigaw na 'yung aking boss. Nilagay ko na sa bag ang lahat ng bagay na p'wede kong gamitin sa school: ballpen, notebook, calculator, pencil, paper, eyeliner, foundation, lipstick, panyo, chewing gum (hahahahah in case na kainin ako ni boredom), perfume, iPod (headphones: [pag-breaktime] at earphones: [pag-classtime] ang dala ko), phone, at camera (I can't live without my Nikon D90). Inilagay ko na sa tenga ko 'yung headphones bago bumaba.
YOU ARE READING
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Teen FictionI'm Rebecca Alexie Sarmiento, you can call me Becca. I'm a student, a rocker chic, an aspiring photographer and guess what, sooner or later I will be trained to be a SECRET AGENT (just because someone is following me and I don't know why)!