SIAP: Escape Plan #06

1.8K 26 2
                                    

Escape Plan #06

Becca: "TOR!"

Tumingin lang ako sa may bag ko tapos... tapos... nakita ko na lang siya na nakahiga sa may paking lot.  

Duguan ang balikat niya. Ano ng gagawin ko? Kuya! Red! Waaaaaaahhhhhh!!!! Don't panic Becca! Don't panic!!!

Becca: "TOR NASAAN NA "YUNG CELLPHONE MO??!!"

Tulala parin siya! Ano na talagang gagawin ko?!!! Kinuha ko 'yung bag niya tapos hinalungkat 'to. Sa'n na ba kasi 'yung phone niya!

Becca: "TULONG!!!"

Bakit ba ako sumisigaw e malayo sa mga building 'tong paking lot na 'to! Dumadami na 'yung lumalabas na dugo sa balikat niya.

Tor: "kumuha ka ng panyo tapos itali mo sa may sugat ko."  

Becca: "huh?!"  

Tor: "GAWIN MO NA LANG!"

Nagulat sa sinabi niya. Waaaaahhhh lalo tuloy akong nag-pa-panic sa ginagawa niya e! Umupo siya tapos humarap sa akin. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Kinuha ko 'yung panyo ko tapos itinali sa sugat niya.

Tor: "diinan mo 'yung pagkakatali."  

Becca: "eh.. masasaktan ka."

Sira ka talaga Becca naturl masasaktan siya! Ikaw kaya mabaril hindi ka ba masasaktan?!

Tor: "MALAMANG MASAKIT IKAW KAYA MABARIL??!"  

Becca: "sorry naman."

Itinali ko na ng mahigpit 'yung panyo tapos tinulungan siyang tumayo. Sino kayang may gawa noon kay Tor? Baka naman may pinagkakautangan 'to? Pero hindi naman siguro kasi bata pa siya.

Dali-dali kaming pumunta sa ospital. Ako lang talaga ang nagpapanic.  

Nandito kami ngayon sa E.R. may mga pulis ri dito kailangan daw kasi nila 'yung statement ko kaya sinabi ko sa kanila 'yung nangyari. Tinanong din nila ako kung may kaaway ba daw kami, sabi ko wala naman. Pagkatapos nilang matanggal 'yung bala sa balikat niya ay dinala na siya sa isang kwarto. Ayaw pa nga niya magpa-confine kasi balikat lang naman daw, malayo sa bituka.  

Hindi ko pa nga pala nasasabi kay kuya na nanadito ako. Nagcommute lang kasi kamai papunta dito. Oo alam ko sinabi ko kanaina na HINDING HINDING HINDI ako magco-commute pero it's between life and death na.  

(Author's Note: "O.A. MO!!! Balikat lang DEATH NA AGAD!"  

Becca: "Pa'no kung bumalik 'yung namaril at pinatay kami anong gagawin mo?"  

Author's Note: "Sabi ko nga! Sorry naman!"  

Becca: "hmp!")  

Nakahiga lang siya sa may kama tapos ako naman nakaupo sa may chair katabi niya. Bakit kaya gano'n? Cool lang siya na para bang walang nangyari. BAKA NAMAN MEYMBRO NG SINDIKATO ITO???!!! MAY CLASSMATE AKO NA SINDIKATO!!! Pero magkaharap lang kami ni Tor... hindi kaya... ito na 'yung sinasabi ni Red... HINDI NAMAN SIGURO!!!

Pero anong malay ko sa mga kaya niyang gawin...

Hindi naman siguro 'yun magagawa ni Denise sa akin.

Hindi nga ba??

Tor: "AYOKO NA DITO!!!"

Bakit ako ba gusto ko??! Nakalimutan ko na namang tatawag ko si kuya!

Becca: "Tor, pahiram ng phone mo."  

Tor: "nasa bag kunin mo na lang."

Kinuha ko 'yung phone niya sa bag.

*ALERT! ALERT!*

Grabe naman 'yung ringtone niya!

Tor: "AKIN NA 'YUNG PHONE KO BILIS!"

Tumayo siya at hinablot 'yung phone niya. Ano ba ksing meron? Baka naman 'yun yung boss niya. Sinagot niya 'yung tawag.

Tor: "bakit?"

Grabe wala man lang 'hello?' o kay naman 'sino 'to?'

Tor: "ngayon na?"

Tumango lang siya. As if naman makikita siya no'ng kausap niya ang t@ng@ eh. Inend na niya 'yung tawag at humarap sa akin.

Tor: "aalis na tayo dito."  

Becca: "huh?"  

Tor: "sumunod ka na lang p'wede?"

Ano ba kasing nangyayari? Naguguluhan na ako! !  

Kanina nagmamadali din si Red na umalis. Tapos nabaril si Tor. Tapos nagmamadali din siya umalis ngayon.

KUNG MAY GUSTONG PUMATAY SA AKIN ABA'Y SABIHAN NILA AKO!

Tor: "tutunganga ka na lang ba d'yan?! BILISAN MO!!"

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now