Escape Plan #18
<Becca's POV>
Becca: "Hey! sa'n ba tayo pupunta?!"
Grabe naman makahila 'tong si Red! Badtrip na wah! Saka bakit ba kasi niya sinigawan si Tor ng gano'n?! Kung alam lang sana ni Red na ako ‘yung may gawa kun bakit nagalit si Tor panigurado ako tatalakan nitong bading na ito. ‘yun nga, at dahil kinaladkad ako ni Wilfred de Guzman kani-kanina lamang e napadpad kami sa may rooftop. Ano na naman kasing trip nito? Tumigil na kami sa paglalakad tapos binitawan niya ‘yung kamay ko.
Red: “sa’n ka ba nagpunta? Bakit hindi ka nagparamdam sa akin no’ng weekends?”
Lagot. Ano ng sasabihin ko? Hindi ko naman p’wedeng sabihin na kinidnap ako ng QGMI. Ay hindi pala ako kinidnap kasi alam ni kuya Alex. Hahahah. Pero hindi ko pa din p’wedeng sabihin tungkol do’n sa agent-agent stuff kasi lagot ako kay Tor at kuya Migz. Think Becca, think! Ahhhh.... ehhhhhhhh,,,,, ALAM KO NA!
Becca: “Ah, eh... ‘di ba grounded ako?! Duh? NO GADGETS REMEMBER??”
Hahahahaha. Galing galing mo talaga Rebecca! Apir!
(A/N: “tama bang makipag-apir sa sarili?”)
Red: “ayy, oo nga pala. Sorry naman bhe!”
Ayan na naman tayo sa ‘bhe’. Kaya napagkakamalang kami e. Bhe ng bhe. Pasaway.. pero okay lang kasi hindi nila paghihinalaang bading si Red. P’wede na din kasi atleast gwapo ang bhe ko. Hahahaha. Pero may kasalanan pa din siya sa akin! Sinigawan niya si Tor! Lagot ako do’n pagdating namin sa QGMI.
Becca: “Bakla ka! May atraso ka pa sa akin!”
Red: “huh?! At ano naman ‘yun?? Hitad ka.”
Hitad?! Ako? Hitad?! Kung hindi ko lang kaibigan ‘tong bading na ‘to masasapak ko ‘to.
Becca: “ikaw ang hitad. Loka ka! Bakit mo sinigawan si Tor! Nako lagot na ako nito.”
Red: “syempre pinagtanggol lang kita. Kahit gwapo pa siya e kapag inaway niya ang bhe ko, ako ang makakalaban niya.”
Gwapo? Si Tor? Gwapo? Asa men!
Becca: “crush mo si Tor noh? Aminin mo na! Kasi na crush mo si T— ”
Red: “’wag kang maingay!”
Hahahah! Tama ako! Crush niya si Tor kaya siya nagpapapansin. Hahahahahah!
Becca: “mmm-mm—m-m—m—mmmmmmm!!!!”
Red: “ANO?!”
Tinanggal niya ‘yung kamay niya sa bibig ko. Buti naman.
Becca: “sabi ko, pinicture-ran ko si Tor kaya siya nagalit sa akin.”
Red: “ahhhh......” ^_____________^
Whoah! Alam ko ‘yang ngiting ‘yan! Noooooooo!!!!! Ayaw. Ayaw.ayaw!
Red: “Becca naman! Friends naman tayo ‘di ba?! Please! Isang copy lang.”
Sabi ko na nga ba gusto niyang humingi ng picture ni Tor e. Ayaw.
Becca: “ayaw.”
Red: “bakit?! Hindi naman kayo close ‘di ba? Pahingi na kasi.”
Becca: “sa isang kondisyon.”
<Tor’s POV>
Red: “ISA PANG SIGAWAN SI BECCA, AKO NA TALAGANG MAKAKAHARAP MO!”
Tapos hinila na ni De Guzman si Bex. Ano bang problema niya? Sila ba? Makapangbanta siya! Loko ‘yun wah! At sino ba siya para hawakan ang kamay ni Bex!
YOU ARE READING
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Teen FictionI'm Rebecca Alexie Sarmiento, you can call me Becca. I'm a student, a rocker chic, an aspiring photographer and guess what, sooner or later I will be trained to be a SECRET AGENT (just because someone is following me and I don't know why)!