Escape Plan #24
<Tor's POV>
Red: "alipin ka pa rin?"
Napatigil ako sa sinabi Red. Loko talga 'yun. Tinitrip ako simula no'ng nalamana niya 'yung tungkol sa bet namin ng prinsesa. Sabi pa niya "wala ka palang binatbat e." Oo na wala na akong binatbat. Malay ko balang pinangak na mamamatay tao 'yung babaeng 'yun at gano'n na lang ang nangyayari kapag nakakahawak ng baril.
Tor: "hindi na pero alipin pa rin ang turing sa akin."
Oo, alipin pa rin ang turing sa akin ng prinsesa. Feeling niya talaga na prinsesa siya. Kung makautos 'kala mo kung sino. Friends na kami ngayon e saka tanggap na 'yun ng mga kaklase namin. sabi pa nga nila bagay daw kami pero sayang daw kasi may "Red" na daw si Becca. Ang akala kasi ng mga tao na M.U. sila Red at Becca. Well, ang mga tao lang naman ang nagsabi no'n at alam ko namang hindi ako aagawan nitong si Red....hindi nga ba?
Red: "mahal mo ba siya?"
Mahal ko nga ba? P'wede next question?
Tor: "..."
Naiinis ako sa kanya.
Naiingayan ako sa kanya.
Natutuwa ako kapag nababadtrip siya sa akin, ang sarap niya kasing asarin.
Hindi ko type ang mga babaeng natatalo ako sa mga bagay-bagay.
Hindi ko type ang mga babaeng palaban, minsan kasi nararamdaman ko kasing hindi na nila ako kailangan. Mas gusto ko 'yung mga weak, sensitive girls. Kung iniisip niyo kung bakit si Mix niligawan ko pero palaban siya, ang totoo niyan hindi siya gano'n katatag.
Ayoko sa mga matanong.
Ayoko sa makulit.
Tor: "hindi ko siya type."
Red: "talaga?"
Tor: "masyado siyang makulit at matanong. Nakakainis."
Red: "pero mahalaga siya sa'yo?"
Mahalaga? Bilang kaibigan siguro. Tama, bilang kaibigan. Lalo na kapag naaabutan ko siyang binabangungot.
Tor: "oo, as a friend."
Red: "mahal mo nga?"
Hindi.... ata.
Tor: "aalis na ako."
Nagsimula na akong maglakad.
Red: "kasi kung hindi mo siya mahal..."
Tumigil ako.. hinihintay ang susunod niya sasabihin....
Red: "...ako na lang ang magmamahal sa kanya."
Hindi na lang ako sumagot. Mahirap na baka mali pa ang masabi ko. Naglakad na lang ulit ako.
Mahal ko nga ba?
Kahit ako hindi ko alam ang sagot e.
*beep*
Biglang nag-beep 'yung communicator ko. Ano na naman bang nangyari? No'ng isang beses kinontak niya ako sa communicator akala ko naman kung ano na 'yun pala hinahanap lang pala niya si Yanie, tapos no'ng isang beses naman kinontak ako tapos tinanong ako kung may sanitary napkin raw ako. Linsyak 'yan mukha ba akong nagamit ng sanitary napkin?!!
YOU ARE READING
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Teen FictionI'm Rebecca Alexie Sarmiento, you can call me Becca. I'm a student, a rocker chic, an aspiring photographer and guess what, sooner or later I will be trained to be a SECRET AGENT (just because someone is following me and I don't know why)!