SIAP: Escape Plan #51.2

807 9 0
                                    

Continuation of Escape Plan #51

<Denise' POV>

Nandito ako ngayon sa mall kasama ko si kuya Macky kasi after ng b-day niya e babalik na ulit siya sa England. Sa January na 'yung b-day niya.

Denise: "kuya ba't wala ka pang girlfriend?"

Hindi sa gusto ko siyang mag-ka-girlfriend pero kasi sa edad niya dapat may girlfriend na siya.

Kuya Macky: "hindi ko pa kasi siya nakikita ulit."

Huh? Sino?

Denise: "sino kuya?"

Baka naman si...

Kuya Macky: "natatandaan mo 'yung kababata ko na si Macy Giselle?"

Denise: "si Ate Maggie noodles?"

Sabi na nga ba e!

Kuya Macky: "hahaha. Ikaw talaga! Maggie noodles pa rin ang tawag mo sa kanya. Nasaan na kaya 'yun?"

Denise: "inlabado ka pa rin sa kanya kuya?"

Kuya Macky: "oo e. ewan ko ba."

Niyaya ko si kuya na pumunta sa may Malijens. Isa siyang restaurant sa may The Corner. 'yung "the Corner" naman e isang place na pwede kang tumambay, mga store rin do'n at mga restaurant.

Ngayon e nandito na kami sa Malijens. The best ang fettuccini dito! As in babalik-balikan mo.

Kuya Macky: "princess anong gusto mo?"

Denise: "Fettuccini kuya. Try mo rin 'yun! Best seller nila 'yun kuya."

So ayun nga umorder na si kuya.

Habang hinihintay 'yung order namin e hindi nagkwentuhan muna kami.

Kuya Macky: "Princess bakit parang wala kang pinapakilalang kaibigan sa akin?"

Denise: "'cause I don't have one."

Totoo naman e. wala naman akong kaibigan. Meron akong kilala, classmates at mga alipores pero hindi ko sila tinuturing na kaibigan kasi plastic sila. Si Gabby at Mix lang ang tinuturing kong kaibigan. Wala na.

Kuya Macky: "p'wede ba naman 'yun?"

Tumango na lang ako. Wala naman kasi akong magagawa e.

Kuya Macky: "Baka naman meron pero hindi mo lang nakikita. O sadyang ikaw lang talaga ang gumagawa ng paraan para hindi mo sila maging kaibigan."

Ako?

Ewan ko lang kuya.

Denise: "ewan ko lang kuya. Simula kasi no'ng nawala si Mix e naging ganito na ako."

Kuya Macky: "bakit ka nga ba naging ganyan? Gusto mo na bang pag-usapan?"

Tumango ako tapos maya-maya e dumating na 'yung order namin kaya naman kumain muna kami. No'ng matapos kumain e ikinuwento ko na sa kanya.

Denise: "there's this guy."

Kuya Macky: "who?"

Denise: "p'wede makinig ka muna kuya? Nabibitin e."

Tumawa siya tapos sumenyas na ituloy ko lang 'yung kwento.

Denise: "like this guys tapos naging kami kaso like siya ni Mix so nagparaya ako tapos no'ng nawala na si Mix. Naisipan kong magbago para layuan niya ako kasi ayokong maging kami kasi nirerespeto ko si Mix. Ngayon may iba na siyang mahal na girl kaya hindi na p'wede."

Kuya Macky: "ahh... nagseselos ka."

Denise: "yes.. I mean NO! why would I? ok lang naman na hindi na maging kami kaso ayoko lang talaga do'n sa girl na gusto niya."

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now