SIAP: Escape Plan #38

1K 21 19
                                    

bAKIT NYO AKO PINILIT MAG-UPDATE?! BAKET? BAKET!

MAGPALIWANAG KAYO!

HINDI NYO BA ALAM NA...

Wala lang. Hahahah...

Alam niyo ba (hala nagkwento) so ayon nga...

Ano nga bang ikukwento ko?

Ayown! Alam niyo ba si ano?! Lagi yang ganyan!

Hahahahah. Chumismis?

HALA ETO NA NGA! BASAHIN NYO NA NGA!

Pero alam nyo...

Hahahah. Pasaway.

"'wag mo ako masyadong isipin sige ka ma-mi-miss mo ako."

-Mawi a.K.a Fragile333

Escape Plan #38

<Becca's POV>

Back to normal.

Normal meaning back to school. Monday na naman at kung anong itatanong niyo kung anong nangyari noong Friday night na 'yun... Tanda niyoo pa ba 'yung nangyari sa may playground?

Hindi na?

Parang last chapter lang 'yun wah bakit nakalimutan niyo na agad?!

Ok fine, bibigyan ko kayo ng recap noong last chapter.

So ayon nagkaroon na ako ng sarili kong photo studio, namely

Stuck in a photograph

(video and photo studio)

Binigyan ako ni kuya ng karapatan na pumili ng sarili kong creative team. Composed of Tor, Yanie at Red. Minsan tumutulong sila kuya Alex at kuya Migz.

Ahh...Basta 'yun na 'yun. Noong pauwi na iniwan kami ni Tor so ayun kaming dalawa lang ang magkasama habang naglalakad nakakita ako ng playground so hinila ko siya. Ewan ko pero noong nakarating kami sa may swing parang nag-iba 'yung mood ko. Paran bumigat 'yung pakiramdam ko.

Naisi ko na naman ang mga nangyari sa akin simula ng lumipat ako sa school na iyon.

Muli na naman akong binalot ng kalungkutan at kaba.

Gusto ko ng maging normal ang buhay ko. 'yung tipong walang gulo, walang pang-aalinlangan na baka may pumatay sa akin.

Sinabi ko lahat ng iyon kay Tor noong gabing 'yon. Ang lahat ng takot at pangamba na bumabalot sa utak ko.

Sabi niya na aalagaan niya ako, babantayan.

Na....

Hindi siya titigil hangga't hindi ko sinasabi na tumigil siya sa pag-aalaga sa akin.

Nangako siya...

At pangahawakan ko ang pangakong iyon.

Noong medyo okay na ako...

I mean no'ng nagkaroon na ng "awkward moment"...

Kasi ba naman niyakap niyakap niya ako!

Ikaw kaya yakapin ng mahigpit habang sinasabihan ka pa ng mga CHEESE CORN na mga linya??

'di ba awkward 'yun??

Heheheh. Tapos yun nga ihinatid niya ako. Duh lagot siya kay kuya kung hindi niya ako ihahatid noh.

Grabe aminado ako na todo kilig 'yung nangyari. Tanga ko naman kung hindi ako kiligin!

Pero dapat pala sinulit ko na 'yung mga oras na 'yun...

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now