SIAP: Escape Plan #14

1.7K 24 11
                                    

Escape Plan #14

<Tor's POV>

Napapadalas na ang bangungot nito ni Becca wah. Hindi maganda 'yun. Pa'no na lang kapag wala ako o kaya naman wala siyang kasama tapos binangungot siya, sino na lang ang gigising sa kanya?

<Becca's POV>

Nasaan ako??

Sino 'tong nakayakap sa akin??

Bakit hindi pa din siya umaalis sa pagkakayakap niya? Infairness ang bango niya...

Becca: "si-sino ka?? Nasaan ako?"

Kumalas siya sa pagkakayakap.

Tor: "Ano ka ba Bex si Tor ako! Nasa clinic ka. 'wag mong sabihing may amnesia ka??

Ano ba yan si Tor lang pala. Clinic??! Anong ginagawa ko sa clinic? Saka....Whoaaah! AMNESIA?! Sira ba siya??!

Becca: "Tor?? Clinic?? Amnesia?!"

Nalilito talaga ako sa mga pinagsasasabi nitong sira na 'to! Ako? May amnesia?

Hahahah...Funny Tor!

Tor: "May amnesia ka nga! Wait tatawagin ko lang si Migz!"

Becca: "Tor!"

Ano ba 'yan tumakbo na siya palabas! Sira ulo ka talaga Tormientez! Wala akong amnesia!

<Tor's POV (ulit)>

Waaaah! May amnesia si Bex! Anong gagawin ko??

Nasaan na ba kasi si Miguel! Badtrip na talaga wah!

Napuntahan ko na 'yung tambayan niya....Pero wala siya doon.

Ahh! Sa kwarto niya! Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto niya.

*blag! Blag! Blag!*

???: "sino 'yan?? Lanjok makakatok e!"

Tor: "Miguel! Lumabas ka d'yan! Bilisan mo!"

Binuksan ni Migz 'yung pinto. Aba't naka-boxers na lang ang loko. Natutulog na ata siya. Wait anong oras na ba??

Migz: "wala ka ba talagang magawang matino ha Tor??! Alam mo ba kung anong oras na? Ala-una na ng madaling araw.

Tor: "si Becca may amnesia."

Migz: "huh??!"

Pumasok ulit siya sa kwarto at nagbihis tapos pumunta kami ulit kay Bex.

~Boy, I'll stay throught the bad times

Even if I have to fetch you

everyday

I'll get by if you smile

You can never be too happy in this life~

Marunong pala siyang kumanta...

Nandito kami ni Migz sa may pintuan niya. Nagdadalawang isip na pumasok.

*tok-tok*

Becca: "sino 'yan?"

Tor: "si Tor."

Becca: "ah...Eh...Pasok, bukas yan."

Papasok na sana ako kaso inunahan ako ni Migz.

Migz: "TotoobaBeccananagkaamnesiakadaw??SabiniTornagkaamnesiakadaw!"

whoaah! Grabe dire-diretso!

Mas O.A. 'yung reaction niya kesa sa akin.

Becca: "pffft...."

Pigil na pigil ang tawa ng loka oh. Anong nakakatawa?

Tumingi siya sa akin.

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now