<Becca's POV>
Red: "oy, anong drama 'yan?"
Lumingon ako kay Red na para bang nanghihina. Red naman e! Nag-eemote 'yung tao dito tapos ganyan pa ang banat mo. Pagnapikon ako ikaw ang babanatin ko d'yan e.
Red: "alam mo bang hindi matutuwa 'yang mokong na 'yan sa mga pinaggagagawa mo?"
Alam ko. Pero hindi ko alam kung bakit ako ganito ngayon. Hindi ko pa rin kasi akalaing nagawa niya akong iligtas. 'yung balang 'yun ay para sa akin at hindi sa kanya. PARA SA AKIN! Napakadamot kasi niya. Gusto niya sa kanya lahat ng bala. Ito na ang pangalawang bese na inagaw niya ang bala na PARA SA AKIN.
Red: " 'wag mo ngang sisihin ang sarili mo."
Napalingon ulit ako sa kanya. Pa'nong hindi ko sisissihin ang sarili ko e NABARIL SIYA! Nabaril siya at wala pang malay hanggang ngayon. Tapos sasabihin niyo sa akin na 'wag kong sisihin ang sarili ko.
Red: "kasama 'yun sa misyon. Dapat handa ka masaktan. Handa sa mga dapat mangyari."
Handa naman ako e. Ang akin lang e mabigat para sa akin na makita 'yung taong nagligtas sa akin na nakahiga dito at maraming nakakakabit na kung anu-anong tubo at walang malay.
Red: "kung natatakot kang baka mawala sa'yo si Tor... ano ka ba masamang damo 'yang g@gong 'yan kaya hindi pa 'yan mamamatay."
Hinampas ko si Red sa braso. Adik talaga 'to! Nagawa pang magbiro ng gano'n. Oo alam kong masamang damo 'yang kumag na 'yan.
Red: "nga pala, bakit hindi ka pa daw nakain?"
Wala akong gana.
Red: "mas maigi pang mamatay dahil sinagip mo 'yung taong mahalaga sa'yo kesa mamatay sa gutom kasi nag-iinarte siya sa nangyari."
Napayuko na lang ako. Tama naman kasi siya. Bakit ba kasi ako nag-iinarte dito?
Red: "ano? Kakain ka na ba?"
Tumango na lang ako.Sakto naman na lumapit si bes at sinabing kukuha daw siya ng pagkain. Hinawakan ko 'yung kamay ni Tor.
Red: "grabe ang lakas talaga ng tama sa'yo ng sira ulong 'yan."
Pagkabalik ni bes e kumain na kami tapos no'ng gabi na e umuwi na rin silang dalawa. Napatingin ako kay Tor.
Becca: "hoy. Wala ka bang balak gumising? Papasalamatan pa kita noh. Gumising ka na nga! Sobra na ang tulog mo. Kahit matulog ka pa ng matulog hindi ka na tatangkad... Mahalaga ka sa akin kaya nasasaktan akong makita kang ganyan. JASPER AMIL ANGELES TORMIENTEZ GUMISING KA NA!!! PAGHINDI KA GUMIISING HINDI NA KITA BATI!!!"
Tor: "ang ingay *inat* mo. Natutulog 'yung tao dito tapos sigaw ka ng sigaw. Hindi ka na nahiya. Gabi na tapos nagpupuputak ka d'yan. Matulog ka na nga. Lika dito tumabi ka sa akin malaki naman 'yung kama."
PROCESSING DATA....
LOADING 30%...
LOADING 50%...
LOADING 78%...
LOADING 96%...
LOADING 98%...
LOADING COMPLETE!
Tor: "tutunganga ka na lang ba d'yan? 'lika na dito."
Tapos hinawakan niya 'yung braso ko at hinila ako kaya naman napahiga ako ng wala sa oras. Hindi na ako pumalag. Humiga ako sa kabilang side ng kama. Inaatok na rin kasi ako. Basata ang mahalaga e gising na siya.
Becca: "GISING KA NA?!"
Napalingon siya sa akin.
Tor: "'wag ka ngang sumigaw magkatabi lang tayo o. Sino ba namang hindi magigising e kanina ka pa sigaw ng sigaw. Kahit at commatose patient magigising sa'yo e."
Becca: "ikaw nakakainis ka!"
Tapos hinampas ko 'yung braso niya.
Tor: "Aray! Baka naman nakakalimutan mong nabaril ako tapos makahampas ka naman d'yan parang wala akong sugat ah. Ganyan ka ba magpasalamat sa nagligtas sa'yo? Kasi kung ganyan lang rin e 'wag mo na akong pasalamatan."
Tapos tumagilid siya sa akin. Nakita ko 'yung hospital gown niya may duugo sa likod.
Becca: "FVCK! 'wag kang gagalaw. D'yan ka lang tatawag ako ng doktor. Shemas!"
Dali-dali akong tumayo at tumawag ng doktor. Sakto naman na paglabas ko e papasok na 'yung doktor.
Becca: "doc dumudugo po 'yung likuran niya."
Doktor: "sige kami ng bahala."
Tumango lang ako tapos umupo sa isang tabi. Tinignan ko lang sila do'n. Tinanong nila ng kung anu-ano si Tor tapos maya-maya e tinakluban nila 'yung higaan ('yung parang kurtina) lilinisin siguro nila 'yung sugat ni Tor.
Mga ilang minuto e nalaman ko na lang ako'y nasa dreamland na.
<Alex' POV>
Migz: "p're sensya na talaga sa mga nangyari. Hindi ko talaga inasahang gano'n ang mangyayari."
Nandito kami ngayon sa opisina ni Migz. Hindi ko naman siya sinisisi sa mga nangyari. Ako. Ako ang may kasalanan. Ako mismo ang naglagay sa kapatid ko sa kapahamakan. Hindi ko akalaing muntikan na siyag mawala dahil sa akin.
Alex: "ako ang may kasalanan. Hindi ko na sana siya pinayagan."
Buti na lang talaga at nando'n si Tor. At napatunayan ko namang maaalagaan niya ng kapatid ko.
Alex: "kamusta na si Tor?"
Migz: "gising na daw siya sabi ng doktor. Buti na nga lang raw at kinausap ni Becca si Tor. Mas napabilis raw ang recovery niya. Grabe lakas talaga ng tama ng utol ko sa utol mo."
Alex: "oo nga e."
Migz: "kailan ba ang kasal ng dalawang 'yun?"
Napatingin agad ako kay Migz.
Migz: "o chillax! Joke lang pare. Alam ko namang hindi pa p'wede 'yun."
Alex: "buti naman at alam mo. E hindi pa nga dumadamoves 'yang utol mo e manang mana sa'yo."
Migz: "oy oy hindi ako torpe noh."
Alex: "sa'yo nanggaling 'yan hindi sa akin."
Napailing na lang si Migz. Pagkatapos no'n e umalis na ako pero bago pa ako pumunta sa pupuntahan ko e dumaan muna ako sa kwarto ni Tor. Nakakatuwa 'yung dalawa. Parang anghel kung matulog. Binuhat ko si Becca at ihiniga sa tabi ni Tor. Pa'no ba naman hirap na hirap sa sofa ang lokaret. Saka pareho naman silang tulog kaya bahala na sila d'yan pagkagising nila.
Alex: "goodnight khulet."
YOU ARE READING
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Teen FictionI'm Rebecca Alexie Sarmiento, you can call me Becca. I'm a student, a rocker chic, an aspiring photographer and guess what, sooner or later I will be trained to be a SECRET AGENT (just because someone is following me and I don't know why)!