SIAP: Escape Plan #51.1

849 17 3
                                    

Escape Plan #51

Nandito kami sa auditorium ng school kasi nga may program ang school para sa last day ng foundation week. May concert daw kasi 'yung mga lower year at fourth year kasi nga 'di ba 'yung third year ang may hawak ng mga booths kaya naman hindi kami kasama sa performance ngayon.

May mga kumanta, sumayaw at nagmonologue?? Weird nga ng dating e pero keri na rin. Ngayon naman e may banda raw nadadating at guess what? Kami raw ang front act. Alam ko na sinabi ko kanina na hindi kasama ang third year ero wala kaming magagawa kasi 'yung directress na namin ang nagsabi. So eto kami ngayon sa stage, si Louie on lead guitar, Red on drums, Tor on keyboards at Yanie on bass nga pala nakalimutan ko... me on vocals and rhythm guitar and we are The Backyard Dudes. Hahah... natawa naman ako kasi ang talented namin masyado tignan niyo naman kung ano kami ngayon:

*student

*owned a photo and video studio (except for Louie)

*secret agents (except for Louie)

And now...

*we're on a band named "The Backyard Dudes"

Hindi ko na nga alam kung ano pang mangyayari buhay ko e. hay naku bahala na nga. Nandito kami sa backstage nagpe-prepare para sa performance namin ngayon. Kinakabahan kasi ako, pa'no ba naman kasi magpo-front act kami sa...

???: "hi guys! Kayo ba 'yung "The Backyard Dudes"?"

p'wede na ba akong himatayin ngayon?! Chito M.!!!

Kinakausap ako ni Chito ngayon!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!

Tor: "oo kami nga. Kayo pala 'yung band natutugtog. Astig."

Chito: "hindi ba sinabi sa inyo?"

Becca: "h-hindi po."

Hala lagot na, nauutal na ako. Hindi talagaako mapakali!

Yanie :"bes ok ka lang?"

Bulong sa akin ni bes. Duh? Kaharap mo ba naman si Chito sinong hindi kakabahan?!

Becca: "hindi e."

Tapos nakita kong papalapit na ang buong banda. OH MY GULAY NASAAN 'YUNG CAMERA KO!!!

Nakita ko sa couch 'yung camera ko kaya naman.

Becca: "guys!"

Tapos bahagya kong iniangat 'yung camera ko para senyasan sila na kukuhanan ko sila ng picture.

*click!* *click!* *click!*

Chito: "nice! p'wede pa tingin...ummm ano nga palang pangalan mo?"

Becca: "Rebecca po pero Becca na lang."

Chito: "Becca, 'wag mo na akong i-po. Parang tropa-tropa lang tayo dito."

Ngumiti ako tapos iniabot ko 'yung camera ko sa kanya.

Chito: "Astig. Magaling ka kumuha. p'wede mo ba kaming kuhanan ng picture mamaya sa show?"

Becca: "salamat. Oo naman! Kahit hindi mo sabihin 'yan e kukunan ko talaga kayo ng picture. Idol ko kaya kayo!"

Chito: "geh! Kaya niyo 'yan!"

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now