gusto ko mag-update kaso hindi pa tapos 'yung isang chapter kaya eto 50.1 muna...
really need your reactions guys...
don't worry negative reactions are ok...
but no foul words ok?!
-mawi
######
Escape Plan #50.1
Love is in the air…
…nakakasuka.
-Denise
<Denise' POV>
I'm bored!!!
I can't believe that I've just confessed half of my life to Jasper!
Ewan ko ba. Siguro kailangan ko lang talaga ng masasabihan ng problema and besides alam ko naman hindi niya 'yun sasabihin. Hindi naman siguro siya chismoso 'di ba? Pero if ever he spills my secret then I jst have to kill her beloved Rebecca.
Speaking of Rebecca, she's with Louie.
Denise: "I can't believed that you're making this so easy for me Rebecca."
???: "Miss!"
Narinig ko 'yung lalaking 'yun pero dedma lang. baka kasi mapahiya ako. Mamaya hindi pala ako 'yung tinatawag 'di ba?
???: "Miss na may Pink *toooot* shoulder bag.
What?! Pa'no niya nalaman 'yung tatak ng bag ko?!
So ako nga 'yung tinatawag niya.
Lumingon na lang ako. Bahala na. nakatingin siya sa akin na nakakaloko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kilala ko ba siya? Matangkad siya hindi naman nagkakalayo 'yung edad namin (I think). Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko talaga alam kung saan.
???: "don't tell me hindi mo na ako natatandaan?"
Denise: "hindi nga. Sino ka ba?"
???: "ganyan ka na. katampo ka. Hihintayin ko na lang na maalala mo ako. Bye"
Tapos umalis na siya.
Denise: "sino ba kasi 'yun?"
???: "Madz! Namiss kita! Nakakatampo lang kasi hindi mo ako naalala! Don't worry magkikita pa naman tayo e."
Sabi niya pero hindi siya lumingon. Patuloy lang siya sa paglalakad habang sinasabi niya 'yun.
That's creepy…
Minabuti ko na bumalik na ulit sa school.
<Yanie's POV>
Waiter: "Hi I'm Angel and I'll be your servant for today."
Sabi no'ng Angel tapos iniabot niya kay Red 'yung menu, aba't nagpacute ang loka. 'di ba dapat sa babae muna ibinibigay 'yung menu?!
Red: "Lhabs eto 'yung menu oh."
Dinedma niya 'yung si Angel kaya naman napangisi na lang ako. Ano ka ngayon?! Hindi 'yan eepekto sa Lhabs ko. Ano daw 'yun?! Lhabs ko?! Sinabi ko ba 'yun?!
^_^
Red: "lhabs anong gusto mong kainin?"
Tinanong niya ako tapos ngumiti. Ang cute talaga nito. Hindi na talga ako naghihinala na bading siya pero hindi muna ako papahalata na gusto ko siya. Pa-hard-to-get muna ako.
Yanie: "'kaw 'tong nagyaya kaya ikaw ang mag-isip."
Loko talaga 'tong si Red. Magyayaya tapos wala naman palang plano.
Dinala niya ako sa isang restaurant booth dito sa event pero ang tema ng restau nila e parang elegante tignan pang date talaga siya. Halos lahat ng nandito puro lovers e.
Tinignan niya 'yung menu tapos pumili.
Red: "Ummm miss bigay mo ako ng dalawa no'ng F1, F64 at isang F89"
Waitress Angel: "would that be all sir?"
Red: "'yan muna for now, tawagin na lang kita kapag may idadagdag pa kami."
Waitress Angel: "Your order will be ready within 15 mins."
Tapos nag-bow siya at umalis na.
Nakakainis talaga nagpapacute talaga siya.
???: Selos ka naman?
Whoah?! Sino 'yun?
???: ako ang iyong kunsinsya.
Hahaha… adik ka ba? Anong kunsinsya ka d'yan?!
Kunsinsya: totoo nga ako nga iyong kunsinsya. Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin dit kay Wilfred na like mo siya?!
Takot ako??
Kunsinsya: takot saan? Na maulit uli 'yung dati? Natatakot kang baka iwan ka rin niya?
Parang gano'n na nga.
Kunsinsya: 'di ba nga mas malalaman mong buhay ka kapag nasasaktan ka? Malay mo siya na ang paraan para makapagmove-on ka na. para maibaon mo na sa limot kung ano ka dati…
Napatingin ako kay Red. Hindi ko alam, siya na nga kaya 'yung paraan para makaalis ako sa nakaraan ko? Pa'no na lang kung malaman niya 'yung totoo tungkol sa akin? Matatanggap pa ba niya ako? Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari no'ng araw na 'yun.
Pa'no kung kamuhian niya ako?
Red: "Yan? Ok ka lang ba?"
Yanie: "huh?"
Red: "sabi ko if ok ka lang?"
Yanie: "ummm.. Oo ok lang ako."
Red: "sure ka?"
Tapos hinawakan niya'yung kamay ko. Ewan ko ba pero para akong kinuryente or something.
Yanie: "o-oo naman."
???: "ehem...ma'am, sir eto na po 'yung order niyo."
Hay nako panira naman talaga 'tong Angel na ito. Amp!
Waitress Angel: "sir eto po 'yung inyo."
Sabi niya sabi kindat. Pakindat-kindat ka pa d'yan! Dukutin ko 'yang mata mo e! Puset!
Red: "Yanie my lhabs eto oh. Masarap 'yan. Sabi ng tropa ko 'yan daw 'yung bestseller nila."
Tapos inabot niya sa akin 'yung plate.
Ano ka ngayon Angel! Dineadmatology ka ni Red my lhabs! =P
Yanie: "thanks."
Sabay pacute rin kay Red.
Oh bakit? Malay mo nga tama si Kunsinsya na baka nga si Red na ang sagot sa lahat.
######
kahit hindi pa tapos ang chapter na ito e sana ay bumoto kayo...
para sa akin.
more votes faster and better the update.
YOU ARE READING
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Novela JuvenilI'm Rebecca Alexie Sarmiento, you can call me Becca. I'm a student, a rocker chic, an aspiring photographer and guess what, sooner or later I will be trained to be a SECRET AGENT (just because someone is following me and I don't know why)!